Shinichi's POV
"How was it Kuya? Okay na ba yung si Ate girl na kinekwento mo?" agad na tanong sa akin ni Yuki pagkauwi ko. Masyadong magulo ang isip ko. Hindi ko magawang makausap si Kilein dahil sa pagkahiya. "Kuya?"
"H-hmm?"
"Hayss, malalim na naman ang iniisip mo. Ok ka lang ba?"
"O-Okay naman ako" pilit na ngiting sagot ko. Bumuntong hininga na lang sya at saka saglit akong iniwan sa kintatayuan ko. Maya-maya ay bumalik na din sya na may dala pang box.
"Pinabibigay ni Daddy kanina, kadadaan lang nya rito para sunduin si Mommy"
Tinitigan ko lang ang box. Ano naman kaya ang laman niyon? At saka bakit pa sya mag-aabalang magdala ng regalo samantalang palagi syang wala dito sa aming bahay? Hindi maganda ang kutob ko dito.
"Bakit ayaw mo pang buksan kuya?"
"Mamaya na lang pagkakain natin Yuki-chan, gutom na si Kuya eh"
"Sige! Ako na lang ang magbubukas nyan mamaya if okay lang sayo"
"It's fine for me" pagsang-ayon ko. Hinubad ko muna ang relo ko sa ibabaw ng mesa at ginulo ang buhok. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Napakaweird ng pakiramdam ko.
Pagkatapos niyon ay nagtungo na ako sa hapag. Taimtim muna kaming nagdasal bago nagumpisang kumain. Kahit na kumain naman ako kanina ay tila naubos lahat ang pagkain sa tiyan ko. Para akong ewan. Kalalaki kong tao pero noong makita ko ang mga kaibigan ni Thrianne, na hindi ko akalaing kaibigan din pala nya si Luxiere Williams. Nang mapansin ko iyon ay para akong napiping lata. Hindi ko lang alam kung nahahalata iyon ng mga kaibigan ko.
Pero siguro, ang tanging napapansin lang ay ang paraan ng pagtititigan nil ani Aoko at Jhin. Kitang-kita ko sa mukha ni Jehridale, ang pagtataka at pagseselos. Akala ko nga ako lang ang nakapansin sa senaryong iyon. Masyadong libang ang iba ko pang mga kasama sa maiingay na mga kaibigan ni Kilein.
"Kuya, sobrang tahimik mo. May problema ba?"
Tipid akong ngumiti, "May iniisip lang ako Yuki"
"Ah, kung may problema ka kuya ikwento mo lang sa akin. Willing akong makinig." Nakangiti nyang sabi. Medyo guminhawa ang loob ko dahil doon. Bagay namang pinagpapasalamat ko.
Nang matapos kaming kumain ay binuksan na ni Yuki ang regalong iyon ni Dad. Laking gulat ko ng makita ang laman. Isa iyong susi na kulay bronze. Nakaukit doon ang engkantada na simbolo ng aming angkan. Saan ko kaya magagamit ang susi na iyon? Anong binabalak ni Daddy?
Pero imbes na matuwa ako ay inilagay ko na lamang iyon sa aking bulsa. Marahas akong bumuntong hininga. Kahit kailan hindi talaga ako natutuwa sa mga binibigay sa akin. Nilingunan ko ang kapatid ko.
"Yuki"
"Hmm?"
"Pwede mo bang samahan si Kuya sa terrace?"
Pinagkunutan nya ako ng noo. Pero saglit lang iyon at parang natunugan na nya ang ibig kong sabihin kaya muli itong ngumiti sa akin, "Okay!"
Maingat kaming naglakad papunta sa lugar kung saan ako madalas naglalagi sa tuwing kaming dalawa lamang na magkapatid ang naririto.
Pasado mag-aalas onse na iyon ng gabi, kung sa iba ay madaling araw na iyon, para sa amin ay gabi pa lang iyon. Masyadong nilalamon ang aking isipan ng mga agam-agam, tungkol sa pagkatao ni Kilein. May [palagay akong hindi talaga sya kasing normal katulad ng iba. Ang pamumutla ng kanyang balat, kagaya ng sinabi sa amin ng Yashikong iyon ay nanggaling sa lason, ang kanyang paraan ng pakikipaglaban, ang kanyang pannanlita at ang kanyang mga nalalaman sa mga fraternity.Alam kong nasuri ni Timrelli iyon.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...