CHAPTER 75

106 41 8
                                    

Natheleo's POV

Hayss sa wakas, napunta na kami sa tamang ospital. Nakakainis kasi itong si Airon. Niligaw pa kami, kaya ayan tuloy natagalan kami ng pagpunta rito.

Nakakapagtaka ito. Nandito ang mga kabanda nila Thrianne at si Yashiko na nakasandal lang sa pader habang kinakausap si Prof. Rin. Kataka-takang wala dito sila Jehridale.

"Baka naman nakauwi na ang dalawang kupal na iyon"

"Siguro nga—"

"H-Hindi ah! Siguro hinintay pa tayo ng mga 'yon, hindi puwedeng iwan nila tayo dito ano!"

"E-Easy ka lang Natheleo"

"Tsk, easy ka lang dahil niligaw mo kami ulul"

Marahas na bumuntong hininga si Tim,"bakit hindi natin sila tanungin? Malamang alam nila kung saan nagsususuot ang dalawang 'yon"

"Oh sige"

Pinangunahan na kami ni Timrelli sa pagtatanong. Nang makarating kami sa kinaroroonan nila ay masama sila kung tumitig sa amin. Napakagat labi ako. Tsk, ito ang resulta ng pagiging siraulo ni Dale the Baddass, pati kaming mga inosente nyang kaibigan nadadamay.

"A-Ahm...si Kilein?" una nya munang tanong iyon. Baka kasi kung itanong muna sila Dale ay baka sabihing sila pala ang pinunta namin.

Tinuro ni Yashiko ang direksyon ng isang kwarto. ICU.

"She's fine na ba?"

Umiling ito, " she's in critical stage. Nacomatose sya at nagkaroon ng malfunction ang brain nya 'yon ang sabi ng doktor."

O_O

Grabe ang tinamo nya...

"Hindi pa ba sya nagigising?"

"Hindi pa"

Saglit kaming natahimik. Kainis. Dahil yata 'yon sa paggalaw nya sa teritoryo nila Gary. Hayss..

"Weng! Nandito ka na pala"

O_O

Ilang linggo ko na syang hindi nakikita. Ang binatilyong iyon. Nagkaroon na ako ng pangamba simula noong araw na nakita ko kung sino talaga sya.

"Hi po" ^_^

Tsk, bait-baitan. Isa palang mandirigma.

"Hoy!"

O_O

Nabigla ako sa biglaang pagsigaw ni Airon. "kanina ka pa namin tinatawag nakatulala ka! Nandito na sila iceberg!"

"N-Nasaan?!"

"Ayun oh! Parating na sila! May dala pang mga pagkain ang mga ungas! Hindi man lang tayo hinintay!"

"Isang oras na kaya tayong naligaw sa ibang ospital?! Psh" inis na sabi ni Tim. Napakamot si Airon sa ulo.

Yung mukha ni Iceberg hindi maipinta, samantalang si Shinichi ay mukhang umiyak pa yata. Walangya. Napakaiyakin talaga ng taong iyon.

"Bat ngayon lang kayo?! Hindi nyo ba alam na kanina pa kami dito?! Gabi na kaya!"

"Tsk kung alam mo lang ang nangyari kanina"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon