CHAPTER 86

96 38 4
                                    

CHAPTER 86


Orange's POV

"Psh" narinig ko na ang singhal nya pagbaba pa lang. Hindi ko na naamoy ang pabango nya. Hay nako, halos araw araw papalit-palit ng mood, baliw yata ito eh.

Pero imbes na birahan sya ay sumayaw na lang ako. Feel na feel ko ang beat ng kanta kaya naman talagang pinush ko na. HAHAHAHAHAHA!

"Ano yang istilo mo babae?"

"Ha? E di sumasayaw! Hahahaha! Galing ko no!"

"Tsh" angal nito, "mas magaling pa rin ako sayo"

O_O

"Oo na! Kay aga-aga ang yabang mo na, oh anong kakainin mo ngayon? Walang stock ng kamote sa pinagkukuhanan natin"

"E di kanin"

"Tataba ka kaagad nyan teh"

"Anong gusto mong kainin ko?"

"Ikaw bahala! Kahit quaker oats oy!"

"Ano ako mayaman? Tsh, kanin at ulam na lang kakainin ko—"

"Tataba ka nga sabi eh!"

"Tangina ano kakainin ko?!" tila nauubos na pasensyang tanong niya. Naku naku Orange lagot ka na..

"A-Ah eh sige na nga! Sakto longganisa at tapa ang ulam ngayon hehehe" pilit na ngiting sabi ko. Mabuti naman at huminahon sya kaagad pagkatayo nya.

Nagsandok na ako ng kanin nya at sa akin. Tuyo lang ulamin ko. Ilang timbang na ang nadagdag sa akin kakain ko. Kailangan ko munang mag-adjust para mabawasan lalo na't hindi na ako teenger noh.

Ilang saglit pa at kumain na kami ng sabay. Kunot na kunot ang noo nya habang seryoso at focus na focus sa kinakain. Pinagtaasan ko na lang sya ng kilay. Siguro naapektuhan sya kahapon sa nangyari kila Adrian. Hindi ko sya masisisi, lahat nga yata sa SMU hindi inaasahan ang pangyayari eh.

Sa lalim ng iniisip ko tungkol doon ay naramdaman ko na lang na parang may naglalagay na ng longganisa sa plato ko.

"A-Ano yan?"

"Longganisa" seryosong sagot nya. Ang weirdo na naman nya.

"Pero nagbabawas ako ng timbang Thrianne"

"Kailangan mong kumain ng marami Neostra"

O_O

"Tataba ako nito"

"Eh kailangan mo ring kumain eh, maliit ka na nga tapos payat ka pa, walis tingting na lang ipang hahambing ko sayo—"

"Waaaahhh! Thrianne naman eh! Umagang-umaga nang-aasar ka na naman!"

"Kailangan mo ngang kumain ng marami"

"Tataba nga ako!"

"E di tumaba ka! Tanginang yan, kung palaging tuyo ang ulamin mo baka magkaUTI ka na lang, napakaalat nyan"

Sinimangutan ko sya. Mukhang wala akong magagawa sa kaweirduhan nya ngayon. MInsan umaandar ang pagiging batas nya sa pamamahay na ito, napakaprotective na babae. Tsh malas na lang ng magiging asawa nyan kapag nagkataon.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon