isang nakakapangilabot na lindol ang naganap sa lahat ng malapit sa forest of life makikita rin ang pangingitim ng kalangitan at mga namumuong ulap sa mismong gitna ng gubat.ang mga kaganapang ito ay kinatakot ng buong kaharian ng netopia ang dalawang pangyayari na kung saan ang una ay ang paglitaw ng mga halimaw sa brave city ay kumalat na sa buong kaharian at ngayon naman ay ang isang malakas na lindol at pamumuo ng ulap kasama na ang pagdilim ng kalangitan, hindi maiwasang kilabutan ang lahat.
"k-katapusan naba ng mundo?"
"p-palagay ko ang mga halimaw ay nagmula sa forest of life"
marami ang kumalat na kuro kuro na pinanggalingan ng mga halimaw at ng isang nilalang na may kawangis ng isang elf.
dahil sa pangyayari marami ang nawasak na tahanan magkaganun man dahil sa lakas ng mga tao walang namatay pero marami namang napinsala ang lindol kasama na rito ang mga pangkabuhayan ng mga tao.
sa forest of life naman nakatitig pa rin si zenon kay celtic ang kanyang ikalawang alagad naiiba ang presensya ni celtic kesa na kay seresa masasabing ang ganiting presensya ay madaling maramdaman.
ang enerhiya namang mararamdaman dito ay masasabing napakalakas hindi katulad kay seresa na maaari nyang makasama at magtago sa dilim ay hindi na to mapapansin ng sino mang nilalang sa kanilang kaharian.
napag isip ni zenon na hindi maaaring isama si celtic sa kanilang kaharian na katulad ni seresa ay magtatago rin sa dilim.
"isang paraan na lang kaya mo ba itago ang iyong presensya? aura at ang iyong lakas? madali kang mapapansin sa aming kaharian kapag sinama kita"
"panginoon likas sa aming mga dragon ang pagiging mapagmalaki, isang karuwagan sa amin ang pag tatago ng kahit anong lakas meron kami pag hingi ng tawad panginoon hindi ko magagawa ang inyong kahilingan bukod sa hindi ko alam ang paraan ng pagtatago ay kahit alam ko pa ay hindi ko pa rin magagawa"
walang alam si zenon tungkol sa mga dragon pero mabilis naman nya itong naunawaan, bigla naman nagsalita si freus sa kanyang isip at sinabi ang mga impormasyon tungkol sa mga dragon.
"panginoon hindi tinuturo ang mga ganun sa mga dragon dahil nga sa pagiging likas nilang mapagmataas, isa pa panginoon ang dragon na yan ay isang Mythical Dragon ang pinaka mataas na lahi ng isang Dragon at wala ng ganyang nabubuhay sa mundong to bukod pa sa ibang mas mabababang lahi"
"isang Mythical Dragon?" walang idea si zenon kung ano ang Mythical Dragon o ano ang mga lahi nito, alam nya ang tungkol sa Dragon pero hindi nya alam na totoo pala ang mga ito, pinag sa walang bahala nya na lang din ito dahil darating din naman ang araw ns matutuklasan nya ang mga ito bastat alam nya sa ngayon na may nabubuhay palang dragon sa mundong to.
"panginoon isa pa suhestion ko dahil hindi mo maaaring isama ang dragon na yan hayaan mo syang hanapin ang lugar kung asaan ang kanyang mga kalahing dragon, magiging malaking tulong yan pagdating ng panahon. alam kong isa sa pangarap mo ay ang pag buo ng isang malaking pwersa dahil sa ang dragon na yan ay isang may mataas na lahi ng Dragon natural lamang na mapasunod nya ang iba pang kanyang kalahi" sambit ni freus sa isip ni zenon.
"gusto ko sanang dagdag proteksyon para sa aking pamilya, pero kung sabagay si seresa ay sapat na para proteksyonan ang aming angkan" sambit ni zenon agaran syang nakapag desisyon na hayaan mag lakbay ang dragon at hanapin nito ang dragon land kung saan naninirahan ang karamihan sa mga dragon, pero laking gulat sya sa dinagdag na sabi ni freus.
"panginoon kung maaari hayaan mo rin ang iyong isang alagad na nag ngangalang seresa na hanapin ang angkan ng mga elf isa rin sya sa may mataas na lahi ng mga elf hindi maganda na aasa ka sa kanila, iba ang lakas sa ng mga tao sa labas ng iyong kaharian mas mainam na magkaroon ka ng magandang pundasyon at kasanayan sa mga bagay bagay lalo na sa pakikipag laban kung aasa ka sa iyong mga alagad magiging mahirap para saiyo ang pag sulong ng mas mabilis na antas sa hinaharap"
nag dadalawang isip naman si zenon sa sinabi ni freus kung mawawala si seresa mawawalan ng prokteksyon ang kanyang angkan, kung susundin naman nya ito maaaring tama ito. magandang hindi umasa sa kanyang mga alagad at magiging sigurado ang kanyang mga kasanayan sa mga bagay bagay, isa na rito ang mapunta sa hindi magandang sitwasyon.
ang pagkakamalit pagsulong lang ang lunas para magkaroon ng lubhang karanasan, isa pa sigurado naman syang malabo syang madaig sa kaharian ng netopia bastat hindi nya lamang makalaban sa ngayon ang mga powerhouse na may lakas na umabot na ng ikapitong propesyon.
sa huli nakapag desisyon rin si zenon aasa na lamang sya sa mga halimaw na mapapatay nya at muli nyang bubuhayin..
"sa ngayon kailangan ko na lamang ang mga halimaw na may kaparehas ng antas ng ikaapat na propesyon panigurado na kayang kaya rin nilang talunin ang mga taong nakatapak na sa ikalimang propesyon" sambit nito saka kinausap si freus " freus gusto kong malaman may mga halimaw ba ditong nakaabot na sa 6 beast stage o kahit mga nasa ikalimang stage palamang?"
"panginoon bukod sa mga napakaraming 3rd stage beast meron ring libo libong 4th stage beast at ang mga nasa ikalimang stage ay madalang lamang makikita bukod dyan ang nasa ikaanim na stage sa aking pagkakatanda ay nabibilamang lamang ito at nasa mahigit sampu ang mga halimaw na yan ay nangangalaga sa kapaligiran ng gubat kahit wala silang kakayahan talunin ang mga tao sa ibang lugar nakakatulong naman sila sa kapaligiran."
hindi na pinansin ni zenon ang huling sinabi ni freus dahil ang gusto lamang nya ay magkaroon ng magandang proteksyon ang kanyang pamilya lalo na kapag naabot nya ang nascent soul stage lilisanin nya ang kaharian,
"kung ganon bago ako lumisan sa forest of life ang huli kong gawain ay kunin ang mga buhay ng mga halimaw dito" sa sobrang pagkadesperado ni zenon para maging ligtas ang kanyang pamilya naisip nya rin ang pag panday ng napakaraming heroic item para magamit ng kanyang mga magiging ghoul.
ang pagpaplano para sa hinaharap ang pinaka mabisang sandata.
cont.
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Açãomagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...