CHAPTER 64: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 5

100 47 6
                                    



Special thanks to my someone, who requests to have a special day for my number one protagonist Thrianne Kilein ^u^  thank you lablotssss---

THRIANNE'S POV



"Ready ka na ba Thrianne?" masayang ani Allison. Sya ang magmamake up sa akin ngayong gabi. Kinakabahan ako na ewan, kasi naman ay first time ko lang na maging representative ng isang department. Kakaiba nga ang SMU, ang daming ganap.

Malakas akong bumuntong hininga," M-Medyo"

"Sus, ngayon lang kita makikitang maggown, kung hindi lang school event to nako! Sige na magstart na tayo!" pinahiga nya ang aking ulo sa swivel chair. Nirelax nya muna ang aking ulo sa pamamagitan ng paghilot niyon. Sa sarap ng hilot nya ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Wala pa yatang isang oras ay kusa akong nagising. Laking gulat ko ng makita ang sarili sa salamin.

Grabe, ako ba talaga toh?!

Sinikap kong itago ang kaba at saya sa mukha ko kaya napangiwi na lang ako. Ibang klase talaga ang nagagawa ng make up, kaya nitong pagandahin ang kahit simpleng mukha. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko, hiya na hindi ko maipagkakailang dahil sa itsura ko ngayon. Ngayon lang ako kinilabutan sa mukha ko tsk tsk.

Ngayon ko lang pala napansin na wala na pala ang nag-ayos sa akin. Kinuha ko naman ang silvered peach dress nama'y glitters na kung ano na lalong nagpapakinang. Ilang beses akong napapalunok habang naiimagine na ang sarili ko na suot iyon. Hindi naman ako maarte sa damit pero, kung ganitong pormahan ang maisusuot ay hindi ko maiwasang mapahiya ng husto sa sarili. Kung may bahagi lang sana ako na...

Psh, astig pa rin naman ang babae kahit anong isuot eh...

Nag-inhale exhale muna ako saka pinihit ang pinto. Nagpalit na ako ng damit.

Kringgg-

"B-bakit?"

"Hala sya?! Anong bakit! Kamusta ka na dyan! Nag-ayos ka na ba?! Papunta na dyan si Thraundille oh!"

"Shkk.. ang daming tanong gago... sige hihintayin ko na sya dito nakakhiya—"

"Bat ka naman mahihiya! Jusko aamagin ka na sa buong college life mo ngayon ka lang mapapasali sa ganitong event oh! Palibhasa gusto mo ng costume na—"

"Ano ba?! Naririndi ako sayo tangina!" hindi inis ang masasabi ko habang sinasabi ko iyon, kundi pasasalamat na rin. Tch weirdo ako eh bat ba.

Naupo ako sa swivel chair. Pinilit kong hindi maakit na tingnan ang babae sa salamin. Tsk, hindi naman ito ang first time kong maggogown pero bakit natetensyon ako. Nacucurious ako na ewan.

"Hi my beautiful baby" nilingunan ko ang pinanggalingan ng boses. Ang magandang ngiting iyon ni Thraundille ang lalo pang nagpalakas ng kaba ko. Tsk, ganyan panigurado ang reaksyon ng iba kapag nakita nila ang pagmumukhang ito.

"Baby amp" nginiwian ko sya.

Lumapit sya sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman iyon. Inalalayan nya akong tumayo dahil hirap na hirap akong balansehin ang paa ko sa heels na kahit 1 inch lang ang taas.

"You're so...beautiful tonight lady"

"T-Thanks"

"Hindi ako makapaniwalang ako ang mageescort sayo, parang debut mo ngayon e"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon