CHAPTER 56

105 48 2
                                    


Jehridale's POV



"Talaga? Makakauwi ka na sa Huwebes Aoko?" hindi ko matiis na hindi tawagan si Aoko. Namimiss ka na kaya sya.

"Oo, hindi kasi ako pwedeng magstay, alam mo na, hindi ko gusto ang beach. Hhahaa"

Hindi ko maiwasang kiligin sa malambing niyang boses,pero hindi iyon nakaligtas sa panghihinayang kong makasama siya,"Ah, e di kung ganon macecelebrate na natin ang birthday mo kahit nung lunes pa nagstart?"

"Hhahahaah! Oo! By the way kamusta ka na dyan? Balita ko andaming pinagagawa sa inyo ah, buti nakaya mo"

"Hay, nakakapagod na nga eh, isipin mo naman! Kasa-kasama ko dito ang kaaway ko Aoko! Halos hindi nga ako nakakatulog eh"

"Ay ganon? Hhahaa, ay wait may tumatawag—"

"Ok---"

Tooooott---

"Hala"

Binaba na kaagad na nya ang tawag. Nakakainis, gusto ko pa syang kausap eh.

Nagising ako ng umagang iyon na hindi pa rin yata nakapagpahinga ang utak ko sa kakaisip. Nakakainis, yung nangyari kagabi, grabe yun ah. Halos hindi ako makatulog. Kung sinumang impakto ang lumusob sa amin kagabi yari sya sa akin. Ilang beses nang may nagtangka sa buhay ko ah. Tsk.

Bababa na sana ako ng masilip sa ibabang deck si Thrianne. Natutulog sya na parang bangkay, as in bangkay talaga. Kung paanong posisyon ay ganon sya. Shit, di kaya lahi talaga nya ang bampira at ang higaan nya sa kanila ay kabaong?!

"Tsk, kung bampira nga sya e di sana kagabi pa nya ako kinagat"

"Gunggong"

O_O

"R-Rukawa? Gising ka na?!"

"Sa ingay ba naman ng bunganga mo, panong hindi ako magigising"

""Tch, oh kilos na, baka mahuli tayo dun sa task" pinaalalahan ko sya. Bumaba na ako sa hinihigaan ko at nagstretch.

"Ok"

Nauna akong naligo bago sya. Kataka-taka naman yata sya ngayon, bakit tinanghali na rin sya ng nagising?

Pangatlong araw na naming ginagawa ang tasks na nandito at mukhang patindi na ng patindi. Pero kahit ganon ay napapawi naman dahil nakausap ko si Aoko kaninang umaga.

Kumain muna kami ng babaeng ito ng umagahan bago bumaba. Kausap nya ngayon ang fiancé nya.

"Gusto ko ng pintura na hindi nabubura"

"Eh? Like Boysen?"

"Oo, tapos acrylic na rin"

Ano bang pinaguusapan nila?

"Hintayin mo lang yun Kil, mamaya nandito na yung sinasabi mo."

"Pwede ko bang makita kung anong ipapaint?"

"Ito"

Dahil gusto ko na ring makita iyon ay napasilip ako. Parang may pagkagoddess ang itsura ng babae sa painting, Greek style sya. Hindi ako maalam sa mga arts pero nagagandahan ako sa mga ganitong ancient art.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon