27 tensyon

1.6K 206 15
                                    


isa nanamang malakas na sampal sa mukha dala ng pagkapahiya ang mga taong nag aakalang hindi magiging sapat ang enerhiya ni zenon para punan ang energy ball ay nakatanggap ng masakit na katotohanan.

ang dalawang bantay na kanina ay nangangamba na baka maging sapat nga ang enerhiya ni zenon ay bigla na lang namutla dahil pag babang pagbaba ni reo ay bigla silang naging sigurado sa kanilang pakiramdam na hindi magiging sapat ang enerhiya ni zenon para punan ang energy ball.

ang grupo naman ni reo shaun na gulat na gulat ay nakabawi din at pomosturang parang walang ng yari isa sila sa tinuturing malalakas na angkan kaya masasabing ano mang kaganapan ng yari ay kailangan maging mas mataas pa rin sila.

"hmmp ano naman kung napunan mo ang kinakailangang enerhiya ng energy ball na yan? para saakin isa kapa ring pulube!"
bigkas ni reo na may mapagmataas na tingin kay zenon.

ngunit sa huli hindi sya pinansin ni zenon nagtuloy tuloy lang sya maglakad hanggang sa makalapit na sa pintuan paitaas sa ikaapat na palapag sumunod naman dito ang kanyang mga kasama.

kahit ng kanyang mga kasama ay nagulat din sa kung anong pinakita ni zenon sa totoo lamang kanina lang ay namumula sa hiya si alexa dahil sa kanyang nabanggit hindi kasi nya akalain magagawang punan ni zenon ang energy ball.

"sino naman may sabing makakapasok kayo sa ikaapat na palapag?" bigla naman hinarangan ang grupo ni reo sila zenon.

hindi natuwa si zenon sa ginagawa ng grupong to sa totoo lamang kanina pa sya naiinis ayaw nya lamang patulan ang mga to dahil sa tingin nya magiging isa silang malaking kalaban hindi pa sya handa para sagupain ang pamilyang my ranggong nasa gold badge.

"nakapasa ako napunan ko ang kinakailangang enerhiya kaya maaari akong makapasok sa ikaapat na palapag" sambit na pagtitimpi ni zenon.

"totoong napunan nga ng enerhiya ang energy ball!! pero malay ba naming baka ang energy ball ay sira!!o baka gumamit ka ng pandaraya para makapasok sa ikaapat na palapag!!" mapagmalaking sambit ni reo shaun na parang nakahanap ng magandang katwiran dahil hindi nya matanggap na ang isang ikatlong profesion lamang ang makakapag pahiya sa kanya.

ang dalawang bantay naman ay napangiwi hindi kasi nasisira ang energy ball dahil kapag nasira ang energy ball ay nababasag ito at isa pa hindi rin maaaring dayain ito dahil tanging isang enerhiya lamang ang kayang maramdaman nito kahit pa may hawak na panlabas na tulong o kagamitan lamang.

pero wala silang magagawa kapag kumalat ito malalagot talaga sila ang tanging paraan na lamang ay suportahan ang sinabi ni reo shaun.

"maaari ngang sira itong energyball o gumamit ka ng panlabas na tulong!! isa kalamang ikatlong profesion kaya papaano mo magagawang mapunan ang kinakailangang enerhiya nitong energy ball? sambit ng isang bantay ito na lamang ang paraan para silay makatakas sa ganitong kahihiyan.

"hindi ka naka pasa maaari nanamin kayong bitbitin palabas sa mansion na ito!! at hindi na rin kayo maaaring makabalik ba dahil sa ginawa nyong kumusion!!" sambit pa ng isang bantay dahil kinakabahan na rin sya kung magtatagal pa ito at baka makatunog ang ibang bantay malaman ang ng yari at ito ay iulat sa nakatataas ay talagang masisisante sila.

hindi nila gustong masisante dahil ang pagiging bantay ng ruerto resto-mansion ay napakalaking benepisyo para sa kanila at marami silang nakikilalang ibat ibang malalaking tao na baka isang araw ay mabigyan nila ito ng pabor at gantimpalaan sila.

kagaya ng kila reo shaun kahit na nasa delikado dilang sitwasyon wala silang magagawa kundi suportahan ang kung ano man ang sinasabi ni reo shaun kahit pa alam nilang hindi ito makatotohanan kung sakaling masisante sila baka makakuha sila ng pabor sa grupo ni reo shaun!.

"kung hindi kayo kumbinsido maaari kong ulitin at palitan nyo ang energy ball! pero hindi nyo kami maaaring palabasin dahil kami ay panauhin!! hindi ko akalain ganito ang pag uugali ng mga bantay sa ruerto resto-mansion ang tinitingala ng buong west province kahit pa ang mga kalapit na probinsya natin ay kinikilala rin ito" sambit ni zenon na mas lalong nagpangiwi sa dalawang bantay.

"bata wag kanang makulit isa pa wala ng reserbang energy ball tanging isang energy ball lamang ang meron kada isang palapag!" pagpupumilit ng isang bantay mapalabas lamang si zenon ng akmang hahawakan na nya ito naglabas ng isang card si zenon.

napatigil naman ang bantay na hahablutin sana sya sa kanyang braso para hilahin palabas.

nagulat syang napatingin sa hawak na card ni zenon nakita rin ito ng isa pang bantay at bigla nalang ng laki ang kanilang mata!!

pati ang mga tao sa ikatlong palapag na malapit sa kanila na nakakakilala sa card na ito ay hindi naiwasang magulat.

"isang VVIP CARD!!!"

ang ilang manunuod walang idea sa kung ano ang VVIP CARD tanging mga taong may VIP CARD lamang ang mayroon pagkakataong makilala ang VIP CARD kahit pa sila reo na galing sa mas pinaka angat na angkan ay hindi makilala ito kahit pa may hawak syang VIP CARD sa kadahilanang ang pagpunta lamang nila sa ruerto resto-mansion ay upang magsaya.

"VVIP CARD?? ano yun??"tanong ng isang babae sa kasama nyang lalake.

"ang VVIP CARD na yan ay binibigay lang sa mga pinaka importanteng tao madalas ang may hawak na ganyang ay galing sa mga pinuno na nairaranggo sa gold badge!!"

"totoo yan ang pagkakataon rin magkaroon nyan ay masyadong malimit lamang maaari ka rin magkaroon yan kung ikaw ay isang beses na nag kampion sa torneo na ginaganap sa ating lugar!"

"kung ganun ang VVIP CARD na yan ay mas nakakamangha kesa sa mga taong may hawak na VIP CARD?"

ang dalawang bantay na kanina ay desidido ng ituloy ang pag kukunwari para hindi sila mapahiya ay biglang kinabahan dahil sa hawak na card ni zenon.

hindi nila pwedeng palabasin ang taong nag mamay ari ng VVIP CARD dahil pag nalaman ito ng pamunuan hindi lang sisante ang mang yayari sa kanila maaaring mapugutan sila ng ulo dahil ang kalidad ng taong may hawak ng VVIP CARD ay may pinaka mataas na importansya sa buong west province.

nagtitigan ang dalawang bantay desidido na sila sa kanilang gagawin wala na silang pakialam kahit mapahiya pa sila ang mas importante ang kanilang buhay kaya sabay silang lumuhod!!

boom!!..

nagulat ang mga tao namalayo at hindi nakikilala ang card na hawak ni zenon kaya wala silang idea kung bakit lumuhod ang dalawang bantay

"ano ang ng yari?"

cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon