4 dimensional forest

1.8K 245 13
                                    


nagulat ang lahat sa biglaang litaw ng isang beast ng hindi man lang nila napapansin.

kamangha manghang nagawa nyang pigilan ang muling pag atake ni dalton sa pamamagitan ng paghawak sa mismong talim ng ispada neto.

masasabing ang beast na to ay halos kapantay din ng lakas ng lalakeng nag ngangalang dalton.

"freyo hindi ko akalaing hinahayaan nyo na lang mga pangit na halimaw ang paglilibot ng mga mahihinang nilalang."

"kami ang bantay ng dimensional forest na to, kung ano mang bagay ang mga gusto naming gawin ay wala ng kinalaman sainyong mga taga labas" giit ng beast na nag ngangalang freyo.

"at kung iniisip ng kaharian ng presia na kayang kaya nyong kuhanin ang kagubatang ito! yan ang malaki nyong pagkakamali!" dagdag pa ni freyo naging tensyonado ang kapaligiran.

"hahahaha tsk tsk tsk alam mo naman kaya pa rin sinusubukan ng aming kaharian ang paulit ulit naming ginagawa dahil kayong walong pangit ay walang kakayahang pumatay hahahaha isang basurang batas na nagkukulong sa inyong kalayaan!'"

nag init si freyo sa saad ni dalton totoong may kailangan silang batas na sundin sa kagubatang to yun ay ang pinag babawal na pag paslang.

pero sa huli napangiti na lang ulit si freyo "totoong hindi namin kayo pwedeng paslangin pero maaari naman namin kayong saktan at pwersahang patalsikin sa kagubatan!" saad ni freyo at nagbigay ng isang napakalakad na alulun.

biglang may pitong malalakas na presensya ang papalapit. halos hindi na rin makayanan ni zenon ang sunod sunod na pangyayari pakiramdam nya ay ng liliit sya kung nuong jobless palamang sya ang agwat ng lakas ng ibang tao sa kanya ay kaya nya pa ring maramdaman.
pero ngayong isa na syang multi job at hindi pa isang basta basta multi job ay hindi man lamang nya kayang maramdaman ang lakas ng mga taong nakapaligid sa kanya.

isa isang nagsilabasan ang mga halimaw at merong pitong namumukod tangi.

"sila na siguro ang sinasabinh walong mala alamat na halimaw ng forest of life" bulong ni zenon habang ng liliit sa mga nilalang na nakapaligid sa kanya kasalukuyan ring nakaupo na lang sila ni seresa dahil sa hindi na rin makayanang pwersa ng kapaligiran.

"talagang makukulit kayong mga tao sa kaharian ng persia hindi na kayo natuto ng lection naghahanap lang kayo ng sakit ng katawan."

kanina pa nalilito si zenon sa pinag uusapan ng malalakas na nilalang sa kanyang harapan tungkol sa kung ano nga ba ang mga sinasabi ng mga tong kaharian ng persia dahil ang kahariang netopia lang naman ang kanyang natatanging nalalaman.

"pinunong uno bakit pa kailangang pakinggan ang mga pinag sasabi ng mga to meron tayong mahalagang panauhin kailangan ng palabasin ang mga pesteng mahilig mang himasok dito saating teritoryo" sabi ng isa sa malakas na halimaw.

hindi naman akalain ni dalton na lilitaw kaagad ang walong kilalang celestial ang balak lang nya ay puntiryahin ay ang kanilang pinunong si freyo.

si freyo lamang ang natatangi sa kanilang walo na palaging wala kasama hindi katulad ng pito pa sa kanilang may palaging buntot na halimaw katulad ni tres.

ang libo libong kawal naman ay hindi maipinta ang mukha alam nila ang plano sa dami nila umaasa si dalton mapapabagsak nils ang isa sa celestial beast na bantay ng dimensional forest.

"atrass!!," tanging nasabi na lang ni dalton kung kanina malakas ang loob nya dahil lamang sya sa bilang ng kasama ang kanyang mga kawal laban kay freyo pero hindi sa halos pinagsama samang lakas ng mga celestial at iba pang beast sa kagubatang ito.

kakasabi palamang ng atras isa ng nakakapangilabot na atake ang pinakawalan ng isa sa tinatawag na celestial ang atakeng halos kumalahati na sa mga kawal ang atakeng kung saan napalipad sila hanggang mapalabas sila ng kagubatan.

nagsitayuan ang balahibo ni zenon sa lakas ng atakeng yun ang atakeng mas malakas pa sa atakeng pinakawalan ng lalakeng nag ngangalang dalton.

hindi nagtagal mabilis din naubus ang mga kawal hindi sila ng laban tanging pag atras lang at pag dipensa ang nagawa ng mga to hanggang makalabas sila sa tinatawag ng mga tong dimensional forest.

karamihan sa mga to ay sugatan at ang pinaka malalang natamo ay si dalton talagang hindi sya pinakawalan ng ganun ganun lang kadali ng mga mala alamat na halimaw na para bang galit na galit sila dito.

naging mapayapa na ang kapaligiran ng kagubatan nawala na rin ang makapal na aurang pumapalibot sa mga to.

umalis na rin ang ibang halimaw sa pinangyarihan ng laban at ang tanging natira na lamang ay si zenonat seresa pati na rin ang walong halimaw ang mga tinuring alagad ni zenon ay hindi sinasadyang mabura at tamaan ng ilang atake.

ang walong halimaw ay tumingin kay zenon..

kinabahan naman si zenon sa titig ng walong mala alamat na halimaw.
sa isip isip nya hindi parin sya ligtas.

.
.
.
.
.

ng biglang magsi luhod ang walo sa kanyang harapan

...

cont.

15votes for next chapter thank you sa support po.



Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon