Thrianne's POV
KINABUKASAN
"Tapos na ko! Ikaw naman!" bigay sa akin ni Orange ng libro. Lunes na ngayon at kailangan naming magreview ulit para sa darating na exam ng mga professors namin.
"Sabi daw ni Prof. Michelle mageenglish na daw tayo parati sa subject nya"
"Ha? Bakit daw?!"
"Malamang isa iyon sa mga polisiya sa kolehiyo. At isa pa kailangang masanay na tayong gumamit ng Ingles, required yung sa ibang trabaho na gusto mong pasukan if ever ayaw mong mag-abugasya"
"Pero bakit ganon?! Akala ko pa naman hindi na tayo mageenglish, nakita ko pa man din sa balita eh yung sa enrollees"
"Oo nga eh"
"Haysss! Bobo pa naman ako dun!"
"Saan?"
"Sa salitang ingles! Ultimo nga grammar hindi ko alam kung tama ba or hindi!"
Hindi na ako nagsalita pa. Binuklat ko na ang libro habang nginunguya ang kamoteng nakalagay sa plato. Maya-maya pa ay tumayo na ako at nagpush ups. Inihahanda ko na ang sarili ko. Mukha kasing hindi na naman maganda ang araw na ito para sa akin.
" Oy Thrianne!"
"Oh?"
" Prepared ka na ba sa SMU? Naku sigurado yung Hades na yun, tsk tsk, alam mo na! Hahahahah!!!"
"Araw-araw akong handa Orange, at isa pa, hindi na Hades ang tawag ko dun"
"Ah talaga? Eh ano?!"
"Sakuragi—"
"A-Ano? Diba sa Slamdunk yun?! BWAHHAHAAHHAHAHAHAHAHAHA!!!" natawa na rin ako. Hindi ko alam kung bakit may renewal pa sa pagpapalit ng pangalan."oo nga bagay sa kanya yun! Kapag kaharap nun si Aoko para syang nagiging anghel eh Hhahaha!" Hayss..
Mamaya-maya pa..
"Sya nga pala, kamusta na kaya si Pringles? Ayos lang kaya sya?" at dahil kambal nya si Yashikong madaldal, hindi titigil sa kakaslaita ang babaeng ito.
"Nakita mo naman ang progress nun nung Sabado. Madaling araw pa nga lang gising na sya eh"
"Oo nga eh! Mabuti na lang talaga naabutan mo! Halos maiiyak na nun si Allson eh!"
"Tch, ikaw nga rin"
"Pero alam mo, ano kayang dahilan ng mga hayop na yun? Bakit nila ginanon si Pringles? Di kaya may kinalaman yon sa nangyari kay Wilson tsaka kila Dimples?"
"Malamang"
"Nakakabaliw na yang kaso na yan Thri, may alam na ba kayo kung sinong gumawa nun?"
"Mga pulis naman ang may alam dun"
"Hala? Ibig sabihin hindi ka na tumutulong?! Eh paano naman maisosolve yun?!"
"Estudyante ako Orange, at hindi ako private detective. At isa pa may asungot lang namang ayaw magpatulong sa kaso"
"Sino?! Si Inspector ba?! Or yung kapatid ni Senior Adrian?!"
"Si Urdan"
"Weh?! Bakit daw?!"
"Ewan"
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...