CHAPTER 99

93 35 1
                                    

Thrianne's POV

*sighs*

Nakaalis na ako sa rooftop ng may ngisi sa mga labi. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang gaan na ng pakiramdam ko. Kanina kasi ay parang naninikip ang dibdib ko. Nailabas ko lahat sa hindi ko inaasahan, sa mismong taong hindi ko inaasahang makikinig at hindi ako huhusgahan.

Pang-ilang beses na ba? Siguro mga, limang beses na nyang ginawa. Ilang beses na nyan gginawa iyon sa akin, hindi ko inaasahang may ganon pala talaga sa ugali nya. Kaya naman palang maging mabait tsk.

Dumaan ako sa mismong parking lot. Kinuha ko ang bisikleta dahil plano kong bumalik sa Cristailli. Nandoon pa din kasi si Princess, at ichecheck ko kung ano ng update kay Vianca.

CRISTALLI'S CAFÉ

Mukhang abala ngayon si Weng sa pag-aasikaso sa mga costumers. Ah naalala ko, nakauwi na pala sa Pilipinas ang mga pinsan nito. Sasabihin ko ba? Tsk. Alam ko ang lamat sa pamilya ng pinsan nya at sa kanya pero...hindi ko alam. Ayaw ko namang mangialam sa away nila kaya mas maiging tumahimik na muna ako at gagawin ko ang una kong inisip.

"Si Costana? Nasaan sya?"

"A-Ah si Princess? Nandoon sya ate" turo nya sa kusina. Tinungo ko ang kinaroroonan ng sinasabi nya.

Pagdating ko doon ay naabutan ko syang inaayos ang mga gamit dito sa kusina. Pinagkunutan ko iyon ng noo. Himala. Maarte noon ang isang ito at aakalaing hindi mapaghahawak ng kahit anong magdudulot ng marumi.

Nilinguunan nya ako, "Nandyan ka na pala Thrianne"

O_O

"A-Ah..oo"

Nilapitan nya ako at hinawakan sa pulsuhan saka hinila.

"Maraming Salamat ulit ah...alam mo..kung hindi dahil sa ginawa mong pagtulong sa akin baka nangyari na sa akin 'yong nangyari sa sinasabi ninyong namatay noon"

"Wala 'yon"

"Hindi...malaking tulong non sa akin, at saka, pasensya na nga pala sa lahat ng gulong idinulot ko noon sa'yo, alam mo kung ibang tao ang ginawan ko non, talagang pag-iisipan na nila ako na wala ng ood side sa akin eheheh"

"Kahit mukha kang aswang at nuknukan ng pagkamaldita ay alam ko naman kung sino ka talaga"

"H-Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Naupo ako sa pinaglalagyan ng mga sangkap dahil wala namang laman iyon.

"Kung nagegets mo ang pinupunto ko, malalaman mo"

"Na alin?"

"Na kahit ang isang napakasamang tao, may mga mabubuti ring katangian sa loob nila, na hindi mo aakalain na mayroon pa sila non" nakangiting sabi ko. Wala na syang imik. Nginitian na rin nya ako, bagay namang nag-iwas na ako ng tingin.

"Sya nga pala, pupuntahan ko ang Ate mo, gusto mong sumama?"

"O-Oo...sana"

"Sige"

Naglakad na kaming pareho apalabas ng café. Pinaangkas ko ulit sya sa mountain bike. Mukhang natanggal na yata sa katawan nya ang pagiging maarte ah. Hindi sya umaangal o nag-iinarte, siguro talagang ito ang tunay na pagkatao ni Princess.

Sabi nga nila, kapag sinaktan ka, kahit gumanti ka, wag na wag mo syang pag-iisipan ng kung ano-ano sa pagkatao nya. Hindi dapat nanghuhusga ng tao ng basta-basta. Alamin mo rin kung ano ang totoo sa hindi, baka malay mo, mas may matindi pa syang pinagdaraanan kaysa sa'yo.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon