CHAPTER 37

108 58 3
                                    

CHAPTER 37


Jehnica's POV

"I want to buy anything that I want today" nakangusong bulong ko sa sarili. Nabobored na kasi ako sa bahay. Halos lahat na ng libro ay nabasa ko na rito. Wala pa akong nakakausap dahil pinauwi ko ang lahat ng maids namin pati si Kuya Jed.

Tumayo na ako at iniinat ang sarili. Nakabihis pa ako nun. As usual, magmamake up na lang ako ng tatlong oras. Ito na ang naging routine ko sa tuwing ako lang ang mag-isang mamamasyal.

Sa tuwing nabobored ako ay gumagala at kumakain na lang ako. Sa lahat ng Callevein ay ako na yata ang grumaduate na walang silbi. Kumbaga,sa pamilyang ito na puro business ang field ay lang ang naiiba ng tinapos. Tourism kasi ang tinapos ko, gustong-gusto ko na kayang makahanap ng trabaho. Kaso ang atribida kong Mommy ang pumipigil sa lahat ng agencies na tanggapin ako sa kanila. Hanggang ngayon kasi ay malaki pa rin ang galit ng Mommy ko sa akin. Well, gusto ko lang patunayan na ayaw kong kinakalaban nya ang mga desisyon ko sa buhay. Na gusto kong linawin sa kanya na hindi lahat ng anak nya ay maaari nyang alipinin.

Ito ang pamamaraan ko ng pagrerebelde,inuuna ang sarili bago ko sundin ang kagustuhan nila...

Lingid iyon sa kaalaman ni Jehridale kaya hanggang ngayon sigurado walang kaalam-alam ang batang yon na kinokontrol ako ni Mommy. Ang alam lang nya ay pinagkasundo ni Mommy si Hanabi sa ex ko para magbreak kami. Nakakaloka!

Madyo malayo-layo ang mall na pupuntahan ko. Ayaw kong makasalubong ang engot kong kapatid at yung Alomira na iyon. Sa tuwing makikita ko kasi sila ay parang nandidiri ako na ewan. Seshh..bitter na kung bitter, I don't care!

Nang makarating sa mall ay pinark ko ang car. Naglalakad na ako na parang ako lang ang reyna sa fashion week. Bwehehhee!

Well, di porke isa akong Callevein ay ipangangalandakan ko na kung sino ako, alam naman ng lahat yun e, kaya hindi ko na pinakikilala ang sarili ko sa tuwing nakakakita ng mga gumagalang supervisors dito sa mall namin. Awtomatiko na silang yuyuko kapag nakikita ako. Pumasok na ako sa isang European Made Dresses. Kapansin-pansin ang mga naggagandahang dress na narito. Hindi ako nagsasawang puntahan ang lugar na ito. I love dresses and stuffs!

"Is this authentic one?" panunuri ko sa dress na hinahaplos haplos ko. Ito ang unang dress na nahawakan ko sa mall ngayong araw. Maarte ako sa pagpili ng susuotin, kaya anumang dress or any clothes na mahahawakan ko ay swerte na.

"Yes Ma'am, it's a gold crystals that has been sewed from France. It's suits to you if you are worn this"

Tumango tango ako at saka napahawak sa baba.

"Hmm..can you keep this muna? Babalikan ko yan ok?"

"Okay Ma'am"

Nilibot ko muna ang buong mall. Halos lahat na yata ng brands ng shoes and clothes ay nasilip ko na. Muli na lang din akong bumalik sa unang pinasukan ko kanina.

"A-Ah Miss"

"Yes Ma'am"

"Yung pinareserve kong dress?"

"Ah..wait for a minute Ma'am" nakangiting tugon nya.

After nyang binigay sa akin ay napasinghap ako sa dress. Napakaganda nito. Alam kong hindi na sya bagay sa generation ko pero, may naiisip ako. Ipapasuot ko ito sa magiging future ng kapatid ko. Mwehehehehe!

Pakasakay ko ng kotse ay naisip ko ng dumaan muna sa isang boutique bago umuwi. Nandoon kasi si Hanabi, still updating pa rin ako sa dati kong ex. Okay naman kay Hanabi dahil kampi sya sa loveteam namin ng isang iyon. E di sino pa kung hindi ang ex ko!

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon