CHAPTER 49
KINABUKASAN
Orange's POV
Hayss, Tuesday na ngayon. Monday na Monday kahapon at kababalik lang namin pero kamalasan na kaagad ang bumulaga. Sinong hindi matatahimik dahil don? E di ang mainiting ulo na si Thrianne Kilein.
Buong magdamag syang nagkulong sa kwarto pagkauwi namin kagabi, hindi na nya pa ako kinausap. Nakakainis talaga, daig pa ako multo sa bahay. Tuloy ay mag-isa lang din akong kumain kagabi at nanood ng Kdrama habang nagbabasa.
Gayunpaman, ang topak nya ay kabisado ko na kaya hindi na lang ako umiimik. Ayaw nya ng iniistorbo sya kapag ganyan ang itsura nya.
Ngayon, tahimik pa syang kumain ng kamote na parang wala syang kasama. Inubos na nya ang mga dilis na dapat ay hati sa aming dalawa. Ganyan ang topak nya sa umaga. At isa pang hint, ang amoy ng aficionado nya ay napakatapang. Yung tipong sa buong bahay maaamoy mo sya. Psh..
Hindi ko na muna sya kinausap. Nababadtrip ako sa taong ito. Nagpauna na akong magbihis ng school uniform ng SMU. Tsh, kabibigay lang sa amin ito kahapon pero hindi ko muna sinuot. Sinukat ko sya, ang ikli ng palda! Kung masusuot ko yan kahapon habang nasubsob kami ni Airon ay baka hindi na ako tuluyan pang pumasok ngayon.
"Hoy" nagising n lang ako sa ulirat habang papasok na sa gate. Blangko na naman ang mukha ni Thrianne, pero may halo yatang eyebags? Ano bang nangyayari sa taong ito? Hindi ba sya nakatulog?
"A-Ano?"
"Required bang magschool uniform bago pumasok?"
"Oo daw, starting kasi ngayon na required eh"
"Okay" pagkasabing iyon ay umalis na sya. Saan naman kaya sya pupunta?
Hindi ko na iyon pinansin pa. Baka kasi pag hinintay ko pa ang babaeng iyon ay malate pa ako. Pumasok na ako sa room ng walang pinapansin. Patuloy lang kasi ang bulungan ng mga peste sa paligid, tungkol doon sa nangyaring pagbato ng kaibigan ng bola ng volleyball sa mukha ng lalaking iyon. Nakakaloka.
"Rangiieeeeee!!" bungad ni baklang Pringles sa akin. Hindi yata pumasok si Allison ngayon? Tsh, mag-aalas nuwebe na pero mukhang malalate na naman ang dakilang Thrianne.
"Hello Prince" tipid kong bati. Kinuha ko na naman ang libro sa Laws.
"Ay ambaba ng presyon mo ngayon teh? Kunsabagay! Sinong matutuwa sa nangyari kahapon! Naku kung nagkaton nandito ang Dean baka lampasuhin na kayo nun sa office!"
Hindi ko na sya kinibo. Parang nahahawa na yata ako sa kaibigan ko. Wala pa rin sya?
"Oy! Nasan si Thrianne? Hindi sya pumasok dai"
"Late lang yun"
"Hala ngayon pa sya malalate? Eh Pampino time na ah!"
Nakahalumbaba ako sa table, "marami kasing problema ngayon yun kaya ayun, pati ang oras nya hindi na nya nakokontrol"
"Aysus, ang sabihin mo takot sa araw ang kaibigan natin!"
"Hahahahahahahaha!!"
Kahit paano gumaan ang loob ko. Ilang saglit pa ay pumasok na nga si Prof. Pampino Daheon.
"Good mornengg clazzzzzzz" hayun ang signature nyang bati sa lahat. Walang gana akong nakisabay sa kanila.
Pinaupo na nya kaming lahat pero nakataas na ang isang kilay nya habang nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...