dahil sa pagiging mapag mataas ni orseo binaliwala nya ulit si zenon.totoong humanga sya kay zenon pero para sa kanya ang lakas na taglay ni zenon ay para lamang sa mgs profesion na nasa ikatlong antas pababa.
kahit pa nakakapag taka ang lakas neto dahil isa lamang syang ganap na nasa huling yugto ng ikalawang profesion.
sa totoo lang marami ng ganid ang nag babalak alamin ang sikreto ni zenon sigurado silang may itinatago itong sekreto pero wala silang idea sa kagamitang may kakayahang magtago ng antas.
dahil sa ginawa ni zenon na pag akyat sa entablado at pag baba ni orseo hindi naman natuwa dito si beam na tinalo ni orseo at si ram na kaedad lang ni zenon.
sa huli sabay sanang aakyat si beam at ram huminto muna sila saglit at nag titigan dahil naramdaman nila ang isat
isa na may balak umakyat.hindi naman to nakawala sa paningin ng karamihan.
"si beam? si ram? talagang papatulan nila?"
"siguro ay hindi na nakayanan ng dalawa ang pinapakitang kahambugan ng batang yan hindi rin naman maitatangging malakas sya dahil tinalo nya kahit ang mga nasa ikapitong antas ng ikatlong profesion sa kasalukuyan nyang lakas na nasa ikalawang profesion palamang"
"tama ka!! maaring kaya nyang talunin ang nasa ikapito pero si ram nasa isang hakbang na lamang para makapasok sa ikaapat na profesion sa mura nyang edad lamang!!"
"haha hindi nako makapag antay na patulan nila yan masyado na syang nagiging hambog!"
"sandali lang!! huwag kayong magsalita ng tapos! alalahanin nyong ilang beses nya tayong sinampal sa pamamagitan lang ng pag talo ng sunod sunod na kalaban!!"
boom!!!.
saka lang naalala ng halos lahat ang kahihiyang naidulot nila sa pagsasalita ng hindi maganda kay zenon halos mamula mula ang mukha nila sa kahihiyan.
habang nag uusap ang karamihan sa susunod na labanan nag tanguan naman si ram at beam.
sa huli si beam ang umakyat sa totoo lamang ay malaki ang nasayang nyang enerhiya sa pakikipag laban kay orseo pero malakas ang loob nya dahil isa syang ganap na nasa ikaapat na profesion samantalang nasa ikalawang profesion lamang ang kanyang kalaban iniisip nyang pitik lang to.
"hambog ka kung inaasahan mong ikaw ang kukuha ng pinaka unang pwesto na hindi ko nga nagawang makuha" bigkas ni beam ng naka ngisi sa totoo lang tanging si orseo lang ang taong makakapag pa seryoso sa kanya kahit pa nakita nya ang lakas ni zenon para sa kanya ang lakas na yun ay para lamang sa mga taong nasa ikatlong profesion.
hindi nagpakita ng kung ano mang emosyon si zenon katulad kung paano nya tinitignan si orseo ay ganun lang din kung paano nya tignan si beam, ang pagkawala nya ng interes sa kung ano man ang sabihin neto.
nag anunsyo na ang laban pero walang umatake sa dalawa dahil hindi tinitignan ni beam si zenon bilang malakas na kalaban dahan dahan nya tong nilapitan tiwala sya sa tikas ng katawan nya kahit pa halos ubus na ang enerhiya nya gawa ng laban nila ni orseo hinding hindi sya kayang galusan ng isang hamak ng nasa ikalawang profesion lamang.
nakatayo lang si zenon habang papalapit ng papalapit si beam. walang nakikitang kapahamakan si beam habang papalapit kay zenon kaya napangisi sya isa sa kakayahan ng knight templar ang instinct kaya nilang masagap kung may kapahamakang papalapit, nagagawa din nila ito sa pamamagitan ng kanilang kutob pero hindi ito isang daang porsyento.
"matapang ka nga bata bibigyan kita ng pagkakataon lumuhod ka at magbigay ng tatlong kowtow bilang paghingi ng tawad sa lahat dahil saiyong kahambugan!" natigilan naman si zenon sa sinabi ni beam iba naman ang tingin ni beam dito dahil sa pagkagulat na tingin ni zenon ang akala nya ay kinakabahan na ang binata.
"bata walang dapat sisihin kundi ang iyong sarili! masyado kang hambog para isiping kaya mong talunin ang nasa ikaapat ng profesion!! kung ayaw mo lumuhod hayaan mong duraan kita!" sa pagkagulat na expresion ni zenon kinukuha na ni beam ang inisyatiba para insultuhin lalo si zenon nakuha naman ang gusto nya halos lahat ng manunuod ay pumabor sa kanya.
hindi naman nagustuhan ni zenon ang huli netong sinabi "duraan ako?" tinignan sya ni zenon na parang isang malaking tanga "nababaliw kana ba? luluhod sayong harapan?sinu kaba sa akala mo?",
boom!!!
isa lang ang tingin ng lahat isang tunay na kahambugan hindi sila naniniwalang kayang talunin ni zenon si beam dahil sa nasa ikaapat na profesion na to.
"patay ka mas mainam na sumuko kana agad!!"
"masyadong malakas ang loob!! kahanga hanga sana ngunit wala sya sa lugar!"
"isang tunay na baliw ang batang yan"
sa huling pangungusap na binitawan ni zenon ay sumabog halos lahat ng manunuod hindi nila nakayanan ang akala nilang kahambugan lang..
namula naman sa galit si beam hindi nya akalang sasagot ng ganun si zenon ang akala nyang tahimik lang to ay matalas pala ang dila
"sino ako??? pwes makikita mo ngayun din!"
hindi na nagpatumpik tumpik pa si beam inilabas nya agad ang ispada nya
"sword ray!"
sabay ng paglaki ng ispada neto mabilis nya sinwing ang kanyang ispada at lumabas naman ang isang malaking gintong liwanag.
dumiretso ito kay zenon pero wala syang reaction, sa nakikita ng lahat walang balak iwasan ni zenon ang sword ray na yun.
"bata umilag ka kundi mamamatay ka!"
halos nagulat ang lahat.
maski sila alexa meyer ace pati na ang headmaster ay hindi alam ang gagawin.
susugod na sana si headmaster kreto at ang head master ng planteo para pigilan ang atake ni beam pero naging huli na ang lahat.
masking si beam ay nagulat kung nagkataong makapatay sya ay malamang na mapaparusahan sya hindi nya intensyon patayin ang kanyang kalaban ang gusto nya lang ay takutin to.
hindi nya alam kung bakit sinalo ni zenon ng buo ang kanyang atake nakung tutuusin ay kayang kaya naman tong ilagan..
"sh*t lagot ako! hind ko akalain sagad sa pagkatanga ang kalaban ko!!' kinakabahang bulong ni beam sa kanyang sarili.
ng tumama ky zenon ang atake ni beam nagkaroon ng usok sa kanyang paligid kaya hindi nakikita ng mga tao ang nakatayo pa ring zenon.
sa ilang sandali pa sumugod si zenon habang si beam naman ay tulala sa kanyang nagawa halos wala syang idea na ito na rin ang katapusan at pagkatalo sa isang nasa huling yugto ng ikalawang profesion lamang..
baaaaannng!!
isang malakas na suntok na nagpalipad kay beam at nawalan na to agad ng malay!!
ito rin ang kinagulat ng lahat.
"isa nanaman ba tong malakas na sampal saatin?"
cont'.
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Actionmagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...