32 digmaan(3)

1.6K 220 14
                                    

halos nasa limangpung libo na ang halos nawala sa hanay ng alyansa kasama na dito ang naunang dalawangpung libong mandirigma na naunang namatay sa kamay ng sampung halimaw lamang.

maraming nakapansin sa armas na hinahanda sa hanay ng napakalaking alyansa laban sa lynxin.

"jusko po isang lacer cannon??"

"balak ba nilang patayin rin pati ang kanilang mga kasamahan?"

"ang mga ganid talaga ay walang sinisino nararapat lamang na hindi tayo sumama sa alyansang yan! kahit pa walang magiging benepisyo ito saatin!"

patuloy ang bulungan ng ilang malalakas ang loob na manuod sa ng yayaring digmaan, hindi sila sumali sa malaking alyansa kahit pa magkakaroon sila ng ilang benepisyo rito dahil sa wala rin naman silang galit sa lynxin clan ang ilan pa rito ay mga dati ring natulungan ng lynxin pero hindi sumama sa kahit anong panig hindi sila sumama sa lynxin dahil sa takot sa napakalaking alyansang naganap laban sa lynxin at hindi rin sila sumama sa ginawang alyansa dahil kahit papaano ay tumatanaw pa naman sila ng utang na loob sa lynxin.

pero iba to sa mga ganid kahit pa nagawan mo sila ng pabor pag nakakita ang mga ito ng isang magandang pagkakataon para mas maiangat ang kanilang sarili kahit pa may utang na loob sila sa isang tao itoy kanila pa ring wawasakin.

ang mga uhaw sa kapangyarihan ay walang sinisino kahit pa mga sarili nitong mga tao ay kayang ialay ng mga to, ganun kasama ang pagiging ganid.

sa itaas ng malaking puno kung asaan naman si seresa ay nanunuod lamang sa ng yayaring digmaan wala syang panahong mangialam dahil kung mangingialam sya ayun sa kanyang panginoon ay baka mabulabog nito ang buong netopia ang pagkalat ng balitang mayroong nilalang na katulad nya ay baka merong hindi magandang maidulot isa pa ayun sa kanyang panginoon hindi panito alam kung gaano nga ba kalakas ang pinaka malakas na powerhouse sa buong netopia.

pag nagkataong hindi naging pabor sa kanila ang pag kakataon ay malamang na si zenon mismo ang mag dudusa.

napansin nya ang paglalabas ng lacer canon ng kabilang panig, napangisi na lang sya at sabay na pinaramdam sa mga ghoul ang kanyang aura. ang aurang nilalabas ni seresa ay iba sa mga tao kaya wala halos makakapansin nito.

ang aura ring nilalabas nya ay upang gisingin ang mga ghoul na nakabaon sa lupa oras na lumabas ang mga to magsisimula na agad ang pag atake ang pagiging walang isip ay parang pagiging isang baliw.

"hahahaha tignan ko na lang kung kayanin nyo to!! ang lacer cannon na to ay matagal ng pag mamay ari ng aming angkan!! sa ganitong dahilan kaya napili kong magkaroon kami nito!" masayang masaya si renz shin dahil masusubukan nya na ang lacer cannon na matagal na nyang itinatago balak nya tong gamitin kung may angkang kakalaban sa kanila.

pero hindi nya inaasahang kailangan pa talaga nyang gamitin ito dahil sa mga hindi nyaring inaasahang bisita.

"ayus naba ang lahat!! handa na para magpaputok!!"

"handa na ang lahat!! hudyat muna lang pinunong renz!" sigaw ng isang mandirigma na isa sa nag aayos sa paghahanda para sa lacer cannon.

"kung ganon tira!!" malakas na sigaw ni renz shin hindi nawala sa kanyang mga labi ang ngiti kahit pa malaking halaga mawawala sa kanya sa isang bala lamang nito ay ayus lang bastat masubukan nya ang armas na matagal nya ng pinaka-tatago

marami ring nananabik kung gaano nga ba kalakas ang lacer cannon sa panig ng alyansa sila ay tuwang tuwa

pero sa panig ng mga mandirigmang nilalabanan pa rin ang isang libong ghoul ay namuo lalo kanilang takot dahil bukod sa mga ghoul na kanilang kaharap ay balak rin silang idamay sa gagawing atake ng kanilang alyansa

"t*ngna!! isang lacer cannon!! talagang papatayin nila tayo!!"

patuloy ang namuong takot sa kanilang mga puso kaya ang pagpatay sa kanila ay nagiging mas madali ang iba pa ay nagsitakbuhan na papalayo para hindi madamay sa lacer cannon.

yun nga lang ay hindi sila hinahayaan ng mga ghoul na kanilang kaharap.

bago pa pumutok ang lacer cannon merong isang pangyayaring naganap na hindi nanaman nila iaasahan!!

ang paglitaw ng ilang ghoul sa mismong harap ng lacer cannon!!

"ano ito!! hindi ito maganda!!!" ang kaninang masayang renz shin ay bigla nanaman nanumbalik ang takot sa kanyang puso.

ang lacer cannon ay nakahanda na sa pagtira ng biglang may lumabas na isang ghoul!!

ang isang ghoul na yun ay inatake ang mga mandirigmang malapit sa kanya at hindi nya sinasadyang masagi ang lacer cannon kayat nagiba ito ng direksyon

at ang pinaka masamang direksyon ay sa mismong lupa nakatutok!!

pagnagkataon na pumutok ito ay napakalaking bilang ang mawawala sa kanila dala ng napaka lakas na shockwave na dala nito.

boom!!!!

natulala ang lahat sa kanilang nasaksihan pati ang angkan ng lynxin ay tulala rin.

ang alam nila ay sila ang kalaban pero ni isang tao sa kanila ay wala pang namamatay pero sa kanilang kalaban ay daang libo na agad ang nawala sa maikli lang na oras!

nakabuo ng napakalaking shockwave ang lacer cannon sa pagtira nito sa lupa kasabay na rin ng pagkasira nito.

napakaraming tao ang nadamay halos lahat ng malalapit rito ay nagsi matay maitatayang halos umabot rin ng isang daang libong tao ang namatay at limangpunglibo ang sugatan.

ang mga pinuno sa alyansa ay bigla na lamang natulala.

sa pagkawala ng kanilang napakaraming tauhan ay malamang na wala na talagang benepisyong makukuha sa digmaan nito bagkus sila ay may lugi pa.

kung yung unang isang daang libong mandirigma ay ayus lamang pero halos kalahati na ang nawala sa kanila at ang limangpunglibong katao ay sugatan pa!!

"bakit nagka ganito?? hindi dapat ganito?? anong ng yari??"tanong ni renz shin sa kanyang sarili malapit na syang mawala talaga sa kanyang sarili napakarami nila para sa iisang angkan lamang pero sa hindi inaasahang pangyayari at halos naubus sila,sobrang laki ang nawala sa kanila

sa lynxin clan naman ay mabilis rin silang nakabawi at nagdiwang sa pangyayaring hindi rin nila inaasahang magliligtas sa kanila.

ilang pana lamang ang kanilang nagamit at wala namang nabawas sa kanila.

"isa tong tunay na hulog ng langit!! hahahaha isang milagro!! totoo ngang may milagro!!" masayang masayang pagkakabigkas ni alexis lynxin dahil sa karumaldumal na ng yaring kamalasan sa kanilang mga kalaban..

sa hindi inaasahang pangyayari ng biglang

boooom!!!!

"ano yan??"

"isang kawal ng hari!!"

cont.

last chapt for today gusto ko lang bumawi kahit papano di na ko mangangako ng madami chapt a day di ko pala kaya basta kung ano na lang kaya ko po salamat sa vote.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon