CHAPTER 55

113 47 0
                                    

JEHRIDALE ZEIRIN CALLEVEIN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JEHRIDALE ZEIRIN CALLEVEIN

Thrianne's POV

Hindi ko maintindihan kung ano ang init na dala ng pakiramdam na yun ngayon pero...hindi naman minuto ang itinagal na ganon ang posisyon na yun kanina. Hanggang ngayon aminado akong napakalakas ng tibok ng puso ko. Tsk, pagabi na pero ang daming naganap.

Pagkatapos ng nangyaring iyon wala kaming imikan ni Sakuragi habang naglalakad papuntang dept. Nakatuntong sa braso ko ang agila. Mayabang ang agilang ito ah, mukhang gusto nyang palagi akong kasama hehheeh...

"Saan kayo nanggaling?! Ang tagal nyo naman"

"Ah, kinuha lang namin itong-"

"Waahh! Ang galing mo! Nakuha mo ng ganyan si Ego!"

"H-Heheheh.."

"Hmm...bat ganyan ang itsura ni Callevein? Parang nagkasugat sugat pa yata ah"

"A-ah...gutom na ako, siguro kailangan kong mamahinga." pagiiba ko ng usapan.

"Ako din Prof., m-medyo sumakit ang likod ko kanina kakawalis", pagdadahilan ng lalaki. HIndi ko sya pinansin. Hinimas ko ang ulo ng ibon at humuni ito ng malakas habang pinapagaspas ang kanyang pakpak.

"She likes you Kil" nakangiting sabi sakin ni prof. Nilapag ko na ang ibon sa hawla at iniwan ko na sya doon.

"Nandito ka na pala, kamusta na pala si Orange? Binabantayan ba sya nila Yashiko?"

"Yes, actually nga habang wala ka, nandon si Weng para bantayan sya" bulong sa aki ni Rin. Tumango tango ako. Kahit papano ay nakampante ako. Namimiss ko na ang pangangamote ng babaeng iyon sa akin. Hmm..

"Kamusta ang task nyo ngayong first day? Ok naman ba?"

"Oo"

"Hindi ka ba nya ginugulo?" tinutukoy nya ang gunggong.

"Hindi naman na"

"Ah, I'm happy that you're fine anyway, Ciel, can you take her to that old room sa baba? May ipapakita tayo sa kanya"

"Okay, follow me" nakangiting ani ni Ciel. Tinangunan ko sya. Inihatid na nya ako sa sinasabing lugar nila. Hindi ko alam kung anong gusto nilang ipakita pero... kalmado naman ako kaya hindi na ako nag-aalala.

"Hanggang dito lang ako"

"Okay"

Binuksan na nya ang pinto ng room na yun. Bumungad sa akin si Adrin. Nakapamulsa syang nagbabasa.

"Eh?"

"Oh, nandito ka na pala Kilein"

"Hmm...anong sadya mo dito?"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon