8 paglalakbay

1.8K 212 9
                                    


nakarating na si zenon meyer at alexa sa academya masyado silang napaaga kaya sila palamang ang unang class S na nakarating.

sa malaking espasyo ng academya ay nakahanda na ang mga masasakyan ng mga class S at ilang makakasamang gabay, kasama na rin dito ang headmaster hindi makakasama ang vice head dahil hindi pwede maiwanan ang academya ng walang namamahala isa pa magsisibalikan na ang mga mag aaral neto.

ang kanilang masasakyan ay isang klase ng karawahe pero hindi basta basta ang mga kabayo kanilang magiging taga hatid.

isang uri ng war horse ang mga ito hindi ito kagaya sa kanilang bayan na ginagamit sa pakikipag kalakalan.

halos nasa halagang sampung libong pilak ang ordinaryong kabayo ang mga ordinaryong angkan ay halos meron lamang tatlo hanggang lima neto at maituturing ng kayamanan nila ang kanilang mga kabayo.

samantalang ang war horse naman ay kahit mismong mga pamilyang mas nakaka angat katulad ng isang silver badge ay hindi basta basta nagkakaroon neto dahil nag kakahalaga ito halos sa isang milliong pilak o halos sampung libong ginto.

ang ganitong presyo ay hindi basta basta inilalabas ng angkang mas nakakaangat dahil ang war horse ay hindi naman nila kinakailangan.

hindi ito kagaya sa akademya kailangan na kailangan ng akademya na magkaroon ng war horse dahil ito ang nagsisilbi nilang transportasyon papuntang ibang bayan ang bilis nito ay sampung beses na mas mabilis kesa na sa ordinaryong kabayo lamang.

samantala may pagkahangang nakatingin ang tatlo sa labing tatlong war horse na nasa kanilang harapan.
"ang yaman ng akademya labing tatlong war horse" nakangangang sabi ni meyer na hindi pa rin mawala ang pagkamangha sa kanyang mga mata.

mabilis naman binawi ni zenon ang kanyang pagka mangha bigla nya kasing naalala kung ano ang bagay na meron sya "may nakakamangha paba dito sa kahariang to higit pa sa meron ako" bulong nya sakanyang sarili napatingin naman sa kanya si alexa.

"ano naman binubulung bulung mo dyan? hmmp tignan mo ang antas ng lakas mo nakakatiyak ako na ikaw palamang saating mga class S ang hindi pa nakakatapak sa ikatlong profesion isang katangahan ang ginawa mong pag bibigay saamin ng iyong pabuya" saad neto medyo sanay na rin si zenon sa talas ng bunganga ni alexa dahil sa loob ng dalawang linggo walang araw na hindi nya ito nakikita at walang araw ring hindi sya nabungangaan nito.

"wala binibining alexa namamangha lamang ako sa mga war horse na nasaating harapan pinapangarap ko na magkaroon kahit isa lang nyan" pagsisinungaling ni zenon

ilang sandali pa nagsi datingan na rin ang ilan pang class S kapansin pansing lahat sila ay nakatapak na sa ikatlong profesion tanging sya lamang ang isa pa ring lvl 10 monk.

ang tanging tao na lang na wala ay si troy at ang kanilang magiging kapitan o tatayong leader na si ace.

di kalayuan napansin ni renato shin si zenon. napansin nyang tanging si zenon lamang ang cultivator na hindi pa nakakapasok sa ikatlong profesion.

"hahaha sayang ang galing at lakas kung nasa mababang antas palang naman malamang na wala kang maiaambag sa tournament of power mas mainam na mag paiwan kana lang at alagaan ang iyong angkan" tuwang tuwa si renato sa kasalukuyan nyang lakas ay nakakatiyak sya na walang laban si zenon sa kanya ang pagitan ng ikalawa sa ikatlong profesion ay para bang langit at lupa.

"kung susubukan mo pa ring sumama ngayun palang sasabihin ko na sayo ipapahiya mo lamang ang ating academya magdadagsaan ang mga kabataang umabot na sa ikatlong profesion at kung hindi mo nalalaman ang agwat ng ikalawa at ikalong profesion ay parang pagitan ng langit at lupa

napangiti naman si zenon sa inaasta ni renato sabay hinarap si meyer "ang akala siguro ng matandang to ay kaya nya ng abutin ang langit" sabay turo sa kanyang sarili,"habang sya ay nasa lupa pa" sabay tingin nya pabalik kay renato.

nakuha naman ni renato ang ibig sabihin ni zenon magsasalita na sana sya pero dumating na ang dalawang huling tao para sila ay makaalis na.

kinagat na lang nya ang kanyang dila at nag timpi hindi sya pwede magsimula ng away dahil nasa harap na nila ang head master kreto na kilalang masyadong mainitin ang ulo.

isa isa namang tinignan ni zenon ang kanyang mga makakasama.

si ace ay noon na isang lvl 3 champion ay isa ng ganap ng lvl 5 champion masasabing isa ng tunay na talentado kasama ang kanyang rare class.

si renato naman na dating lvl 1 ay umangat lamang ng isang antas.

ang pumangalawa sa pwestong kilala sa pangalang anbu na dating lvl 2 ay umangat lang din ng isang antas kaparehas lang din ng antas ni alexa.

at halos lahat na ay kakapasok palamang sa ikatlong profesion.

maski si troy ay kakapasok lang din alam na ng lahat ang pagiging multi job nya kaya masasabi sigurong sya ang pinaka malakas sa kanilang lahat kung hindi magpapakilala ng lakas si zenon.

dahil nakatapak na ng 2nd job ang isa pang profesion ni troy.

halos sabay sabay naring sumampa ang mga class S sa karawahe.

magkakasama sila troy alexa meyer at zenon sa isang karawahe.

ang bilis ng kanilang sinasakyan ay talaga nga namang nakakamangha dahil halos magkakalahating oras palamang ay papalabas na sila sa kanilan bayan

"ito ang unang beses malalayo ako sa brave city" ang huling salita ni zenon bago sila makalagpas sa kanilang bayan.

cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon