Jehridale's POV
"Magpaliwanag ka! Ano ang nakita ko kanina?!"
Hindi ako makakilos. Ni Hindi rin ako makapagsalita. Hindi ko Alam kung ano ang dapat gawin ng mga oras na iyon. Tuloy ay pinagpapawisan na ako ng malamig, naiinis na rin ako sa aking sarili.
Pero kailangan kong magsalita! Kailangan kong depensahan ang sarili dahil kung hindi ay baka mali ang kanyang iisipin sa ginawa ko kanina!
"L- Lolo I-I'm--"
PAAAAAKK!!!
BIGLA AKONG SINAMPAL NI LOLO! SA MISMONG HARAP NILANG LAHAT!!!
"Hindi ko aakalaing sa mismong kaarawan pa ni Mauricio mo ipapakita ang pagiging ehemplo mo!"
Lumawak ang katahimikan sa lahat. Ang kaninang dagundong ng musika ay hindi na narinig, ang kanilang tawanan at kasiyahan ay hindi ko na muli pang naulinigan. Hindi ko maigalaw ang aking mga mata, nanatili lang akong nagbaba ng tingin sa baba. Nakakahiya Ito, talagang kapag si Lolo ang nakakita, sigurado pahihiyain nya ako rito.
"You!" duro naman nya sa babaeng naitulak ko, " lumapit ka dito at magpaliwanag ka!"
Naaaninag ko na ang reaksyon ni Thrianne, namumutla sya at nawawalan na ng emosyong nakatunghay sa lahat. Nagtama ang paningin namin. Hindi ko malaman Kung anong sinasabi ng kanyang mga mata, ngunit pakiramdam ko ay parang sinisisi ako.
Tch ako pa talaga ang may kasalanan?! Eh sya itong nambato! Agrrh!!
"Nakita ko ang ginawa mo sa apo ko! Bakit mo sya binato! Anong nagudyok sa iyo at binato mo ang apo ko! Alam mo ba kung sino sya ha?!"
Hindi sya nito kinibo. Nanatili lang syang nakatitig sa akin. Pinagkunutan ko na sya ng noo.
Sagutin mo ang Lolo ko! Wag kang manhid!
"Sumagot ka!"
"Wala akong kinalaman doon" tipid nyang sagot. Nagbaba sya ng tingin at nakapamulsang napangiwi. Si Lolo naman ay nanggagalaiti na sa kanya.
" Binato mo ang apo ko! Paanong wala kang kinalaman doon?!"
Pasiring na nyang tiningnan si Lolo, " may ebidensya ba kayo?"
"Anong sabi mo!?'
"May ebidensya ba kayo? Dahil kung wala, wag nyong ipagpilitan na may kinalaman ako sa pagbato sa demonyo nyong apo"
Kita ko ang panggagalaiti ni Lolo!
"Anong pangalan mo?!"
"Thrianne" asik nya. Para syang lasing na nagbaba ng tingin. Saka nanlilisik na tumitingin sa Lolo ko!
"Bat ganyan ka sumasagot sagot sa nakakatanda sa iyo ha?! Hindi mo ba alam kung sino itong kaharap mo?!"
"Tsh, Tatang, kilala ko ang lahat na nandito ngayon, paanong nakalimutan ko yun?" mayabang nyang sagot. Napapahiya akong nagbaba ng tingin. Napapikit na lang ako. Parang gusto Kong maiyak sa nakikita ko ngayon! Gusto kong sumbatan sya na igalang ang Lolo ko pero hindi ko magagawa yun.
Napakabastos nya po Lord, paanong ang ganyang klaseng babae ay nabiyayaan pa ng ganyang ugali!
"Napakabastos mo! Siguro hindi ka mapalaki ng maayos ano?! Ah! Siguro sa mga squatters ka nakatira! Alam mo naman sigurong pribadong paaralan ang pinasukan mo! At ang apo ko pa ang kinakalaban mo!"
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...