CHAPTER 42
Thrianne's POV
Matapos kong sabihin ang mga iyon ay Sinadya ko ng iwan ang mga taong naroon. Kailangan ko ng magpalamig ng ulo, baka kung ano pa ang magawa ko sakaling ipatawag pa ako. Nagtungo ako sa music room. Alam ko ng mga oras na iyon ay nasa likuran ko na si Shinichi.
Nang makarating sa music room ay nilingunan ko sya. Nag-aalala man sya ay hindi nya makuhang magsalita. Siguro hindi nya alam ang sasabihin pa. Napabuntong hininga ako.
"Ayos lang ako, pwede mo na akong iwan.."
Umiiling iling sya. Para bang tinanggihan nya ako sa unang pagkakataon, gusto nya akong samahan ngayon. Nitong mga nakaraan ay hindi nya nagagawa yan dahil Siguro sa pagitan namin ng kanyang kaibigan at sa kaaway nito. Alam ko ang sitwasyon nya pero hindi ko alam kung bakit kailangan pa nyang gawin ito?
Naupo na ako at binuhat ang giatarang nakasalansan sa pader. Biglang pumasok sa isip ko si Orange..
Bakit bigla syang nadamay dito? Hindi ko alam, bakit sya ang pinuntirya nila? Ayaw kong isipin na may kinalaman dito yung nagtext sa akin at tumawag pa yun noon tungkol sa magiging kahihitnan ni Orange. Kalmado kong pinag-isipan ang lahat..hindi naman na ako nangialam sa kasong iyon, pero bakit? Bakit?
Malungkot akong nangiti dahil wala akong maisip na pwede kong itugutog sa gitara. Nang bigla akong makarinig ng himno sa piyano. Alam kong si Shinichi ang nagppaatugtog nito.
Himno ng kalungkutan, sa salig ng musika ay nagawa nyang itugtog ito. Hindi ko alam kung anong title niyon pero, ang isang parte ko ay dinala ako sa lugar na puno ng liawanag at mala-araw na apoy. Para iyong impyerno sa kalungkutan. Mainit, naglalagablab sa sobrang paghihinagpis, nag-aalab sa pagnanais na maapula ang apoy ngunit hindi iyon magawang apulahin. Isang uri ng kinumpas na kanta sa piyano na kung iispin ay para kang nasa mundo ng puno ng kalupitan.
Gayundin sa paaaralang ito, sa nakalipas na dalawang taong pagkawala ko sa NMU ay wala itong pinagkaiba dito. Hindi ako nakahanap ng kapayapaan sa paaralang ito. Kahit saang sulok dito ay puno ng kagluhan. Tuloy ay napapaisip ako. Anong nakikita nila sa amin at ginaganito nila kami?
Ayaw ko na sana ng gulo pero, yung pagdawit kay Orange? Hindi ko iyon matanggap. Ayaw ko ng nadadamay sya sa gulo ko eh. Handa kong isugal ang buhay ko para lang maprotektahan sya. Handa akong pumatay para maigganti ko lang sya. Ayaw kong sinasaktan sya ng kung sino, lalo na't nahuli ko pa.
Habang ang tumutugotog sa piano ay nagpapatuloy lang, nakarinig ako ng marahang katok sa pinto. Wala sa sarili akong tumayo at pinagbuksan iyon. Bumungad si Rin. Nakahalukipkip syang nakatingin sa akin habang nakataas ang kanyang kilay.
"Why are you here?" kunot noong tanong nya, "and you're with him?"
Sinilip nya si Shinichi sa likod ko. Kusang tumigil ang tunog na nalikha kanina sa pianong iyon. Hindi ko nakita kung tumayo ang lalaki dahil nanatili lang akong nakatingin kay Rin.
"Why are you with him?"
Hindi ko sya sinagot. Pinakiramdam ko ang aking sarili. Para akong naubusan ng lakas sa katawan ko kaya't nayakap ko sya. Pinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Ramdam ko ang pagkabigla nya ng gumalaw ang parehong balikat nya. Gayunpaman hindi pa rin nagbago ang galit na nagpahina sa akin. Galit na maaari ko pa ring dalhin hanggang mamaya.
"What happened baby?" malambing nyang naiusal. Hindi ko sya kinibo. Nanatili lang kami sa ganong posisyon. Hinagod hago nya ang likod ko. Para akong iiyak na ewan, sa mga sandaling iyon, kailangan ko talaga ng masasandalan, alam iyon ni Rin kahit hindi ko sabihin sa kanya. Pagod na ako, gusto ko na lang magpahinga.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...