CHAPTER 52

120 52 1
                                    

Thrianne's POV

WEDNESDAY

Nagising ako ng umaga na maganda ang mood. Hindi ko lang alam kung bakit ako ganito ngayon. Siguro ay after ng 1 year na iyon ay may malalaman pa pala ako tungkol sa nakaraan ko. Nagpush ups muli ako bago iligpit ang higaan at dumiretso sa banyo bago maligo.

At dahil nagkaroon ako ng topak kagabi ay tinimplahan ko ng kape si Orange. Nanlalaki ang mga mata nyang nakatitig sa akin.

"Waaah!!" gulat na gulat at halos hindi makapaniwalang sigaw ni Rangovine matapos kong ikwento sa kanya ang naging pasya ng Dean, "makakasama mo ng isang linggo ang kaaway mo sa iisang kwarto?! Sigurado ka bang sinabi iyon ni Dean!??!?!"

"Tsk, hindi ko nga alam kung anong planong ng matandang yun sa amin, sigurado puro sakit lang ng ulo ang dadalhin ni Sakuragi sa akin"

"Hayss! Punyemas talagang buhay mo Thrianne! Naku! Pagkakaguluhan ka na naman ng mga fans nun! At sure ako na sasampalin ka na naman ng atribidang Aoko ano!!"

"Hayaan mo sila"

"P-Pero okay lang sayo na makasama sya ng isang linggo?! Hala baka pagkauwi nyo sa Lunes puro blackeye na kayo nyan"

Ang OA naman nito.

"Hindi naman na kami nag-aaway ng pisikalan...may control na ako kahit papaano. At isa pa, hindi ko papatulan ang mga patutsada nun, hahayaan ko lang syang magsalita hahahhah!"

"Hala e di hindi mo sya kakausapin ganon?"

"Oo"

"Waah ahahahahaha!! Maninigas sya sa isang linggo na parang yelo dahil kasama nya ang pinakatahimik at pinakaweirdong tao sa erath!!!"

"Earth Orange, Earth" natatawa kong tinama ang Erath nya. Lokong babaeng ito eh, hindi nya tinatama pag Earth na ang sasabihin. Nagbihis ulit ako ng damit at sinuot na ang uniform pagkatapos kumain. Ang uniform ng SMU na binigay sa amin ay lima, tch galante ang university.

SA SCHOOL

Pinagkakaguluhan kami ng mga babae sa daanan. Animo'y para kaming artista.

"Punyeta naman! Ang dami dami ah! Isa isa lang oy! Dadaan ang mga mabubuting magaaral oh!" natatawang sigaw ni Orange, saka lumingon sa akin, "hoy! Bakit nagkakaganito ang mga ito? May ginawa ka ba kahapon?"

"Wala naman"

"Weh!?!?"

"Oo nga tch hahaha"

"Bat ka natatawa?! Ibig sabihin lang nun may ginawa ka kaya ganyan ka!"

"Hay ewan ko sayo, isipin mo kung anong gusto mong isipin" nauna akong maglakad sa kanya. Binibigyan ako ng daan ng mga babaeng estudyante. Hindi ko maiwasang maweirduhan sa mga inaasta nila. Ah naalala ko na...yung sa amin ni Rin. Tsk tsk tsk...

"Waaahhh I'm so envy! How did Prof. Rin fall in love to you?!"

"Oo nga eh! Oh my gosh! Ex wife ka na nga, fiancé ka pa rin nya?! Siguro ginayuma mo si Prof ano?!"

"Tch" asik ko. Sinasabi ko na nga ba. Makakalat at makakalat ang balitang iyon. Tsk tsk, wala talagang ingat ang taong iyon kahit kailan.

"Waaaahhhhh Thriannne?! Kung ganon sinabi mo na sa kanila kung ano yung sa inyo?!"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon