CHAPTER 27

108 66 1
                                    

CHAPTER 27

Jehridale's POV

"Talaga bang ayos ka lang Jehridale?" nagaalalang tanong ni Alomira habang nasa Catio Mania kami. Nagtataka ako kung bakit wala ang apat na iyon. Ang weird lang..

"O-Oo naman..tara na"niyaya ko na syang maglakad na palabas ng campus.Nasa parking lot na kami. Pinagbuksan ko sya ng pinto. Habang nasa biyahe kami ay panay ang buntong hininga nya. Gayunpaman, hindi ko maiwasang maguilt talaga sa ginawa ko kay Thrianne. Talagang galit na galit sya kanina sa ginawa ko. Doon sa sinabi ni Aoko kanina..ah mamaya ko na lang itatanong.

"Hindi ko inexpect yung ginawa nya sayo Jehridale, akala ko talaga mabait sya."

"H-Hayaan mo na" kabado kong sabi. "at saka ang mga ganong klaseng tao iniintindi na lang" dagdag ko pa.

Pero hindi ko maiwasang mailang, joke ba yung huling nasabi ko o ano??

"Ikaw kasi! Kung sana noon pa lang tinigil mo na di sana umabot sa ganyan, baka mas lalo pang lumala yan ooh"

"Sorry.."

"Wag ka ngang magsorry, nandyan na yan eh"

"Galit ka ba sa akin?"

"Hindi"

"Hmm.. magdate kaya tayo?"

"Date?! After ng ginawa nyang yan sa mukha mo?!"

"D-Diyan lang naman sa malapit heheheh" pagdadahilan ko pa. Hindi na lang sya kumibo at nakangusong bumaba ng kotse sa parking lot ng mall. Malapit ang Mall of Zeico sa SMU kaya hindi pahirapan kung maglalakad lang papunta rito. Pagmamay-ari ito ng aking Mommy, pero kasalukuyang si Daddy ang nagmamanage.

"Alam mo, napapaisip ako, hindi ka naman siguro bubugbugin kung wala kang ginawa sa kanya diba?"

"H-Ha?" gulat kong tanong.

"Nevermind, pero sana after this tapos na yang gusot nyo."

Hindi ko na sya sinagot pa. Sa totoo lang kanina pa ako wala sa mood, para akong tuliro. Dala lang siguro ito ng sobra-sobrang guilty. Ngayong lang ako naguilty ng ganito sa taong inaway ko after a decade.

"Hey!"

"Hmm?"

"What if kumain na lang tayo, doon oh" tinuro nya ang Delicious Red Vibes Restaurant. Hindi na nya hinintay pa ang sagot ko dahil nahila na nya ako.

"A-Aoko"

"Oh?"

"Anong gusto mong kainin?"

"Hmm..kahit ano na lang" nakangiti nyang sagot sa akin. Hindi ko sya magantihan ng ngiti. Nag-iwas ako ng tingin."sige"

Tumayo na ako at nakipila sa counter. Hindi ko mapigilang mapaisip doon sa ginawa ni Athena...

Andami kong nagawang kasalanan kay Thrianne, pero pinili nyang hindi sabihin kay Aoko ang ginawa ko sa kanya...

P-Pero bakit ganon?! Ginawa ko ng impyerno ang buhay nya, bakit mas pinili na lang nyang sa pagitan ng dalawa—

Oo nga pala, gulo lang namin ito at hindi maaaring idamay si Aoko rito. Tama lang ang ginawa nya.

Andami kong tanong sa isip, sasabog na yata ang utak ko!

"Dale?" bigla akong bumalik sa realidad ng tawagin ako ni Aoko. "nakatulala ka na naman" natatawa na sya. Napapahiya akong tumingin sa sahig.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon