6 kasagutan

1.8K 203 7
                                    


nakaluhod pa rin ang walong mala alamat na beast hindi pa tumatayo o bumabalik sa dati nilang postura nag hihintay ng hudyat sa taong nasa kanilang harapan.

kailangan nila magbigay galang dahil ayon sa kanilang master itong batang nasa kanilang harapan ay ang nag iisang tagapagmana ng panginoon pinaglilingkuran ng kanilang master

kaya nararapat lamang na magbigay galang sila sa taong nasa harap nila dahil ang kinabukasan ng batang nasa harap nila ay malamang malayo ang mararating sa pagdating ng panahon, ang magiging lakas nito ay maging maski sila ay hindi maaabot.

"gusto kong malaman ang sagot tama ba ang aking sinabi na kayo ang walong mala alamat na halimaw na naninirahan dito? at kung maaari wag na kayong lumuhod saaking harapan dahil hindi naman ako ang diyos nyo" medyo naiilang na saad ni zenon , pero medyo naiintindihan nya pa rin kung bakit sya niluhuran ng walong mala alamat yun ay dahil sa kanilang master ang matandang ermetanyo.

ayon sa kanyang pagkakatanda sya ang tagapag mana ng kapangyarihan ng kinikilala netong diyos.

nagtinginan ang walo na para bang naguusap ang kanilang mga mata at sabay sabay nagtanguan sabay sabay na rin itong nag sitayo mula sa kanilang pagkagkakaluhod.

"pangi" pinutol agad ni zenon ang sasabihin ni freyo "maaari bang huwag muna akong tawaging panginoon? sa taglay kong lakas hindi ako nararapat tawaging panginoon hinahayaan ko lang si seresa dahil nagmula sya saaking kapangyarihan pero kayo?" sabay tinignan isa isa ni zenon ang walo at hindi na nagsalita.

"kung ganon ginoong zenon"sabay buntong hiningang malalim." ,tama ang iyong hinala kami nga ang tinatawag na mala alamat na walong halimaw sainyong kaharian pero ang tunay naming pagkaka kilanlan ay 8 celestial beast ang bantay ng dimensional forest na to at ang aming lahi nabibilang na lang sa mundong to."

napatango tango naman si zenon sa mga kaganapan na ng yari isa isa nyang naiisip ang mga bagay na yun at gustong gusto nyang malaman.

"kanina ang lalaking nag ngangalang dalton kasama ang nasa libo libong parang mga kawal saan sila nagmula?" may kuryosidad na tanong ni zenon.

"ginoong zenon si dalton ay mula sa kaharian ng persia maaaring hindi mo pa narinig to dahil ayon sa aming master na ang iyong pinag mulan ay galing sa maliit na bayan ng isang kaharian malawak at malaki ang mundo ang iyong pinagmulan ay wala pa sa kalingkingan ng kaharian ng persia" saad ni freyo.

nagulat naman si zenon sa sagot ni freyo sa totoo lamang hindi pa nya alam kung gaano nga ba kalakas ang kanilang kaharian o ang mismong kanilang hari.

kung sinasabing wala pa sa kalingkingan ang kanilang kaharian ang ibig sabihin lang nun ay masyadong malayo ang agwat na kailangan nya abutin para matapatan si dalton.

simula ng maging panatag ang kanyang kalooban isinaisip nya na ang mukha ni dalton at itinatak nya sa kanyang isipan na balang araw ay makakapag higanti rin sya dito.

dahil sa ginawang presyon na halos ikamatay nya na at ang pagputol ng braso ng kanyang alagad na si seresa pati na rin ang pag ubus sa kanyang mga ghoul hinding hindi nya kakalimutan ang bagay na to sa ngayon kailangan nya munang magpalakas.

"meron papalang isa sinasabi nyong ang kagubatang ito ay tinatawag ng dimensional forest ano ang ibig sabihin nun?" napapaisip si zenon kung may pagkakahalintulad ba ang dimensional forest sa kanyang dimensional earring.

"ang kagubatang ito na tinatawag nyong forest of life ginoong zenon ang tawag naman dito ng ibang kahariang sumusubok at paulit ulit na pinapasok ito ay dimensional forest pero ang katotohanan ang kagubatang ito ay tinatawag na teleportation array." pagkakasabi ni freyo sa totoo lamang ang bagay na kanyang sasabihin pa ay hindi lubus maiintindihan ni zenon dahil sa ikli ng impormasyon ng kanilang kaharian lalong lalo na ang mga taong maliliit na ang mundong kanilang ginagalawan ay napaka lawak.

"ginoong zenon ang teleportation array ay isang lagusan papunta sa iba pang lagusan ginagamit to madalas ng ibang nilalang para mas mapadali ang kanilang paglalakbay."

"sa nakikita mong itsura ng kagubatang ito ay ganun makikita sa kagubatan ng ibang kaharian" huling saad ni freyo.

"kung ganon maaari kaming mapasok pala ng ibang kaharian kung gugustuhin nila?" may pangambang sabi ni zenon

"hindi ginoong zenon dahil saaming walo at sa mga alaga naming halimaw hindi sila makakalusot bukod sa una nilang pinasukan kami ang nagsisilbing seal ng kagubatang to magagawa lang nila ang gusto nila kung mawawala kaming walo sa gubat na to." dagdag pa ni freyo.

nasagot na halos lahat ng tanong ni zenon pero bigla nyang naalala ang mga ghoul na kanyang napaslang maaaring ang mga ghoul na pinaslang nya noon ay mga bantay rin ng gubat na to napangiwi na lang si zenon.

"isang tanong na lang my gusto lamang ako malaman ang mga napatay ko noong halimaw ba dito ay inyo ring mga alagad? hindi rin sila makakapasok sa ibang lugar katulad ng ibang nilalang na ng hihimasok dito?"

"ginoong zenon walang problema kahit pumatay ka ng paulit ulit ng mga halimaw sa kagubatang to ang mga halimaw na andidito ay likha lamang ni tres at ni zinco."

"pero hindi rin maaaring lumabas ang mga halimaw na to sa kagubatang to ayon na rin sa pag uutos ni tres at zinco. kung sila naman ay namatay at maging ghoul ay hindi nanamin hawak ang panibago nilang buhay"

napabuntong hininga naman si zenon sa huli gusto nya na lang hilingin sa mga to ang pagpaslang ulit at gawing ghoul ang iba pang halimaw para maging proteksyon ng kanyang angkan pag andyan na ang kagipitan.

napabuntong hininga naman si zenon sa huli gusto nya na lang hilingin sa mga to ang pagpaslang ulit at gawing ghoul ang iba pang halimaw para maging proteksyon ng kanyang angkan pag andyan na ang kagipitan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(photo of seresa)
(thanks to google)

cont.




Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon