CHAPTER 57

117 47 3
                                    

Thrianne's POV

Katatapos ko lang ihatid ang mga painting materials sa isang bodega. Nilakad na namin ni Sakuragi ang history dept. Nakakita pa ako ng note na nakadikit sa table ni Rin. Binasa ko iyon at maya-maya ay napakamot sa ulo.

"Maglilinis daw tayo sa lumang library"

"Saan yun?"

"Sa dating floor ng lumang building"

"Ah tsk, andami pa namang liligpitin dito" duro nya sa mga gamit na nagkagulo-gulo sa office na iyon. Kinuha ko ang walis at dust pan.

"Mamaya pa naman eh tapusin mo na lang para hindi ka hassle"

"Oo! Oo! Eh kung tinutulungan mo akong magligpit ng mga gamit bwiset!"

"Tumutulong naman ako ah"

"Ah talaga?! Eh pawalis walis ka lang dyan eh"

"At least tumutulong pa rin, tsk "

"Oo! Tumutulong kahit pawalis walis! Gusto mong tusukin kit nitong espada ni Thor ha!!"

O_O!

"T-Thor?"

"Thor nga!"

Napahawak ako sa tiyan at malakas na natawa,"Pfft hahahhahahahahahahahhaahaha!!!!!!!"

Anak ka ng Thor Jehridale! HAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHA! NAWALA SAKIT NG ULO KO DUN AH HAHAHAHAHAHAHAHA!

"A-Anong nakakatawa! Anong nakakatawa! Anong nakakatawaaaaaa!!!"

"Boplaks hahahahaha!!"

"Anong ngang nakakatawa! Espada naman talaga ni Thor yun ah!!"

"Wahahahaha!!"

"Ano ba!"

"Wahahaha!!!"

"Rukaaaaaawaaaa!!"

"Hahah! Baka si King Arthur ang sinasabi mo, tsk tsk, magsalita na nga lang hindi pa nagiisip—"

"Thor man o King Arthur pareho na rin yun!"

"Tsk tsk," nailing kong natawa sa kanya, " bilisan mo na lang dyan Saku—"

"Oo na nga!"

O_O

Palaging pasigaw ang taong ito kapag nagsasalita?!

Para hindi na sya muling magingay ay naglakad ako malapit sa area ni Prof. Ciel. May nakalagay na malaking tv kaya't nakaharang ito sa dadaanan ng tao.

"Sakuragi tapos ka na dyan?"

"Hindi bakit?"

"Ahh ok"

"Bakit nga Rukawa! Ano bang—hala ang laking tv nyan ah, bakit nakaharang yan dyan??"

"Malay ko, tulungan mo na lang akong buhatin ito bilis"

"Okay" walang alinlangan syang lumapit at binuhat nya sa likuran ang tv, "a-ang bigat! T-Talagang bubuhatin ito?!"

"Ako na lang ang magbubuhat at baka magkanda-kalaskalas yang patpatin mong mga braso—"

"W-Wag na! Tulungan na kita"

"Tutulong ka din pala ang dami dami mo pang sinasabi?"

"Saan ito ilalagay!?"

"Dyan sa katabi ng table—h-hindi dyan, dyan! Yan" nilapag na namin ang tv sa table malapit sa sculpture. Nang mailapag na namin ay pareho kaming napatayo, ako naman ay inistretch ang likod. Grabe namang bigat yun, para akong nagbuhat ng barbell.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon