Orange's POV
"Nakakainis ka naman eh! Paano ako makakapagserve ng walang asungot?!" naiinis kong tanong kay Mitch. Kasa-kasama nito si Yashiko, at alam nilang nandito sila Airon kaya masaya na naman sila habang inaasar ako. Waaahh! Kung nandito lang si Thrianne eh!
"E di magserve ka pa rin! Ganon kasimple!"
"E ayaw ko ngang makita sila! Anong gagawin ko!"
"E di pumikit ka! Tarantadong ito! Itatanong pa kung anong gagawin, kung ayaw mo syang makita maigi pa umuwi na tayo!"
"A-Ano?! Anong uuwi! Sinong uuwi?! Hindi! Hindi ako uuwi! HUHUHU"
"E di magdusa ka! Bruha!"
"Anong sabi mo Yashikong sawi?!"
O_o
"Yashikong sawi?!"
"Oo Yashikong sawi! Tsk! Peste! Dapat kasi hindi na ako pumayag dito eh!!!"
Humagalpak sa tawa si Mitch,"Hahahahah!"
"Bat ka tumatawa ha!?"sabay kaming nakapamaywang at sinigawan sya.
"A-Ah eh wala" nagiwas sya ng tingin. Bwiset, kung pwede lang magwala. Kami ng mga napiling magseserve sa Law Department, at ang napiling representative nila ay si Natheleo at Heidee, si Heidee ang dating Ms. SMU 2001 last year, at malamang, dahil tulad daw sya ni Airon ay bagong chicks daw nya. Eww. Kadiri talaga ang mga babaero! Walang pinipiling lugar ang kalandian!
"Hoy! Anak ng! Kanina pa kita tinatawag dyan pandak ah!"
"A-Ano na naman?!"
" Pakiserve ang apat na Vodka sa amin ha, wag kang mahuhuli babatukan kita!"
"A-Aba! Boss na boss ka na naman! Baka nakakalimutan mong wala ka sa Cristailli!"
"Rangovine Neostra?!"
O_O
"M-Maam?"
"Anong sinisigaw sigaw nyo dyan?"
"W-Wala po Prof heheh"
"Tss, back to serve! Pakihanap si Prince at Allison!"
"Yes po!"
"Ayan! Nasita Tuloy bleh!" binelatan pa ako ni Yashikong sawi!
>__<
Inis akong naglakad lakad, kailangan kong mahanap si Baklang Pringles, baka kasi saan na naman sya nagpunta. Alam kong pumunta si Allison kanina sa camp nila Timrelli kaya hindi ko na sya hahanapin. Nawala ang inis ko ng masulyapan si Thrianne. Aba aba, mukhang may gulo na naman sya.
Nagtago na lamang ako sa sulok. Ayaw kong makita ako dito ng babaeng iyon, alam ko kasing mapapagalitan nya sila Yashiko dahil sa kapabayaan nila sa pagbabantay sa akin.
Hindi ko naririnig ang mga sinasabi sa kanya. Gusto ko syang tulungan pero may parte sa akin na hindi ko maaaring gawn iyon. Napakamot na lamang ako sa ulo. Pagkaharap ko ay kamalas-malasang si Natheleo pa ang nakita ko!
"Oh! Panda!"
"I-Ikaw na naman?! Anong ginagawa mo dito?! Ispiya ka ba ng babaero mong kaibigan ha!"
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...