CHAPTER 91

100 38 1
                                    

CHAPTER 91




Thriaxiveille's POV

SA OSPITAL

Mag-aalas sais na niyon ng umaga at bahagya akong nakaidlip sa kinauupuan. Inistretch ko ang ulo at pinakiramdaman ang sarili. Hindi pa ako kumakain simula pa kahapon. Pakiramdam ko wala akong lakas para taumyo ngayon. Nanginginiag mga binti ko. Sanay naman akong magutom pero sadyang kakaiba ngayon. Iniisip ko kasi ang mga maaaring mangyari mamaya sakaling nandirito na ang Lola ni Rangovine.

"Hoy"

Kumunot ang noo ko. Lalo kong inihiga ang likod sa sofang inuuupuan ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para makalimutan ang mallim kong iniisp pero hindi ko magawa.

"Hoy"

Daig ko pa ang kinorner na criminal sa kanto. Kainis. Kasalanan ko ang lahat. Tanggap ko iyon. Ako ang unang nakabangga sa lalaking iyon na kinainisan ko sa buong buhay ko. At ngayon hindi ko alam kung pakana nya ito, pero dahil ang Vianca na iyon ay...may matinding pagnanasa sa lalaking iyon ay natitiyak kong sa kanya nag-umpisa ang lahat.

"Hooooooyyyy!!!!!"

O_O

Gulat akong napalingon sa gilid.

"K-Kanina pa kita tinatawag hindi ka nakikinig! Parang wala lang ako dito ah!"

Bakit nandito pa iyan? Tsk.

Pero imbes na komprontrahin sya ay napatitig na lang ako sa kanya. Hindi ko man maamin, ay totoong kapag palagi mong natitigan ang lalaking ito ay para kang nananaginip. Totoong mas lamang si Rin sa kanya pero, hindi mo alintanang kakaiba ang kagwapuhan ng isang ito. Hindi mo mahahalata sa kanya na isa syang basagulero.

Alam nyo na kung sino ang tinutukoy ko..

"A-Ano?! Titingin ka na lang dyan ha?! Tsk"

Marahas akong bumuntong hininga. Ibang klase ang lalaking ito. Parang walang kapagod-pagod sa kakasigaw.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"A-Ano?! Yan lang itatanong mo sa akin? Tsk, pasalamat ka nga at binista kita dito ano"

O_O

Anak ng...

"Tsh, bat ba pa ako magpapasalamat eh hindi naman ako ang nakaratay dyan" kalamanteng tugon ko. Napapahiya syang yumuko. Ano na naman bang iniisip ng lalaking ito?

"Bakit ka ba nandito?"

"E-Eh kasi...k-kasi..binisita ko yang kaibigan mo syempre!"

"Ah" walang gana kong sagot. Saka ako umidlip ulit. Ayoko ng marinig ang mga pagbubunganga nya. Tsh. Ganon rin naman ang sasabihin nya nagtanong pa ako. Hay.

"Hoy! Ano ba!"

Hindi ko sya pinansin. Masyadong pagod ang isip ko para kausapin sya. Kung ako ang tatanungin mas ok nga yatang umalis na ang isang ito.

"Ay ang galing, parang wala talaga akong kausap"

Nayayamot na akong sinilip sya, "Ano bang problema mo? "

"A-Ano?!"

"Tsk, kung umasta ka ay parang kailangan ko ng bantay dito, kung marami kang sinasabi dyan ay maigi ng umalis ka na, baka mamaya saksakin mo kami bigla dito—"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon