sa itaas nilang lahat makikita ang isang lalaking nakatayo na puno ng baluti.
ang taong to kinikilala ng lahat na isang kawal sa palasyo ng netopia.
natural lamang namakilala nila ito dahil sa kasuotan nitong baluti na tanging mga kawal lamang sa palasyo ang maaaring magsuot isa pa ang nakatatak sa baluti ang mismo simbulo ng kahariang netopia.
pinag masdan nito ang mga tao at mga kakaibang nilalang sa ibaba nagulat rin sya sa itsura ng mga halimaw.
nakikita nyang ang mga halimaw ay mga patay na dahil ang aurang dumadaloy sa mga ito ay isang death energy.
ang hindi nya lang malaman kung papaanong muling bumangon ito at nabuhay kahit ang mga ito ay wala naman talagang mga buhay.
ang mga mandirigma sa alyansa ng brave city ay gusto sanang huminto para magbigay galang ngunit hindi nila ito magawa dahil ang mga ghoul sa kanilang harapan ay walang sawang umaatake sa kanila.
kahit pa ang kawal na lumilipad ay naglabas na rin ng aura ng isang ganap na ikalimang profesion ay hindi man lamang natinag sa pag atake ang mga ghoul.
ito naman dapat talaga asahan sa mga patay na muling binuhay wala ng mga nararamdaman itong panganib sa kanilang paligid ang alam lang nila ay kailangan nilang umatake.
napakunot naman ang noo ng kawal hindi nya inaasahang hindi sya papansinin ng mga halimaw kahit pa naglabas na sya ng katakot takot na aura.
"hmmp kung ganun wala akong magagawa kundi ubusin kayo" dali daling bumaba ang kawal para atakihin ang mga ghoul
ang pag lipad ng kawal ay
hindi dahil sa nakakalipad sya kilala ang air boots na madalas ginagamit ng mga kawal ng palasyo para mag patrolyo sa buong kaharian madalas din kapag magpapadala sila ng balita ay ito ang kanilang gamit upang mas mapatipid ang kanilang oras.ang alyansa ay natuwa ng makita nilang tutulungan sila ng kawal ng palasyo laban sa mga halimaw na nasa kanilang harapan
nakita ni seresa kung ano ang ng yayari kung tutulungan nga ng bagong dating ang kalaban ng kanyang panginoon malamang nga na walang laban ang mga ito dahil na higit ang lakas nito kumpara sa kanila.
hindi nya kinatuwa ang pangingialam ng bagong dating hindi nya rin naman inaasahan na may darating na mandirigmang hihigit ang lakas sa hawak nyang mga ghoul.
"kung pakikialaman ng taong yan ang trabaho ko wala akong magagawa kung tapusin sya" isa sa pinakamalaking puno kung saan sya nakaupo kitang kita nyang palusob ang kawal sa kanyang mga ghoul at talaga nga namang hindi sya natutuwa rito kunot noo nyang pinapanuod habang madilim naman ang kanyang mukha sa paparating na mandirigma sa kanyang mga ghoul.
at dumating na nga ang kawal kung asaan ang mga ghoul gaya sa inaasahan inatake nga nya ang mga ghoul na na malapit sa kanya.
sa isang kumpas lamang ng hawak nyang ispada ay lima agad ang napatay nyang ghoul.
labis na natuwa ang alyansa sa pagdating ng hindi inaasahang bisita dahil pag naubus ang ghoul maaari silang makabawi.
lumakas naman ang loob ng natitirang mandirigma nabigyan sila ng kumpyansang manalo sa labanan ito dahil sa nakikita nilang lakas ng kawal.
"lahat ng pang anim hanggang ika dalawangpung hanay lusob!!" sigaw ni renz shin na masayang masaya sa pang yayari nung akala nyang mababaliktad nya na ang pangyayari kanina gamit ang lacer canon ganun lang din kabilis baliktarin ng kalaban ang kaganapan.
sa hindi namang inaasahang sandali bigla na lamang lumitaw ang hindi inaasahang bisita at ang bisitang ito ay isang kawal ng kaharian!! kumpara sa kanila ang lakas ng isang kawal sa kaharian ay talaga nga namang nahihigitan ang kanila.
bago pa may hindi inaasahang pagkakataon ulit pinalusob nya na ang natitirang isang daan at limangpung libong mandirigma kasama ang natitirang dalawangpung libong mandirigma na nasa kalagitnaan ng pakikipag laban sa mga halimaw.
"hmmp kung inaakala nyong yan lang ang meron ako, dyan kayo nagkakamali" biglang nagpalabas ng malakas na aura si seresa para gisingin pa ang mga natiturang ghoul nasa isang libo palamang ang kanyang pinapakawalan.
may natitira pang apat na libong ghoul na hindi pa nagigising sa ikailaliman ng lupa kasama ang natitira pang limang daang ghoul na kasalukuyang lumalaban.
masasabing ang lakas ng alyansa ngayun ay talaga nga namang napakalakas dahil pati ang mga nasa ikatlong profesion ay nasa gitna na rin ng digmaan.
ang mga elder ng bawat normal na angkan at iilang pinuno ay nagsi lusob na rin pero hindi ang mga angkang nairaranggo sa silver badge ang kanilang kaligtasan ay talagang kailangan nilang unahin.
ang lakas ng elder at mga pinuno ng mga silver badge family ay nasa huli ng yugto ng ikatlong profesion at ang ilan panga ay nakapagtagumpay na sa ikaapat na profesion.
sa gitna ng labanan at pagtutulungan ng alyansa kasama ang hindi inaasahang bisita upang pabagsakin ang natitira pang mga ghoul ay bigla na lamang naglitawan pa ang sumunod na apat na libong ghoul!!!
boom!!
ang mga nakasaksi ay bigla nalamang nahingkatakutan dahil sa sobrang daming kakaibang nilalang na nakatanim sa kanilang syudad!!
maski ang lynxin ay hindi na rin mapigilan kabahan dahil sa ang lakas ng bawat ghoul ay talaga nga namang masasabing kayang pumatay ng nasa ika limang lvl na nasa ikatlong profesion ang pinaka mahina nito.
"a-anong ng yayari ba talaga sa bayan na to?" pagtatakang tanong ng kawal sa kanyang tantya halos aabutin sa isang daan ang ghoul na nasa huling yugto ng ikatlong profesion kung pagtutulungan sya ng kahit nasa dalawangpu lamang ay talagang mapupuruhan sya dahil ang bawat isa nito ay naka noble set.
bigla na lang pumait ang mukha ni renz shin dahil sa naglabasan na ibang ghoul.
"hindi ito maganda wala naba itong katapusan?" sa totoo lamang ay limang libo palamang ang lumalabas kumpara sa kanila na humigit apatnaraang libo pero sa isip isip nya ang mga ghoul at walang katapusan!!
cont.
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Açãomagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...