CHAPTER 82

99 36 5
                                    

Jehridale's POV

"Are you alright?"nagising ako ng umagang iyon na masakit ang ulo. Narinig ko ang boses ni Ate. Nandito na pala sya.

"A-Ate.."

"Wag ka munang magsalita dyan unggoy kong kapatid, anyway dumaan dito ang girlfriend mo, pero iniwan nya dito si Alimir"

"Ha bakit daw?"

"Tumawag kasi ang Daddy nya, need nyang pumunta sa America ngayong gabi. Company business daw"

"A-Ah" medyo sumama ang mood ko. Gayunpaman, nakapa ko ang nasaksak na bahagi ng tagiliran ko. Medyo naghilom na ng bahagya.

"Oh? Kamusta na yang nasaksak sayo?"

"Ok naman na ako Ate"

"Tss" Singhal nya. Nagpalinga=linga ako sa paligid. Wala dito si Kilein. Nasaan na naman kaya—hay nako. Ano pa nga bang aasahan ko, wala naman pakialam sa akin ang babaeng iyon.

Napalingon ako sa likod. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng may nakapandekawtro na babae na nakaupo doon sa upuan. Seryosong=seryoso ang mukha nya.

Walang salitaan ang namagitan sa amin. Parang bumabalik sa ulirat ko ang mga sinabi nya sa akin.

O//__//O

Saka ako muling bumaling kay Ate. Kainis. Ibig sabihin nandito na sya kanina pa? Hindi man lang nagsabi ang bwiset na ate kong ito.

"Kilein, maiwan ko muna kayo"

"Geh" sagot nito. Para bang sya pa ang mas may authority sa ate ko. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Magaling na ba iyang sugat mo?"

"Bakit ka nandito?"

O_O

"Lahat kayo itatanong yan sa akin?"

"Sagutin o ang tanong ko"

"Kung ayaw mo ay aalis na ako"

"K-Kilein! Sasagutin mo lang naman tanong ko! Hindi ko naman sinabing aalis ka! Badtrip"

Hindi na nya itinuloy ang pagbukas ng pinto. Nakapamulsa syang lumapit sa akin. Dahan-dahan lang ang pagkilos nyang iyon. Siguro ay ako lang ang nakakapansin. Pero ang lintik, parang momentum na nya ang pagkilos ng dahan-dahan sa tuwing kinakabahan ako. Teka bakit nga pala ako kinakabahan? Hindi naman dapat diba? Waaa! Nababaliw na yata ako huhuuhuhu..

"Bakit ko kailangan sagutin?"

Napalunok ako. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Nakayuko sya habang nakatingin sa akin, samantalang ako ay hindi ko malaman ang gagawin. Hindi ba dapat lalaki ang gumagawa nito? Bakit baligtad ata? Wala ako sa sariling umiling.

"K-Kasi gusto ko lang malaman! Ilayo mo nga yang pangit mong mukha sa akin!"

"Pfft," nakangisi na sya,"gusto mo talagang malaman?"

"O-Oo!"

"Malamang, gusto ko lang makatiyak kung buhay ka pa"

"T-Tapos?"

"Anong tapos?"

"Yon lang?!"

"Bakit ano pa bang aasahan mong sagot ko?"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon