isang tunay na itim na kabayo yan ang tingin ng lahat kay zenon.sa huling pagkakataon nagkaharap ulit ang dalawa sa entablado hindi na maaaring magpaubaya ni orseo dahil eto na ang huling labang magpapasya kung sino nga ba ang magiging kampeon sa solo fight.
sa huli hindi na rin tinitignan ni orseo si zenon bilang isang maliit na kalaban lang na gustong magpasikat.
ang pinakitang lakas ni zenon ay ang lakas ng nasa huling yugto na ng ikatlong profesion.
nagsimula na rin ang pustahan ngayon ang pustahan ay isa sa isang libong ginto para kay zenon
at isang libo sa isang ginto naman kay orseo."pupusta ako para kay zenon!! sampung libong ginto!!!" si headmaster kreto sa pinakitang lakas ni zenon ngayun ay tiwala na sya ang sampung libong ginto na pinusta nya ay bilang suporta dahil sa kanyang pagmamaliit kay zenon nung una.
pero ngayon? manalo o matalo man ang willstone academy ay siguradong aangat dalawa sa kanyang studyante ay nakapasok sa top 10!!
"nahihibang na ang headmaster ng willstone ang akala nya ba ay may pag asang manalo kay orseo ang batang yan!! maaaring nasampal tayo sa mukha pero hindi tayo ganun katanga para masabing mananalo pa ulit yan!! si orseo na ang kalaban nya!!"
"tama si orseo yan ng stronghold!! ang tinaguriang pinaka malakas pupusta ako isang daang libong ginto!! ano ba naman ang isanh daang libo kung mababawi ko rin naman agad!!
ang isang daang libo ay siguradong tutubo ng isang daang ginto marami pa ang pumusta ang may pinaka malaking pusta ay umabot ng halos tatlong million ang taong to ay siguradong pinusta lahat ng kanyang ari arian..
kumpara sa mga pumusta kay zenon ito ay maliliit lamang na sinusubukan ang kanilang swerte.
tanging si headmaster kreto lamang ay may pinaka malaking pusta na umabot ng isang libong ginto. kung magkataong manalo si zenon ang sampung libong ginto nya ay magiging sampung million!!" ito ang yaman mismo na meron ang pinaka mababang gold badge!!"
nagkatitigan pa rin ang dalawa walang pakialam sa ingay ng paligid inaantay na lang nila ang hudyat para masimulan na.
walang bumibitaw o nagpapatinag sa kanilang dalawa hanggang sa binigay na ang hudyat ng pagsisimula ng laban pero hindi pa rin gumagalaw ang dalawa.
kakaibang aura naman ang pumalibot sa buong arena ang aurang ito ay nagmumula sa dalawang kalahok.
"ano ito labanan ng aura??"
ramdam ng halos nasa baba ang aura ng dalawa ang ilang nasa mababang cultivation ay hindi kinakaya ang aura sa kanilang kapaligiran.
hindi na rin itinago ni zenon ang kanyang aura ang pinapakita nyang aura ay nasa ikalimang antas ng ikatlong profesion.
walang makakapag sabi kung bakit ang antas ng aura ay nasa unang yugto palamang pero ako lakas neto ay kasing lakas ng nasa ikalimang profesion.
ang katunayan walang profesion si zenon na lumagpas na ng ikaapat na profesion halos lahat ito ay huminto sa ikatlong profesion na may limang antas.
ang tanging kalamangan ni zenon ay ang sobrang enerhiya galing sa ibat ibang profesion nya.
kaya nyang manalo kay orseo gamit lang ang isang skill yun ang katotohanan ang problema ang skill na yun ay ang skill na mismong ginamit ni ace ang ashura strike!!
kung sakaling gamitin nya yun kay orseo siguradong mabubura agad sa mundo to kaya binura nya na sa kanyang isipan na magiging madali lang ang lahat.
ang ashura ay kailangan kumonsumo ng dugo pag mas malapit sa kamatayan ang gagamit mas malakas ang ashura kasama pa ang enerhiya sa katawan ng gagamit.
sa sobrang kapal ng enerhiya ni zenon dahil sa pinag sama samang profesion kahit siguro ang isang bayan ay kayang kaya nyang wasakin.
wala pa rin sumusuko sa dalawa sa labanan ng aura.
napansin ni orseo na parang walang katapusan ang enerhiyang inilalabas ni zenon.
kumpara sa kanya ang binibigay nyang aura ay nasa tatlongpong pursyento palamang samantalang si zenon ay halata ng binibigay na ang isang daang pursyento neto o mas malaki pa.
ang pinagtataka nya kung bakit hindi man lamang nauubusan o walang pagpapakitang panghihina ang knyang kaharap.
"kakaiba ka nga talaga maaring isa ka sa napili!" nilakasan pa lalo ni orseo ang aurang binabato nya kay zenon at bigla nya tong nilusob .
"shadow clone" ito rin ang panimulang bitaw ng skill lagi ni orseo.
sabay sabay na nagsilusob ang shadow clone kumpara kay beam ang shadow clone na pinakawalan ni orseo ay di hamak na mas marami.
isang daang shadow clone ang nakapalibot!! isang daan na halos sabay sabay na lumusob kay zenon
nagulat ang lahat sa pinapakitang lakas ni orseo hindi nila akalaing kayang kaya netong magpakawala ng mas marami pang shadow clone.
"gusto kong makita kung may magagawa ka saakin kung katulad kaba ni ram!!"
isa nanamang skill ang pinakawalan nya
"dragon flame shuriken"!
isang napakalaking dragon ang lumabas sa kamay ni orseo sabay ng pagbato nya ng namuong hugis shuriken kay zenon kasabay rin neto ang pag lusob ng halos isang daang clone.
boom!!
"ano ang aking nakita!!"
cont,'
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Açãomagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...