44 kuro leyman

1.6K 194 10
                                    


sa tarangkahan ng lynxin clan mapapansin ang ibat ibang may matataas ng propesyon mapapansin rin ang naiiba nilang suot na baluti.

nagkalat ang mga kawal ng golden lion mansion at ang pinaka kapansin pansin sa lahat ay ang sampung madogear ng mga mechanics.

sa loob naman ng isang silid sa lynxin clan nakaupo ang kanilang pinunong si alexis kaharap ang isang bisitang hindi maaaring baliwalain, ang presensya ni kuro leyman ay nagpayuko sa libo libong taga sunod ng lynxin clan.

nabalitaan rin ito ng ilang angkan na hindi nakisali sa digmaan, dahil sa pagdating ng isang diamond badge family siguradong sigurado na silang ligtas na ang kanilang bayan ang ilang pinuno pa nga ay dali daling bumalik sa pinangyarihan ng digmaan.

gusto nilang makita ang isang pamilyang hindi nila basta basta maaabot.

mangilan ngilan na rin ang nanunuod sa malayuan at kitang kita nila ang napakaraming kawal ng golden lion mansion sa tarangkahan ng lynxin

walang magawa ang iba kundi mainggit na lang sa tinatamasang biyaya ngayun ng lynxin clan.

"walang pagkawasak ang naganap sa lynxin at ngayun pa ay bisita nila ang isang diamond badge!! napalaking biyaya nito"

"siguradong aangat ng malaki ang lynxin clan ni hindi man lamang sila nabawasan kung alam ko lang na magiging ganito ay sana sumapi ako sa binubuong alyansa ni pinunong alexis laban sa mga gustong bumura sa kanila" laking pang hihinayang naman ng iilan sa tagumpay na tatamasin ng lynxin.

"hayaan muna wala naman mag aakalang magiging ganito ang lahat siguro kung alam lang natin ay baka binigay pa natin ang buong suporta sa lynxin magkaganun man isa pa rin tayo sa mga taong hindi nagpasilaw sa benepisyong tinutukoy ng alyansa kung nagkataon isa rin tayo sa mga angkan na nawasak"

"tama ka kung nung una to ng yari at kailangan mamili sa dalawa malamang ay mas sumama tayo sa alyansa kesa na sa angkan ng lynxin dahil nung una ay alam natin na sigurado na ang tagumpay nila sino ba naman mag aakalang my lalabas na mga kakaibang halimaw at mauubus ang alyansang nabuo"

ilan lang yan sa mga usap usapan ng iilang pinuno na hindi nakilahok sa digmaang naganap kahit may pag sisisi sila dahil hindi nila kinampihan ang lynxin laking pasasalamat pa rin nila mula umpisa dahil hindi sila nagpasilaw sa alok ng nabuong alyansa laban sa angkan ng lynxin.

"hindi na ako magpapaligoy ligoy pa gusto ko lamang malaman kung ano ang ng yayari ss bayang ito?" paumpisang tanong ni kuro leyman

"chief kuro ang ilan sa mga kababayan namin ay nagkaroon ng alyansa para pabagsakin ang aking angkan sa nakikita nyong maraming bangkay sa labas merong hindi inaasahang ng yari" sagot ni pinunong alexis, hindi nya tinitignan si kuro sa mata bagkus sa mga paa nito tanda ng pag galang at pagpapakumbaba, pagkilala sa kapangyarihan at lakas nito.

"ano ang hindi inaasahang pangyayari?" kahit alam na ni kuro leyman ang pangyayaring paglitaw ng mga halimaw gusto pa rin nyang malaman sa iba kung totoo nga ba ito dahil pag dating nila sa pinangyarihang digmaan wala man lamang silang nakitang bakas ng kahit isang bangkay.

"may lumitaw na mga halimaw humigit limang libong halimaw ang lumabas sa ilalim ng lupa kung paano to ng yari ay hindi namin alam at ang isa pa ang paglitaw ng isang misteryosong nilalang isang babaeng kawangis ng isang elf chief kuro ang aking lynxin clan ay walang kinalaman sa paglitaw ng mga halimaw sana inyong maunawaan na kahit kami ay hindi inaasahan ang mga ganitong pangyayari"

"hmmm nauunawaan ko wag kang mag alala hindi madadamay ang iyong pamilya naniniwala akong sa maliit na bayang ito walang sino man ang may kakayahang kumontrol ng mga halimaw" iisa lang ang nasa isip ni kuro leyman na maaaring may kinalaman dito ang isa sa mga diamond badge family dahil ito lamang ang may kakayang kumontrol ng pagkarami raming halimaw.

biglang naalala naman ni kuro leyman ang isa sa mga isnabi ni alexis tungkol sa isang kawangis ng elf " dibat sinabi mo may isang nilalang na kawangis na isang elf? paano mo nasabing kawangis lang ito at hindi isang totoong elf?" sa totoo lamang naging interesado dito si kuro leyman kahit sino sa pamilyang nakaabot sa isang diamond badge ang mga bagay na bago sa kanila ay inaasam asam nila ang kasakiman ay hindi nawawala dahil sa taas ng tingin nila sa kanilang sarili ang mga bagay na gusto nilang makuha ay pipilitin nilang makuha nakalimutan na nilang may mga taong mas matataas at mas malalakas pa sa kanila.

kung may kinakatakutan man ang isang diamond badge wala ng iba kundi ang pamilya ng hari dahil para sa kanila yun lamang pamilya ang makakapigil sa kanila.

"tama isang kawangis ng elf dahil ang pagkakaalam ko ayun sa mala alamat na nabasa ko sa isang libro chief kuro ang isang elf ay maputi at bakas ang aura nito sa pagiging maliwanag mararamdaman mo rin ang pagiging positibo ang nilalabas na aura ng isang elf
samantalang ang nakita naming kawangis na isang elf ay merong aurang itim ang mga halaman sa tabi nito ay nagsisi-matay, nakita rin namin ang pagkuha sa death energy ng mga bangkay na pumanaw na."

kung maririnig lamang ni zenon ang usapan ng dalawa ay siguradong maiinis sya sa ama ni alexa dahil ang bagay na ginawa ni seresa ay para iligtas ang dalawang angkan ang lynxin lalong lalo na ang miller.

hindi maaaring ipagkalat ang katauhan ni seresa dahil magiging malaking gulo sa kanilang kaharian yon pero eto nga ngayun at kinukwento ni alexis ang mga pang yayaring naganap.

magkaganun man wala pa rin naman magagawa si zenon kundi ang mainis lang dahil kahit anong mangyari ang angkan pa rin ng lynxin ay naging mabuti sa kanila kaya ang utang na loob nya sa mga ito ay sobra sobra.

kung ikukumpara sa hari mas luluhuran nya pa ang angkan ng lynxin kesa sa kaharian.

dahil walang sino mang
tao ang kayang magpaluhod kay zenon bukod sa kanyang ina ang pinuno ng miller at ang pinagkakautangan nya ng loob dahil sa natamo nyang kapangyarihan, ang ermetanyong matanda, tanging ang angkan palamang ng lynxin ang maaari nyang luhuran.

cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon