Orange's POV
"Thrianne!"nilakasan ko talaga ang pagtawag sa kanya dahil nagtuloy tuloy lang siya sa banyo. Ewan ko ba sa babaeng ito,daig pa bingi eh. Nasa labas ako ng cr at ayoko nang bulabugin siya baka masipa pa ako.
"Kaloka yung ginawa sa kanya beh!Jusko siyang siya talaga ang paghaluhin ang harina sa noodles"anang bakla.
"Maloko talaga yang si Jehri,actually nagtransferee din ako dito last year,pero hindi ko naranasan ang mabully,kase kilala nila ang family ko,pag ganyan kase kailangan popular talaga ang parents mo para hindi ka makaladkad ng bongga hahah"si Ali.
Napakaimmature na dahilan na kailangan maging popular ang parents mo? Nakakainis!
Nag-aalala ako para sa kaibigan kong iyon. Nagawa niyang makaganti sa lalaking iyon dahil nadamay ako. Nang dahil sa akin na naman kaya siya napaaway. Grrr!
"Ang sabihin mo,keri sa kagandahan mo kaya hindi ka machurba!"si Pringles.
"Hoy bakla ah!Maganda din naman si Thrianne ah,nagkataon lang talaga ganyan ang salubong ng lecheng yan sa kaibigan ko"sabat ko. Tumango-tango silang dalawa.
"Nakakaimbyerna din yung dinamay ka kanina! Grabe talaga, kung may lakas lang ako ng loob nakipagsabunutan na sana ako!"anas pa ng bakla. Napangiwi na lamang ako.
"Pinagsasabi mong bakla ka? Makikipagsabunutan ka kanino? Sa mga guys na iyon? Gaga kang peste ka, magkakablack eye ka pa sa iniisip mo"komento ni Allison. Sumang-ayon ako sa kanya. Baka nga lalong lumaki kung mapapahamak din sila.
"Malaking tulong na 'yong tinawag mo si Adria-este si Senior Adrian! Hehehe, tamo. Di ba nahupa ang gulo?"
"Ay oo! Alam mo graduating na siya kaya ganyan kaganda ang impluwensiya....hays..wala iyon Rangie! Sabihan mo lang ako ng pretty and beautiful gora na sakin!"
Natawa na ako sa sinabi ng bakla. Sa totoo lang hindi naman bagay sa kanyang tawagin ng ganon, kasi technically speaking, gwapo siyang bakla eh. Napansin ko na iyan noong first day of school. Pero kung 'yan ang gusto nyang marinig e di pagbigyan!
"Pero alam nyo nakakagulat ah,kase syempre first time ng lalaking yon na maboka sa mukha!Alam mo yun?Talagang nakaya ni Thrianne Kilein na sumapak ng lalaki jusme!Ako nga pag nagawan ng ganyan eh mapepermi ang beauty ko sa tabi!"si Pringles. Tumango-tango si Allison at ako naman ay nag-aalangan na sumagot. Baka kung ano pa masabi ko. Huhuhu.
"Maski ako nagulat Rangie, wala pang kayang gumawa non sa kanya, hindi namin expected na...babae ang makakagawa nun diba bakla?"
"Trueew, alam mo kasi natatakot na ang mga students sa kanya, sa isang tingin pa lang na alam ng lahat na kapag hindi ka nya gusto, naku! Atras ka na! Kundi may kokornerin ka!"
"Grabe uso pa dito iyan?! Hays, dapat talaga may magturo sa janya ng leksyon!"iyon na lang ang naging pahayag ko. Ayaw kong nagsasalita ng kung ano-ano para kay Thri, ang mahalaga sa ngayon iniisip ko na kung paano na siya.
Paano kung guluhin na siya tuluyan dahil sa suntok na iyon? Waaaaaaah!!!
"Por uno!Mala-Robin Padillana ang lola mo!Akalain mong nakapagpatumba ng isang Chukie Perizzzz!"
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...