Jehridale's POV
"Carlos Aronil is in stable now, baka mamaya pwede na syang idischarge" aniya ng doctor. Napahinga kami ng maluwag.Lamang na lamang na ang pag-aalala ko sa kanya kaysa sa sarili ko. Tch, naiinis ako sa sarili ko, wala man lang akong nagawa para kay Airon.
"That's a good news Doc, thank you"
Hindi ko na sila pinakinggan. Bumaling ako kay Airon na kasalukuyang nakahiga sa kama. Halos buong gabi na syang namamahinga matapos mahimatay kanina dahil sa paghahanap sa akin.
" Very well, oh, magsiuwian na muna kayo, kami na muna ni Dale dito" walang emosyong sabi ni Ate. Batid kasi nyang strikto ang mga magulang ng mga kaibigan ko kaya kailangan na nilang umuwi.
"I can stay here Ate" paalam ni Shinichi. Mabilis ko syang nilingunan.
"P-Pero Shin—"
"Hindi kita pwedeng iwan Dale, besides, mas pipiliin ko ng suwayin sila kaysa makita ko kayo ni Airon na nandito habang wala ni isa sa amin ang nagbabantay sa inyo" pagpipilit ni Shinichi. Napabuntong hininga na lang ako.
Nagpaalam na sa amin sina Nath at Tim na uuwi na. Si Aoko naman ay maaga na naming pinauwi kanina pa dahil tumawag na sa amin ang Dad nya.
" Tsk, ayaw ko munang magtanong about sa nangyari Dale" pagsisimula nya, " but I hope na nag-iisip ka munang mabuti bago ka susugod"
Naguguluhan akong tiningnan sya, " Susugod? Sinong susugurin ko Shin??"
"Aish, sino pa e di yang kaaway mo"
Ah, nag-aalala nga pala ang mokong na ito sa babaeng iyon. Tch walang taste..
"Tsk, bakit ba alalang alala ka dun? At isa pa, sya ang may kasalanan nito, kung hindi nya ako binato ng bola ng volleyball hindi sana mangyayari ito. Wala sanang maoospital at hindi sana nahimatay si Airon"
"Wag mo munang sisihin ang tao kung wala ka pang sapat na ebidensya"
"Ano pang ebidensya ang kailangan ko Shinichi? Kitang kita sa mga mata ko na sya ang may hawak ng bola ng volleyball!"
"Oo nga! Sya nga ang may hawak! Pero sya ba ang nagbato??"
Napapikit ako sa inis. Hindi ko malaman kung naiinis ako sa sinabi nya o doon sa babaeng iyon.
"Ah basta! Sya ang may kasalanan nito! Wala ng ibang pwedeng makagawa nito kundi sya lang!"
Natawa ang kaibigan ko sa pagkakataong iyon. Matagal na panahon na rin na hindi ko sya nakitang tumawa. Hindi naman joke ang sinabi ko. Ang weird talaga. Nakitawa na lang din ako.
" You both laughing? Inside the hospital? Sesh, dapat pala sa mental ospital ko kayo dinala, pareho kayong baliw eh"
"A-Ate?!" biglang sita ko sa kanya. "Delubyo ka! Parang nagtatawanan lang kami dito, palibhasa kasi kj ka!"
"A-Anong sabi mong stupid ka?!"
"Wala ang sabi ko ang pangit mo!"
"Hahahahahahahahaha!!"
"Argh!" pikon na ani ni Ate. Napaupo na lang sya sa upuan.
"Anyway, kilala mo yung nakalaban ni Airon? Yung palagi na nyang nakakasama sa swimming practice?"
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...