CHAPTER 11
Shinichi's POV
Napahiga ako sa upuan ng airport kung saan ako naghihintay. Hindi ako makatulog sa excitement dahil sa wakas ay nakauwi na ako.Alam kong susunduin ako ng kapatid kong si Yuki gaya ng inaasahan.
Sadyang hindi ko tinetext o tinatawagan ang ma kaibigan ko dahil alam kong alam na nilang ngayong hapon ako uuwi.
Napabangon ako at umupo,hindi sa malikot ako, pero hindi lang talaga ako mapakali.Pinagmasdan ko ang airport. Wala akong mapansin na pagbabago, maliban sa mga bagong tauhan.Syempre dahil 3 months pa lang naman ako sa America.
"Kuya Shinichi!" nag-angat ako ng tingin. Nasilayan ko ang nakangiti kong kapatid, kasama nya si Hana at si Ate Jehnica.
Nginitian ko sila. Unang yumakap sa akin ang kapatid ko.
"I miss you kuya! Grabe ang tagal mong nakauwi,nalulungkot tuloy ako"malungkot nyang aniya. Hinaplos ko ang pisngi nya at kinurot.
"Don't be sad, Im here na"
Sunod ay si Ate Jehnica ang yumakap sa akin.
"Ang laki laki mo na Shin! How could you be this man! Welcome back"
"Thank you ate"
Bumaling naman ako kay Hana. Kita ko ang maganda nyang ngiti na nakakapagpagaan sa loob ko.
"Welcome back, Shinichi"kahit simpleng bati nya lang iyon ay ramdam ko ang pangingiliti sa puso ko. Niyakap ko sya ng mahigpit.
"You missed me?"
"Oo naman"
"I miss you so much Hana, I'm back as I told you" malambing kong tugon. Minasdan ko ang kanyang namumulang pisngi at hinalikan sya.
"Hoy, may bata oh" singit ni Ate. Pareho kaming natawa sa kanya.
"Nasaan na nga pala sila?" ang tinutukoy ko ay sila Dale. Malungkot na ngumiti si Ate.
"Maybe nasa school pa ang mga yon, alam mo na, hindi daw nila gusoing umabsent, but I don't know about Natheleo" sagot ni Ate Jehn. Pilit na ngiti lang ang nagawa ko. Binuhat ko ang bagahe at nagumpisa na kaming maglakad. Tahimik lang kami ni Hana habang nagkekwentuhan sila ate at Yuki.
"Kamusta naman sa Amerika?"kaswal nyang tanong. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.
"Ok naman, medyo nakaluwag na rin"
"Sana ganyan din ako no? Yung tipong kaya mong lumayo para sarilinin ang mundo?"
"I'm sorry kung hindi na ako nakapagpaalam ng maayos,Im just...forget it"tanging nasabi ko dahil ayaw ko ng maalala pa.
"Sorry.. I hope your dad would stay along with"
Hindi na ako umimik pa. Tinitigan ko na lang sya hanggang sa makabyahe ang sasakyan.
"How about you? Kamusta ka naman dito?"
"Hmm..busy as usual, first week pa lang ng klase sa college talagang masakit na sa ulo"
"Sa Diamonde Academy ka pa rin ba?"
"Yes, as a senior" napatikhim muna ako.Iniiwasan nyang tumingin sa akin.
"I really miss this country...kahit saang bansa ako magpunta hinahanap hanap ko pa rin dito"pag-iiba ko ng usapan.
"That's because you're Filipino na, kaya ramdam mo na rin dito"
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Misterio / SuspensoKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...