CHAPTER 95

97 37 3
                                    



Thrianne's POV

"Kamusta na 'yong Gary Disinsyon na iyon?" naitanong ni Rin sa akin. Uminom muna ako ng isang baso ng tubig saka bumaling sa kanya.

"Syempre nakakulong"

"Hindi ka naman nya sinaktan?"

"Paano naman nya ako sasaktan kung high na high na ang isang iyon?"

"Tsk, bat ganyan ka?"

"Alin?"

"Pilospo ka na naman baby"

"Paki ko" nginiwian ko sya.

"Hmm.."

"What?"

"Do you a have...mens?"

Umawang ang bibig ko at hinarap sya, "What?!"

"Tsh, masungit ka na naman eh"

"Paki ko" pag-uulit ko. Sumimangot na ang mukha nya at bumalik sa pagiging masungit ang awra. Nasa ospital na sya at dinalaw si Orange. Magaapat na araw na pero hindi pa rin nagigising ang kaibigan ko.

Naoperahan na sya base sa naghilom na mga pasa sa kanyang braso. Kinabahan pa nga ako noon na baka magkainjury sya dahil sa tindi ng pagkakasagasa sa kanya. Mabuti na lang at hindi naman gaanong napuruhan.

Tok tok tok—

"Hello—Kilein!" laking gulat ko ng sumilay si Josh sa pinto. Nang tuluyan ng magbukas ay bumungad ang iba kong mga kasamahan sa banda.

"Napadalaw kayo ehehe"

"Syempre! Sya nga pala, pasensya na kung ngayon na lang kami ulit nakadalaw, alam mo naman na kapag huling taon na sa kolehiyo"

"Di na dapat kayo nag-abala"

"Hindi no! Ayos lang naman, at isa pa uuwi rin kami kaagad after nitong pagdalaw namin sa kanya" ininguso nya si Orange na kasalukuyang nakaconfine pa.

"Okay lang ba talaga?"

"Hay nako" singit ni Cray, "ngayon na nga lang kami ulit nakadalaw parang ayaw mo na kaming papuntahin, masama na bang mag-aalala sa kaibigan ng aming bokalista? Tsh"

"Sus!" kantyaw ni Wilson at Josh sa likod. Sinamaan sila nito ng tingin.

"H-Hehehehe" nagkibit-balikat na lang ako. Namiss ko ang tatlong ito. Kung bakit hindi sila makikita sa mga naging previous na pangyayari ay dahil mayroon silang sari-sariling buhay na kailangang pagdaanan. Bukod pa roon, ayaw ko na namang madamay pa sila. Mas maigi ng hindi na sila muna lumapit sa akin ng sa gayon ay mabawasan ang obligasyon ko na mabantayan sila.

"Grabe ang nangyari sa kanya ano? Hindi ko alam kung ano bang matatawag sa gumawa nito sa kanya.." mapait na pahayag ni Josh. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Crayden.

"Alam nyo? Nakakatakot isipin na ang laki-laki na ng gulo na pinasok ninyo dito, ewan ko ba kung bakit nagiging asal-hayop ang mga ka-schoolmate natin kapag nakikita ka," tinutukoy nya ay ako, "wala naman kaming nakikitang kakaiba sayo, although alam namin na hindi ka kasing 'level' ng pamumuhay na mayroon kami, hindi ka naman namin napag-iisipan ng masama...hindi ka naman nanggugulo. And the thing is kahit gumaganti ka, hindi mo naman sila sinisiraan sa ibang tao. Hayss."

"Ayos lang sa akin hehehe" hindi ko naman minasama ang pagsasabi nito ng kasing 'level' ng pamumuhay. Totoo naman ang sinasabi nya, pero kahit na, hindi naman kasi tamang mang-apak na lang basta-basta para lang mapahiya ang isang tao. Hindi ba nila naisip na kahit ang isang malakas na tao ay nasasaktan din? Tsh.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon