CHAPTER 13

142 84 4
                                    

CHAPTER 13

Thrianne's POV

Naramdaman ko ang kakaibang kaba sa dibdib ko ng marinig muli kay Yashiko ang pagkawala ni Dimples at Chelsea. Pakiramdam ko ay nawalan na ako ng ganang kumain. Umupo si Mitch sa tabi ko at bumuntong hininga bago inilapit ang sarili nya sa akin.

"Nakita ko si Yashiko sa labas, parang may hinahanap sya, ano ba yun?"

"May dalawa kaseng bisita na nawawala rito"

"A-ano?!"

"Sshhh"

At dahil gusto kong makatiyak na walang makakarinig ng pinaguusapan naming, kailangan kong lumayo muna sa kanila. Tumayo ako sa gitna ng kwentuhan nila kasama si Mitch. Sinenyasan ko siya na sumunod.

Nasa gilid kami ng bintana ng mansion. Ang tahimik na gabi ay nakakakaba, kahit ang isang manhid na tulad ko ay hindi maiwasang magalala sa posibleng sitwasyon. Mabuti na lang at hindi ako pinagtripan ng Hades na yon,makakapagpokus ako sa pakay ko ngayon.

"Hey"

"Tutulungan ko si Yashiko na maghanap, kakaiba kase ang kutob ko, parang may hindi tama."

"O sige, I'll call Yashi, san ka maghahanap?"

"Magstay ka lang dito,bantayan mo ang mga taong nandito, kapag may kakaiba kang napuna tawagan mo agad ako"

"Okay, be safe"

Nilisan ko muna ang bahay nila Shinichi. Nagtungo ako sa posibleng puntahan ni Yashiko. Halos ilang oras na ang lumipas pero wala pa ring Chelsea at Dimples na nagpakita.

"Oy Kil! Bat ka nasa labas? Akala ko ba babantayan mo sila"

"Si Mitch ang inatasan ko, kamusta ang paghahanap? Wala ka ba talagang nakita?"

"Wala eh, sinilip ko na sa mga sulok ng bahay na ito wala, pinakiusapan ko pa sa mga kasambahay nila na hanapin yung dalawa, sinabihan ko na ring wag magpapahalata baka maalarma sila"

"Hindi ako makapaniwala sa nangyayari, sana wala lang itong kaba ko"

"Kil, kadalasan sa mga kutob mo nagiging totoo, kaya mas lalo akong kinakabahan'

"Tawagan mo ulit si Dimples baka nasa bahay nila"

"Wala nga daw,ang sabi eh nandito daw sya sa party, jusko hindi ko na alam gagawin ko,malalagot ako sa parents niya pag nagkataon"

"Try ko maglibot libot, maghintay ka dito baka magbalik e"

"Sige sige..'

Nakapamulsa akong naglakad sa eskinita. Tinawagan ko si Rin.

"Hello?"

"May ginagawa ka pa ba?"

"Wala,bakit?"

"Pakiresearch mo nga yung Vianca Costana"

"May nangyari ba?"

"Sundin mo na lang ang sinasabi ko"

Binaba ko na ang linya ng telepono. Tama, yung Vianca Costana na iyon ay namumukhaan ko sa SMU. Sya yung laging sumusunod kay Jehridale at nabalitaan kong kaibigan nya si Dimples. Posible ring kasama sya nito sa mga oras na iyon. May palagay akong nakita ko na sya sa NMU noon.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon