CHAPTER 100

107 34 0
                                    







JEHRIDALE'S POV



Pagkauwi ko sa bahay ay sumalubong kaagad si Ate. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit ngayon ka lang?" nakapamaywang na tanong niya. Inismiran ko lang sya.

"Apoooo!!!"

O_O

"L-Lola"

"Aba eh apo! Bakit ngayon ka lang iho? Kanina pa kami naghihintay sayo" tila nakanguso nitong sabi. Umaasta na naman syang bata. Pero dahil sa tuwa ko ay niyakap ko na lang sya ng mahigpit.

"I really miss you Lola! Sorry po kung ngayon lang ako nakarating"

"Hehehehe, ikaw talaga, o sya, magbihis ka na, hinihintay ka na ng Chairman"

O_O

Napakamot ako sa ulo. Nandito pala sya, kailanngan ko na ngang magbihis kung ganon.

Hindi ko napinansin ang pagbubunganga ni Ate dahil dumiretso na ako sa kwarto. Mabilis akong naligo. Ang mga damit na susuotin kagaya ng inaasahan ay nakahanda na kaagad sa kama.

Pagkababa ko matapos mag-ayos at magbihis ay bahagya akong napalunok. Nagbabasa ng libro ang Chairman habang nakakunot ang noo.

"You're late"

Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko mismo. Ang boses na iyon. Galing kay Lolo Zeidi.

"Inaasahan kong hindi ka mahuhuli sa mahalagang okasyon na ito"

"L-Lolo..."

"Tinatakot mo naman ang apo ko sa tuhod Zeidi" tiyak akong nakangiwing anito ni Chairman Zei. Nakakatakot din ang boses nito kahit hindi pa sya galit nyan.

"S-Sorry po Papa" hindi maiwasang bumaba ang boses ni Lolo Zei ng marinig ang kanyang ama. Yeah, tama kayo. Si Chairman Zei ay ang kalolo-lolohan ko, samantalang si Lolo Zeidi ay ang Lolo ko at ama sya ni Mommy Zeinie. Sa tuwing may okasyon hindi sila magkakahiwalay sa pagbisita dito sa mansion. Madalas silang magkasama, at ni minsan hindi sila mapaghihiwalay. Alam ko kung gaano kamahal ni Lolo Zeidi si Chairman Zei, inaalagaan pa rin nya ang kalusugan nito kagaya ng pag-aalaga nya kay Lola Patricina.

Asawa ni Chairman Zei si Lola Patricina. Meaning, nanay naman ni Lolo Zeidi itong si Lola. Matagal ng namayapa ang maybahay ni Lolo Zeidi dahil sa isang pambihirang sakit. Gayunpaman, masasabing Malaki ang pagkakaiba namin sa pamilya ni Mitch. Ang aming pamilya ay kilalang-kilala sa mga negosyong pinatatakbo ni Lolo Zeidi at ni Mommy, samantalang sa kanila Mitch naman ay kilala lang bilang may-ari ng SMU at may sikat silang hotel na pinapaunlad sa Maynila.

"Kumpleto naman ba ang lahat?"

"Hmmm... I don't think so" nakangiting anito ni Dad.

"Why Jehridic?"

"Malamang 'Lo, wala rito si Mommy no, ay wait, nasaan na nga po pala sya?" si Ate.

"She's been very busy hija" Lolo Zeidi replied. Hindi ako makasabat. Hindi naman sa takot ako sa sarili kong pamilya, sadyang wala ako sa linyahan nila. Para bang may sarili akong mundo na gusto kong takbuhan sa tuwing nag-uusap sila tungkol kay Mommy.

"Ganon ba? Uhm, kumain na tayo doon, marami inihanda si Mayordoma sa atin"

"Akala ko ba ikaw na ang nagluto?"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon