36 heroic weapon

1.6K 220 9
                                    


ang buong palapag ng buong ruerto resto-mansion ay mismong pag mamay-ari ng city lord na si grego

masasabing ang mismong manager nito ang kanyang katiwala at ang karapatan nito sa buong ruerto resto mansion ay mas mababa lang ng isa sa mismong may ari.

"bata huwag mo akong tatakutin sa pamamagitan ng iyong angkan alalahanin mong ang mismong city lord ang may ari ng gusaling tinatapakan mo!!" hindi na gustuhan ng mismong manager kung papaano sya takutin ni reo shaun ang balak lamang nya ay pigilan at ayusin ang gulo kaya laking gulat nyang bigyan sya nito ng isang babala.

ang mismong manager ay hindi natatakot sa mga mismong mga nararanggo sa gold badge dahil sa kanyang koneksyon sa city lord, ang city lord ng buong twin lion ay hindi kayang galawin ng kahit sinong gold badge huwag lamang magkakaroon ng malalang hidwaan na talaga nga namang ikakabagsak ng kanyang nasasakupan.

masasabing ang lakas ng city lord ay hindi rin nalalayo sa kung anong lakas ang meron ang mga pinuno ng gold badge pero mas pinili pa rin nito ang manilbihan sa kanyang bayan.

sa salita ng manager saka lamang naalala ni reo shaun kung saan sya nakatapak na lupa, ang salita ng manager ay makatotohanan ayun na rin sa bakas ng mukha ni reo.

dali dali nyang pinawala ang enerhiyang pumapalibot sa kanyang kamao wala syang balak palalain pa ang gulo kung ang makakalaban rin naman nila ay mismong city lord wala sila sa kanilang teritoryo pag nagkataon pinilit nya ang gusto nya ay mayayari sya sa kanyang mismong ama.

"maswerte ka may dumating, pero wag kang aasang palalagpasin namin ito hindi pa tayo tapos!" huling bitaw na salita neto at saka sila lumisan bitbig si greg na namimilipit pa rin sa sakit.

tinignan naman ng manager ang mga taong nasa ikaapat na palapag ang mga taong hindi kasali sa kaguluhan ay mabilis na ibinalik ang kanilang mga saril sa kanilang ginagawa.

"gusto kang makausap ng city lord halikat sumama sa itaas"

kakabawi palamang ng lahat ng bigla nanaman silang gulantangin ng sinabi ng manager.

ano ang ikalimang palapag!! yun ay sumisimbulo ng lakas na ang mga taong nasa ikalimang profesion lamang ang maaaring makapasok!!

---

sa buong bayan naman ng brave city patuloy pa rin ang kaguluhan ang mga tao sa alyansa ay pagod na.

halos nasa isang libo na rin ang mga ghoul pero ang mga kalamangan nito ay ang pagkakaroong walang kapagurang katawan.

ang kawal ng kaharian ay hindi na rin maipinta ang mukha inaalala nya ang pagkakataong naglalakbay sya para maghatid ng mensahe pero napunta sya sa kanyang kasalukuyabg sitwasyon..

wala na rin pagkakataong makalipad sya dahil sa nasira nyang noble shoe na merong wind element strengthening stone.

sobrang daming patay na bangkay ng tao ang nagkalat at halos nasa limangpu na rin ang natira sa kanilang paglalaban na inabot rin ng halos tatlong araw.

sa angkan naman ng lynxin hindi man sila nakaramdam ng pagod pero nakakaramdam pa rin sila ng kaba.

hindi nila alam kung ang mga halimaw ba ay kakampi nila o kalaban pero mas nanaig sa isipan nilang ang mga nilalang na ito ay kalaban dahil sa nakikita nila ang mga ito ay walang mga isip, walang takot mamatay at kung sino ang mas malapit yun ang inaatake.

"kailangan ito malaman ng kaharian! kung marami pa sila maaaring maubus ang mga tao sa kahariang ito!"
sambit ng kawal at mabilis itong tumakbo sa ibang direksyon, iniwasan at hinayaan nito ang mga naglalaban bilang isang mensahero ang pinaka prioridad nya ang makapag bigay ng isang balita at hindi ang makapag patuloy sa pakikipag laban dahil pag nagkataon sya ay nasawi ang mensaheng dapat ay dala nya ay baka maging bangungot sa buong kaharian.

nakita ng lahat ang mabilis na pag alis ng kawal kung papaano nito iwasan ang mga naglalaban.

marami ang nagulat kung tutuusin halos nasa isang libo na lamang ang ghoul kahit kokonti na lang ang lakas nito ay kakayanin pa rin naman nilang ubusin ito kasama ng alyansang nabuo.

yun nga lang sa isip isip ng kawal ay ang pagkakaroon pa ng iilang ghoul sa ilalim ng lupa na kapag nagkataong meron nga ay siguradong katapusan na rin nya.

pinasawalang bahala na ng kawal ang una nyang mission na maghahatid sana ng isang balita sa malayong nayon dahil sa mas importanteng ibabalita nya sa kaharian.

kahit pagod na pagod na patuloy pa ring nakikipag laban ang alyansa dahil meron silang malakas na kakampi kaya ng nakita nila ang paglisan nito mabilis rin nawala ang lakas ng loob nila na nagpahina sa kanila.

"h-hindi ito maaari mauubus tayo wala na ang pinaka inaasahan natin!!" kabado na si renz sa sampung ghoul palamang ay kaya ng ubusin ang halos nasa dalawangpung libong katao papaano pa kaya ang natitirang isang libong ghoul.

walang kapaguran ang mga ghoul kumpara sa kanilang alyansa na halos lahat ay pagod na ang iba pa nga ay pinaubaya na ang kanilang buhay dahil sa sobrang kapaguran ang gusto na lamang ay tuluyan ng mamahinga.

ang mga taong naglakas loob manuod ng malapitan ay nagsi atrasan na rin dahil sa nakikita nila nalalapit na ang pagkaubus ng alyansang nabuo at pagnagkataon baka sila na ang susunod na puntiryahin ng mga ghoul.

"k-kailangan nanatin umatras! wala na! wala tayong pag asang manalo sa mga halimaw!" tulalang pagkakasabi ni renz hindi nya akalain dadating sya sa puntong kakailanganin nyang umatras ang pinunta lang naman nila ay upang burahin ang angkan ng lynxin sino makakapag sabi na ang makakalaban pala nila ay ang mga halimaw na bigla na lamang lumitaw sa ikailaliman ng lupa.

"ama wala na!! kahit ang pag atras wala ng matitira saatin! kailangan nanatin umalis at pagkalayo layo sa bayang ito kung hindit baka puntiryahin tayo ni zenon!" sa totoo lamang mas natatakot sya sa abilidad ni zenon sa tingin nya ilang taon lamang ang kinakailangan para mahigitan neto ang lahat isang kakatapak palamang ng ikatlong profesion ay kayang pabagsakin ang nagtagumpay na sa ikaapat na profesion

papaano pa kaya kung tumapam na si zenon sa ikaapat na profesion hindi masasabing hindi nya rin kayang patumbahin ang nairaranggo sa ikalimang profesion.

ayun sa kanyang palagay kahit nasa lvl 5 4th job ay kaya rin patumbahin ni zenon dahil sa laban nila ni orseo ay wala man lamang pinakitang galos o pagkahapo ito sa tingin nya ay punong puno pa rin ang enerhiya ng binata.

"t-tayo nat umatras!!" ang huling utos ni renz shin bago sya nag balak umalis.

hindi naman nagustuhan ng pinuno ng cruz clan ang inasta ni renz shin malaki ang nawala sa kanila hindi nila akalaing papalpak ang kanilang plano pero hindi nila gusto ang umatras pa dahil andidito na sila isa pa meron pa syang isang bagay na itinatagong makakapag pabaliktad ng sitwasyon.

walang sali salita sinugod ng pinuno ng cruz na si morgo ang papaalis ng angkan ng shin gamit ang pinaka tatago nyang armas isang heroic weapon!!!

cont.

last update po bukas naman slamat please vote sa 2 chapt ko

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon