CHAPTER 14

159 84 1
                                    


CHAPTER 14

Thrianne's POV

MONDAY

Hindi ko mapigilang bumuntong hininga matapos ang rebelasyon na nalaman ko mula kay Rin kahapon. Halos hindi ako makatulog sa katotohanang ang nakaraan ko ay hindi pa rin pala basta basta mawawala, lalo pa at hindi na ako ang kumokontrol sa dati.

Gayunpaman, inayos ko na ang sarili ko, lalo pa at lunes ngayon. Siguradong bukod sa nangyari sa akin noong nakaraang biyernes ay may mangyayari na namang hindi maganda. Pagkalabas ko ng silid ay hindi ko na napansin si Orange. Nakatunghay lang sya buong magdamag.

"Oh, aba, parang wala kang kasama ah"

Tumikhim ako bago naupo sa sofa,"Busy ako"

"Saan?"

"Anong saan? Busy ako sa kakaisip kaya wag mo ng dagdagan"

"Ito naman! Ang init ng ulo mo! Mukhang hindi maganda ang gising mo ah!"

Hindi ko na sya sinagot pa. Pumunta ako sa malapit sa pintuan at nilinis ko ang sapatos ko saka muling bumalik sa kwarto. Tapos na akong maligo kaya kakain na lang ako ng kamote. Nag-inat ako ng katawan.

"Huy, kahapon pa salubong ang kilay mo Thri, alam ko may problema ka talaga e"

"Alam mo naman pala e"

"Oh diba? Namimilosopo ka pa, alam mo habang nandito ka pa lang sa bahay ay kontrolin mo na yan, baka pati ang mga prof mo eh masigawan mo"

"Oo alam ko"

"Alam mo, kahapon hindi mo pa ko kinakausap, nagaalala kaya ako"

"So?"

"Wow! Pa-so so ka na Thrianne! Dinaig mo ang pag iisnob sa akin! Ano bang nangyayari sayo?"

"Tsh, sinabi mo lang naman sa kanila na dati tayong nag-aaral sa NMU"

"Oh? Ay oo nga pala shit!" napahawak sya sa bibig nya. Iniiwas ko sya ng tingin.

"Alam mo naman ang isyu ko sa NMU eh, ngayong alam na nila kung saan ako noon nag-aral,sigurado ako na huhukayin pa nila ang nakaraan ko"

"S-Sorry...ang daldal ko kase e, pero ano, hindi ko naman sinabi yung dahilan, hindi ko lang inexpect na ganon talaga katindi yang pandinig nila"

"Tsk,"napasinghal ako ng di oras, "sabagay, anong magbabago sakaling malaman nila? As if namang matatakot sila.."

"S-sige, oh gatas" pagiiba niya ng usapan at iniabot nya sa akin ang gatas at tinungga ko iyon. Tumayo na ako.

"Magbibihis na ako."

Pagpunta sa kwarto ay kumatok ng marahas si Orange.

"Mauna na akong pumasok ha! At saka wag mong papansinin yung mga epal sa daanan, baka mabugbog ka na naman!"

"Oo na"

Matapos kong mag-ayos ng gamit ay pumasok na ako sa SMU. Syempre pangatlong araw ng pasok ko ngayon, hindi nagbabago ang mga pasiring nilang tingin. Nasa klasrum na ako ng walang bangas ang mukha ko.

"Good mornengg clazzzz"

Argg... Pampino!

"Goodmorning zirrr"

Pinaupo na nya ang lahat except sa akin.

"Kay lakas naman ng loob mong pumasok sa klase ko? May excuse leter ka ba?"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon