Thrianne's POV
Hindi man lang ako nainip sa pagtugtog ng gitara. Magdadalawang oras na mula ng manatili kami rito ni Shinichi. Hindi kami nagsasalita. Marahil ay ugali nyang maging tahimik kung talagang hindi sya kinakausap. Pero ang pinagtatakhan ko ay ang pananatili nya rito kasama ko.
"Uwian na yata nila" dinig kong bulong nya ng hindi lumilingon sa kinaroroonan ko. Tumayo sya at naupo sa paligid ng piano. Nagsimula na syang pindutin ang mataas na nota.
"Alam mo bang, hindi ako marunong kumanta..." paglalahad nya. Hindi ko naman tinatanong pero hinayaan ko na lang.
"pero kapag gumagamit ako ng piano, feeling ko ito ang boses ko"
Saglit na katahimikan sa amin ang naghari sa sandaling iyon. Hindi ko alam kung bakit kinakausap niya ako. Pero mas gusto ko na lamang manahimik dahil nasasayang ang lakas ko.
"Ang musika ay nakakapaglikha ng iba't ibang emosyon sa tao, ito'y parang sining na kusang nabubuo kapag ang musikero ay may gustong ipahiwatig."
"Minsan kapag gusto mong maexpress ang nararamdaman mo pero hindi mo masabi ng tuwiran, bigla ka na lang mapapakanta, dinadaan mo na lang sa musika ang lahat"
Pakiramdam ko ay may kakaiba sa sinasabi nya. Ang tono ng pananalita nya ay may halong lungkot at pighati, bagay na nakikita ko sa mga mata nya kanina. May pinagdadaanan ba tong kung ano?
Suminghap ako "Kung ang musika ay ang nakapagpapahayag ng sakit sa nararamdaman mo, may mga pagkakataon pa ring kahit anong musika ang pilit mong pinatutugtog ay hindi mo maiiwasang makaramdam ng sakit, dahil mismong ikaw na hindi mo pa binibitawan ang masasakit na alaala ay hindi mo matatanggap kung basta basta mong itatapon"
Napalingon sya sa akin. Tanging mababasa sa kanya ang isang nangungulilang nawawalan ng pag-asa sa isang pagkakataon.
Masyadong madrama tch...
"Sa sarili kong opinion, ang musika,ang mga ritmo at ang mga liriko ay parang kaluluwa natin, hindi ito basta-basta ginagawa dahil bored ka lang, ginagawa ang musika hindi lang sa may gusto kang iparating, kundi sa kung ano ang mararamdaman mo pagkatapos mo itong gawin. Sagrado ang bawat musika, kahit na may iba na ginagawa lang itong laro. Ang musika, ay ikaw mismo. Ikaw ang musika, dahil sumasalamin yan sayo, sa pagkatao mo, sa kaluluwa mo, sa nararamdaman mo" pagyayabang ko. Napangisi ako sa paraan ko ng pagsasalita, namiss ko yun lalo na kapag music ang pinaguusapan.
"You know what, you're like a professional musician, and totally an amazing woman" ngiting sabi ni Shinichi. Iniwas ko ang tingin, baka may mahalata akong ano. Kahit manhid pa ako ay nakakaramdam ako ng affection ng isang tao, sana mali lang ang intension ng isang ito.
Sandaling katahimikan muli ang namayani sa amin. Nakikiramdam sa isa't isa. May kung ano sa akin na nagsasabing hindi ko sya maaaring kausapin dahil hindi ko naman talaga kilala. Pero ang ginawa kong pakikipagusap kanina ay labag sa ugali ko. Nagbabago na nga siguro ako. Naramdaman ko ang pagkilos nya, papalapit iyon sa akin. Napaupo sya sa tabi ko, prenteng nakatitig sa sahig, dahilan para mapalingon ako.
Tumikhim sya at nagangat ng tingin sa akin, "Teka, gutom ka na ba? Kase feeling ko hindi ka nakakain kanina sa canteen dahil sa nangyari"
"O-Oo"
"Bilhan kita habang wala pa rito sila Cray, anong gusto mo?"
Narinig ko ang paghuhurumintado ng aking sikmura. Kakapalan ko na muna ang mukha ko. "Kahit ano, basta may chocolate"
"Ah sige" maganda ang pagkakangiti nyang iyon. Masyado akong nahihiwagaan sa mga inaasta nya. Kung ordinaryo akong babae ay kanina pa ko naglulupasay sa kilig tch. Pagkalabas nya ng music room ay marahas akong bumuntong hininga. Napapagod na ako kahit konti lang ang ginawa ko ngayong araw. Mixed emotions dahil may ibat ibang sanggano akong nakasagupa. Kung nasa NMU ako noon ay malamang ngayon palang ay marami na akong pinabagsak. Pero dahil mabait ako, mas pinipili ko munang masaktan kaysa manakit.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...