CHAPTER 43

97 52 2
                                    


CHAPTER 43

Thrianne's POV

After ng announce na yon ni Dean ay nagpasya na kaming dumaan ni Orange sa locker room.

"Nakakainis! Tayo na nga tong inaway tapos.."

"Hayaan muna.."

"P-Pero kasi! Grr! Nabibwiset ako alam mo ba yun? Wala naman tayong ginawang masama sa kanila eh! Tapos tayo pa tong sinuspinde?! Ang astig naman nila! Kakaiba talaga itong SMU eh no!"

"Hayaan mo na nga kasi"

"Sorry Thri ah..kung hindi dahil sa kin hindi ka sana madadamay at-" tinakpan ko na ang bibig nya. Grabe ang bunganga nya tch.

"Para saan pa't nangako ako na babantayan kita?" nakangiwing sabi ko." Sinabi ko na noon, ayaw kong sinasaktan ka ng ibang tao"

"Waaaahhhh! Huhuhu!"

Iniurong ko ang sarili sa kanya."Ano na naman yan?"

Pinupunasan nya kunwari ang mga butyl sa gilid ng mata kahit na wala naman,"K-Kasi ang sweet sweet mo na Thrianne!! Huhuhuhuh!"

"Tch baliw"iiling iling akong natawa. Pagkaakyat namin ay may humila sa bag ko paibaba. Nawalan ako ng balanse dahilan para mapaigtad akong sumubsob sa hagdanan.

"Halaaa!!! Thrianne!"

Hindi ako kaagad nakabangon sa pagkakaupo. Inalalayan pa ako ng kaibigan ko para makatayo. Pinagpagan ko ang sarili.

"Ang lampa mo naman!"

Ah, boses ni Aso. Syempre pa e di si Gary Disinsyon. Iniisip ko na nga ba eh, hindi sya maaaring mawala sa eksena sa araw na ito. Pero dahil wala akong paki sa presensya nya, iniangat ko ang ulo at tinignan lang sya na parang wala lang.

"Binugbog mo ang syota ko Rukawa! Baka nakakalimutan mo?!"

Nginisihan ko sya. "Hindi ko ugaling makalimot sa mga taong binugbog ko"

"Aba't nasuspinde ka na't lahat ang yabang mo pa rin?! Gusto mong tuluyan ka ng maexpell ha?!"

Hinarang na sya ni Rangovine, " Wag kang magkakamaling hawakan ang kaibigan ko! Sa akin ka muna dadaan-"

"At ikaw pokpok?! Gusto mong madamay dito ha?! Parehas kayong mayayabang nitong tropa mo eh no? Wag kang mag-alala, umpisa pa lang yung pinatikim ko sa inyo noon, ngayong binangga-"

"Ang daldal mo pota" wala ako sa sariling tumayo at inilayo na si Orange palayo. Ayaw ko na namang madamay ang kaibigan ko dito. Kung kinakailangang maging bastos sa harap ng lahat gagawin ko.

Nung inakala kong nakalayo na kami ay nagkamali ako. May humigit sa braso ko.

"Tangina ka ah! Ang lakas mong talikuran ako! Hindi pa tayo tapos mag-usap!"

Tinanggal ko ng marahas ang pagkakahawak nya sa balikat ko at pinanlisikan sya ng mata. Nagsisimula nang uminit ang ulo ko.

"Alam mo bang nakakabobo kang kausap?! Paulit ulit kasi ang mga sinasabi mo eh!"

"A-Ano?!"

"Parehas kayo ng syota mo ulul"

Mabilis ko na syang tinalikuran. Nagtungo na kami sa cr.

"Thri ok ka lang ba?"

"Oo naman"

"Grabe no? Andami namang nangyari! Una yung sa-"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon