CHAPTER 45

93 52 11
                                    

CHAPTER 45

Adrian's POV

Kakauwi ko lang sa bahay matapos kong daanan si Adrin. Lingid sa kaalaman ni Professor Rin na ang pinaghahanap na si Zichron Gallante ay nahanap na namin sa Laguna. Gayunpaman, ayaw muna naming ipaalam ito sa kanila hangga't hindi pa namin sya tuluyang napapasakamay.Napabuntong hininga na lang ako.

Nahiga ako sa kama habang nag-iisip, tuloy ay para akong hangin na hindi man lang nagkaroon ng bigat. Ilang linggo ng hindi nagkukrus ang landas namin ni Jehridale. Nagkita naman kami ni Thrianne pero dinaig pa ako ang invincible. Sa totoo lang ay namimiss ko na ang dalawang yon. Ang pasaway na batang si Jehridale. Napailing ako..

Hindi ko maiwasang magselos kay Prof. Rin dahil nagagawa nyang kausapin si Kilein... nakakainis..

"Tch, ayaw naman nya akong makita, ni ang makausap, kaya ano pa bang silbi kung lalapitan ko sya?"

Napahawak ako sa aking mga mata. Pinipilit kong pigilan ang nangingilid kong mga luha. Para na naman akong bata,Sa edad kong ito ay hindi na dapat ako mabilis na umiiyak pa.

Muli akong nag-angat ng tingin sa kisame. Bumangon ako at kaagad na naligo. Hinanap ko ang masusuot ko ngayon. Mag-aalas siyete na yun pero gusto ko pa ring maglakad-lakad. Ayaw kong muli akong gambalain ng mga masasamang nangyari mula sa aking nakaraan.

Hilig kong dumaan sa mga restaurant kapag naiisstress. Natural, wala akong pambili ng makakain, kaya natatakam na lamang ako sa pasimpleng tingin lang sa kanila.

Ramdam ko na naman ang pag-iisa..

Oo, sa mundo na mayroon ako, nag-iisa lang talaga akong namumuhay. Kahit na may kapatid ako ako ay hindi ko magagawang makitira sa kanya. Ulila na kami sa mga magulang, at ang tanging sandigan namin ay ang isa't isa. Walang alam ang lahat na dati na akong napapasali sa mga gulo, nagstop pa ako ng tatlong taon. Matagal na sana akong nakagraduate kung hindi lang ako napapasangkot noon sa mga away bata.

Nasa gayong pagmumuni-muni ako ng napadaan ako sa isang brand ng mga damit dito sa mall. May namuumukhaan akong pamilyar na babae doon. Sandali ko syang nilapitan at laking gulat ko ng makita si Allison.

Sya lang ang tanging babae na nakangiti palagi. Sa mga katulad nya talaga ako namamangha. Hindi mo kakikitaaan ng problema, tanginging ang mundo ay masaya para sa kanyang perpektong buhay. Nakakainggit sa totoo lang..ni ang buhay na mayroon sya ay hindi ko naranasang...

Maya-maya pa ay lumipat sya sa iabng nakahilera, napatapat na ang mukha nya dito sa kinaroroonan ko. Habang namimili ng damit ay sandaling nag-angat sya ng tingin. Doon na nagtama ang paningin namin. Isa sa mga kamangha-mangha sa babaeng ito, ang pagiging magiliw sa kausap. Kapaga alam nitong maganda ang pakikitungo sa kanya ng isang tao ay talagang mabait sya. Nakangiti nya akong sinalubong. Patakbo syang lumapit sa akin.

"Hi Senior!"

"H-Hello" napilitan akong ngumiti sa kanya.

"Namamasyal pala kayo! Mag-isa lang kayo dito?"

"Oo, naisip ko kasing mamamasyal muna tutal wala namang gaanong paper works na gagawin"

"Ah" tumango tango sya," pwede naman kayong sumabay sa amin"

"S-Sa inyo? May kasama ka pa ba?"

"Oo! Si Boyfie ko hwehwehwe..gusto nyo bang—"

Mabilis akong umiling. Alam ko ang katayuan ko sa mga mayayamang tao at ayaw kong makihalubilo ni ang makipagkaibigan sa kanila. Alam ko rin na nagseselos ang batang iyon sa akin, masyado nyang mahal si Allison at ayaw kong maging hadlang parati sa pagsasama nila.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon