CHAPTER 77

114 36 0
                                    


Ang nobelang THE UNEXPECTED ay maaaring hindi magkakarugtong-rugtong ang mga chapters, o hindi kaya'y may isang detaly e na kailangan ninyong malaman, isa itong multi-genre na kung saan, hindi ninyo aasahan ang mga mangyayari, kaya basahin ninyo na lang ang flow ng story, dahil magugulat na lang kayo sa mga susunod na pang eksena.



Mitch's POV

"Is he okay now?" pahapyaw kong tanong sa doktor na pinakiusapan ko.Nanggaling kasi ako kay Lolo para maireport ko sa kanya ang mga nangyari. Binalikan ko sa ospital si Jhin upang makamusta ang kalagayan nya.

"Stable na ang condition nya, tinanggal na namin ang balang malapit sa kanyang baga. Pansamantala kailangan pa nyang mamonitor para kung sakaling may complications pa ay agad-agad namin syang maagapan and for the fastest recovery na rin para sa kanya."

"T-Thanks doc.."

"Walang anuman iho. Tuloy na ako, pakisabi sa iyong Lolo, kailangan ni Doc Nielandro na makausap sya"

"S-Sige po doc sasabihin ko po sa kanya"

"Oh sige"

Nilingunan ko si Jhin na gising na pala. Nagbabasa sya ng libro habang nakahawak sa dibdib. Alam kong doon ko sya aksidenteng nabaril noong Biyernes. Hindi ko maiwasang magkaroon ng guilt dahil sa ginawa ko. Isang araw na ang nakalilipas pero sariwa pa sa akin ang lahat. Hayss...

Maya-maya ay bumaling na sya sa gawi ko.

"Maurillde.."

"J-Jhin..o-okay ka na? O-OKay na ba pakiramdam mo?"

"Tsk, are you nuts? Sinong magiging okay pagkatapos mabaril huh?"

"S-Sorry.."

"Hindi mo kasi pinuntirya 'yon eh, fuck.."

"S-Sorry talaga Jhin. By the way nga pala, hindi ako maaaring magtagal, tinawagan na kasi ako kagabi ni Inspector for investigating another died because of poisoning."

"Okay"

Kaagad ay umalis na ako sa kwarto nya. Hindi maaaring malaman ng iba na nagkita kami, ni hindi dapat makaalam kung ano ba talagang nangyari sa amin ng gabing iyon. Basta nong bago ako sa engkwentrong iyon ay pinuntahan ko muna si Kilein dahil balita ko may nangyari sa kanya, at aminado akong hindi ko iyon nagustuhan.

Pero hindi na ako mangingialam pa tungkol doon. Alam ko ang ugali ni Kil. Ayaw nyang pinakikialaman namin ni Yashiko ang dapat na kaaway lang nya.

"I'm here na" abiso ko sa nakaupong si Officer Adrin at ang kasama nitong si Inspector Urdan.

"Hindi na namin ulit idedetalye pa, nasabi na namin sa iyo ang lahat kagabi, tawagan mo na lang kami kung kailangan mo na ng back up"

"Ok"

"Parating na si Mr. Nielandro bata, sinabihan na kami ng iyong Lolo na sya ang tutulong sa iyo sa kaso"

"Why him? Eh hindi naman sya katulad ko"

"Alam mo naman na sa kanya ipinakiusap ni Ms. Lacosta ang tungkol dito, at isa pa, matagal ng nakapagtraining si Mr. Nielandro sa paglutas ng mga kaso"

"S-Sige."

Wala na akong nagawa kundi ang maupo. Mukhang wala na akong magagawa, pakikisamahan ko ang isang taong hindi ko kilala. Badtrip.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon