30 digmaan

1.6K 197 8
                                    

sa buong west province hindi kinikilala ang city of brave bilang pinaka malakas na syudad nabibilang lamang ito sa mga 3rd rated na syudad sa buong west province.

ang pinaka kalamangan lamang nila sa iba pang 3rd rated masasabing sila naman ang pinaka malakas dahil nasa kanila ang willstone academy na laging napapasamang kalahok sa mga ginaganap sa buong west province pag dating sa palakasan.

sa ngayon halos lahat ng bayang malapit sa city of brave ay alam ang mangyayaring digmaan.

wala silang interes na makisali rito dahil wala rin naman silang mapapala sa sobrang dami na ring kalahok at isa pa isa lang din naman ang kanilang kalaban hindi sila mag bebenepisyo rito dahil hindi rin naman sila taga brave city.

yun nga lang hindi nila alam kung mababaliktad ang sitwasyon ay magkakaroon sila ng napakalaking benepisyo dahil sa sobrang daming taong mawawala sa buong city of brave.

ang city lord naman ng brave city na madalang lang lumabas at halos hindi rin nakikilala ng lahat ay wala rin magawa dahil kung sakaling makialam sya ay halos buong bayan rin ang kanyang makakalaban at ilang nairaranggong silver badge.

sa tarangkahan naman ng lynxin ang mga kawal ay alam ng ito na rin ang huli nilang sandali kabado man at buwis buhay nilang ibibigay ang lahat hindi na iba sa kanila ang lynxin nararapat lamang pag alayan nila ng buhay ang pamilyang to! ang pamilyang natatanging kumupkup at nag aruga sa kanila at pag bibigay sa kanila ng tamang benepisyo sa kanilang tungkulin talagang masasabing napakabuti sa kanila ng lynxin.

nagmamartsa na ang mga mandirigmang pinadala ng alyansang nabuo laban sa lynxin, patungo ito kung saan ang lupain ng lynxin ay nababalot din ng ibat ibang mandirigma ang ilan panga rito ay wala pang alam sa pakikidigma katulad na lang ng angkan ng meyer.

ang mga ghoul sa ikalaliman ng lupa ay nag aabang ng hudyat sa tinuturing nilang kumandante na si seresa kahit nasa bilang limang libo lamang ang mga ghoul na ito ang bawat isa naman sa kanila ay kayang tapatan ang nasa ikatlong profesion ang pinaka malakas pa nga sa kanila ay kayang puruhan ang mga nasa huling yugto ng ikatlong profesion.

at ang mga pinaka malaking kalamangan naman nila ay ang kanilang armas ang bawat isa sa kanila ay mayroong noble weapon isang noble devil claw na pinagkaloob kay zenon ng walong celestial beast.

kaya ano naman ang apatnaraang libo kung ang pinaka malakas naman nilang kumandante ay nasa ikatlong profesion palamang at napakaraming ikalawang profesion lamang ang mga ito.

ang natatanging pinaka malakas lamang sa grupo ng kanilang mga makakalaban ay ang mga silver badge elder at mga pinuno nito dahil halos lahat ng elder ay nakatapak na sa huling yugto ng ikatlong profesion at ang iilan ay nakapag tagumpay na sa ikaapat na profesion.

sa pinaka mataas naman na gusali kung asaan ang pinuno ng lynxin clan ay tinitignan ang tanawin palabas at malalim na nag iisip.

nasa isip nyang ito na siguro ang huling sandali ng kanyang angkan katulad ni alexa masyado rin mapagmataas ang kanyang ama pero masasabi ng mamamayan ng lynxin clan ang pagiging mabuting pinuno nito sa kanila.

"ito na siguro ang huling hininga natin lahat"mapait syang nakangiti habang nakikita nya ang libo libong mga taong papalapit sa kanilang tarangkahan.

"sana ay magkaroon ng milagro hindi tayo naging masama para ganituhin tayo ng lahat" isang elder ang nakayuko at maluha luhang nag iisip.

"patawad pinunong alexis kung hindi dahil sa amin ay hindi magiging ganito ang lahat" nakayukong senserong pag hingi ng tawad ni balgo ang tinuturing pinuno noon ng angkan ng miller kasa kasama nya ang kanyang ilang mga elder at ang ina ni zenon na si zenya.

"wala kang dapat ihingi ng tawad mas mabuti na rin ito kahit pa magiging katapusan nanating lahat ay alam naman natin kung sino ang mga taong maaasahan at magiging kalaban sa kasamaang palad walang taong gustong tumulong saatin, kung magkakaroon lamang ng isang milagrong magliligtas saatin" napabuntong hininga na lang si alexis ang ama ni alexa.

hindi takot mamatay ang lynxin clan ang bawat isa sa kanila ay ipinatatak na sa kanilang ninuno ang pagkakaroon ng dignidad at prensipyo sa sarili pero hindi parin maiiwasan na sila ay kabahan dahil sa kanilang kanya kanyang pamilya.
ang ilang sa kanilang pamilya naman ay maaga ng pinalikas.

"mabuti na lamang ay wala si alexa mabuti na rin ito, magiging mapayapa ka rin zenya dahil ang ating mga anak ay wala dito" napangiti na lang sambit ni alexis.

"opo pinunong alexis panatag ako, alam kong hindi rin pababayaan ng akademya ang aking anak sa pinakita nyang talento malamang ay hindi sya bibitawan ng mga to" masayat napangiti na lang din si zenya kahit sa huling pagkakataon ang kanyang anak pa rin ang kanyang iniisip.

halos nasa isang daang metro naman sa labas ng tarangkahan ng lynxin ang daan daang libong mandirigma huminto sila sa pagsulong at inaantay na lang ang susunod na hudyat na pag lusob.

nakahanda rin ang mga pang malayuang atake ng lynxin kung sakaling lumagpas ang kanilang kalaban sa mga sukat na kanilag tinalaga para umatake.

"ito na ang katapusan ng lynxin!! at ito na rin para sa miller kailangan ko lamang malaman kung nauugnay ba sa kanila kung bakit hindi tayo makapasok sa dati nilang lupain!" bigkas ng headmaster ng cruz clan sa kanyang elder.

ilang sandali pa dumating na rin ang tumatayong pinuno ng grupo walang iba kundi si renz shin ang ama ni ren shin at renato shin, natural lamang ito dahil sya lang naman ang pinaka maimpluwensya sa buong brave city na kahit ang city lord ay dapat mag bigay galang sa kanya.

"hahahahaha masyado tayong marami para puksain isa itong tunay na pang aapi!! isang elepanteng tatapak sa isang langgam!! hahahaha" tawa ng malakas ng kararating lang na si renz shin.

"simulan nanatin ito!! para naman hindi nila masabing masyado tayong marahas kung sabay sabay tayong lulusob, mauna muna ang nasa 1st squad!! sapat na siguro kayo para tapusin ang ating mga kalaban!! nasa bilang dalawangpung libo laban sa kanila nasa halos isang libot limang daan lamang!!"

mabilis na humilera naman ang mga mandirigmang nasa 1st squad naghahanda na para umatake.

"1st squad madalit sumulong tapusin ang laban!!!"

cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon