Adrian's POV
Nakatayo ako dito habang sinusuri ang paligid. Sabi kasi ni Prof. ay pupuntahan nya daw ang fiancé nya. Pagkatapos ay didiretso syang opisina dahil may kukunin syang importante. Bahagya akong hindi nakagalaw ng makita si Jehnica na kasama si Daniah. Papalapit na sila rito at mukhang masaya ang kapatid ni Jehridale.
"Oh, nasaan sila Lolo Mau? I think na nandito na siya before the pageant start"
"He's on Mitch's side, you can go to him if you want" masungit na sabat ni Prof. Rin. Sinasabi ko na nga ba't ganyan ang magiging reaksyon nya kapag nakakakita ng magandang babae eh.
"Okay" kahit mataray ng kaunti si Jehnica ay hindi sya nito pinatulan. Marahil hindi nito natunugan ang pagsusungit ng lalaki. Iniwan na nya kami kasama ang dalagitang kapatid ni Tim.
MInasdan ko si Prof. Rin na pagkaalis na pagkaalis ng dalawang babae kanina ay humarap sya sa akin ng nakangisi. Alam ko kung saan iyon nagmumula, kaya nakaramdam ako ng kakaunting pagkirot sa puso.
"The pageant was about to start, a few minutes from now, we will wait for them here" tinapik nya ang balikat ko. Tumayo kaming dalawa malayo sa mga tao. Katabi ang poste ng ilaw.
"What are you guys doing here?"
O_O
Oh here we go again...
"Jhin.." seryosong naiusal ni Prof. Parehong malalamig ang titig nilang dalawa, marahil kung kasali ako sa kanila ay baka kanina pa ako tunaw sa kinatatayuan ko ngayon.
Tumalim ang paningin ni Jhin sa kanya,"Rinatius..."
"I hope you are in Laguna but you are intended to visit us here?"
"You think so huh?" malamig na sagot ng lalaki. Pinagmasdan ko ang kabuuan ni Luxiere Williams. Napakasimple nya yata magsuot ngayon, nitong mga nakaraan ay bibihira syang magsusuot ng mga pangmayamang pormahan ng mga pangkaraniwang kilalang tao sa lipunan. White tshirts at nagbago na rin ang itsura nya, kagaya na kagaya sa ipinagbago ni Kilein.
Bagsak na bagsak ang buhok nito, halos natatakpan ang kilay, ngunit malinaw na makikita ang malalamig at matatalim na titig nya na halos magkasingpareha sa talim ng kay Prof. Ilang beses na akong nakakita ng mga katulad nilang dalawa, at hindi maaaring wala sa kakaibang misteryo ang nakaraan ng dalawa.
Isa din sa mga pinakatatanging pinagbago ni Jhin ay ang pamumutla nito. Kahit gabi na ay nakikita ko sa liwanag ng ilaw ang sobrang kaputian nito. Hindi ako nababakla o ano pa man, talagang hindi rin normal ang balat nya. Pero kung ipagkukumpara ko iyon sa kutis ni Kilein...
Walang makakatalo sa babaeng yon, sya ang pinakamaputi at pinakamaputlang babae na nakita at nakilala ko...
Teka? Bakit ko sya patuloy na kinukumpara sa lalaking ito? Eh hindi naman dapat na ikumpara ang lalaking ito sa kanya, si Kilein ang tipong babae na hindi mo maipagkukumpara sa iba, dahil lamang sya ng napakaraming karanasan sa buhay at puno ng talahib ang pagkatao.
Napatingin ako sa kung saan. Nahagip na naman ng paningin si Allison habang hinahampas hampas ang kaibigang bakla. Panay ang ngiwi nya, Siguro ay inaasar sya nito. Naiiling akong natawa sa kaniya.
"You shouldn't have to come here...you know that this is not yours.." patuloy pa rin ang pagsasalitan nila ni Prof.Rin at Jhin ng mga pagbabanta. Itinuon ko na lamang sa iba ang isip ko.
Nalulutang na naman ako.
"Narinig kong fiancé mo na pala si Black? Bakit hindi ka man lang nagsabi sa publiko?"
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...