13 magic guillotine cross

1.6K 206 17
                                    


"ako naman" si troy na pang anim na myembro ng willstone academy ang sumunod na umakyat sa entablado.

simula umpisa na pagtapak ni troy sa arenang to simula ng dumating sila hanggang ngayon ang tanging natatandaan lamang nya ay si burgus ni hindi neto alam na nagmula ito sa fire eagle academy dahil sa ito ang pinaka madaldal noong pagpapakilala ng lahat kahit gusto nya baliwalain ay hindi naman nya maiwasan marinig ang sinasabi nito.

pero hindi naman ibig sabihin nun ay nag hibiganti sya dahil sa mga insultong binabato neto sa kanilang academya ginagawa nya lang to dahil lang sa ang taong to lamang ang kanyang natatandaan

pag akyat nya tinuro at tinitigan lang nya si burgus. hindi rin naman kasi nya alam ang pangalan neto ang alam lang nya ang itsura neto.

si burgus ay isang ganap na lvl 8 3rd job kumpara kay troy na kakatagumpay palamang sa ikatlong profesion.

naging insulto naman itong ginawa ni troy kay burgus na para bang minamaliit sya neto kaya nag init ang mukha ni burgus.

"ganyan ba talaga ang mga nasa willstone academy hindi purket nanalo kayo ng isang laban ay magagawa nyo ng magyabang.!"

kumpara kay renzo di hamak naman na mas malakas si burgus sa antas palang ng lakas tatlong lvl ang taas ng antas nya kumpara sa unang nabanggit.

naging tampulan ng tukso naman si burgus dahil isa palamang fresh 3rd job si troy.

wala naman syang magagawa kundi umakyat sa entablado kahit ayaw man nya dahil isang pang aapi at hindi magandang tignan na ang isang lvl 8 ay papatulan ang isang freshman.

pag akyat sa entablado ni burgus hindi nya maiwasang magbigay ng babala "bata wag mong isiping hindi kita papatulan dahil sa kasalukuyan mong antas bibigyan kita ng isang lection na hindi mo makakalimutan at magiging tanda na huwag na huwag mong iniinsulto ang mga taong mas malakas sayo" isang banta!!!

tinitigan lang naman sya ni troy na labis na kinagalit ni burgus " hindi ako si burgus kung hindi kita mabubugbug ngayun din dito!" naghudyat na ang pagsisimula kaya mabilis syang sinugod ni burgus.

isang knight si burgus kaya ang kanyang armas ay isang pananggala at isang ispada

ang mga knight ay kinikilalang pinaka matatag na job dahil sa kanilang katigasang pangangatawan sila ang pinaka mahirap pabagsakin ng mabilisan.

dahil isang guillotine cross si troy hindi sya tinamaan ni burgus.

kahit sabihin pang mas malakas si burgus ang pag atake naman nito ay masyadong mabagal kumpara sa ibang class.

kaya madali lamang naiilagan ni troy ang bawat atake neto ng biglang isang shockwave ang nagpatalsik kay troy.

hindi isang tanga si burgus alam nyang hindi nya matatamaan si troy hindi sya gagamit ng skill.

walang mangyayari at magiging katatawanan lamang sya maaaring hindi sya mapabagsak pero kung hindi naman nya tatamaan ang kalaban ay hindi nya rin ito mapapabagsak parehas lang sila magsasayang ng stamina.

tumumba si troy walang palakpakan naganap dahil ito naman talaga ang nararapat wala rin naman uminsulto kay troy dahil alam ng lahat na ganito naman tlaga dapat ang mangyari.

mabilis na tumayo si troy mahahalatang nasaktan ito natural lang ito dahil isang ganap na lvl 8 ang kanyang kalaban..

"earthquake"

bitaw na salita ni troy. dito na nagulat ang lahat maski na ang ibang academya at saka lang nila naalala na isa nga palang multi job si troy.

lumindol at gumuho ang entablado sa mismong tinatapakan ni burgus ang mga bato ay parang hinihigop sya paloob.

kinabahan sya maski sya nakaligtaan na isa nga palang multi job si troy.

magkanun man baliwala pa rin naman ang earthquake skill na pinakawalan ni troy isa pa rin yung 2nd job skill

ng matapos ang lindol tatawa na sana si burgus ng may usok na pumalibot sa kanya.

"smoke bomb"

isa nanamang skill na pinakawalan ni troy dito makikita ang unti unting pang hina burgus.

magkaganun man isa pa rin syang knight hindi sya ganun kadaling talunin.

"heal" bigkas ni burgus ang mga knight ay meron ding skill na heal isa tong self heal.

isang pronter o kilala sa mas tawag na tank ang knight kaya hindi mawawala ang skill na yan pero kumpara sa isang priest hindi maikukumpara ang heal ng knight kesa na sa heal na kayang ibigay ng priest.

"ice frost"

isa nanamang skill ng mage.
walang magagawa si troy kundi gamitin ang kalamangan nya sa pagiging multi job dahil hindi sya mananalo kundi nya gagamitin ito.

nanigas si burgus hindi sya makapaniwalang nalalagay sya sa ganitong kahihiyan at wala man lamang syang magawa.

sabay ng pagtigas nya ay meron lamang ilang segundo bago sya makawala ay ma bilisang lumapit si troy

pinadaanan nya sa leeg ni burgus ang kanyang hawak ns knife. ang leeg mismo ng knight ang pinaka mahina nitong parte.

sa lagay na to mabilis na ng hina si burgus kung tutuusin ay dapat patay na to kung tinuluyang isaksak ni troy ang kanyang hawak na patalim.

inanunsyo na ang pagkapanalo ni troy.

duon naman talaga nararapat mapunta kahit pa sabihing may laban pa si troy nakakatayot at maayos pa pero kung tinuloy naman ni troy ang kanyang hawak na talim sa leeg neto ay siguradong patay sya. yan naman ang bagay na hindi maaari bawal ang pagkitil ng buhay sa torneyo.

hindi naman makapaniwala si burgus na sa una nyang laban ay sya ay natalo.

"talagang wala akong nagawa?" nag ngitngit ang ipin nya "kung sayo wala akong nagawa pwest sa iba mong kasama meron!."

hindi na sya pinansin ni troy at nauna na tong bumaba habang si burgus naman ay hindi bumaba gusto netong maghamon.

nadagdagan na ang pangalan sa ranggo nasa unahan pa rin si ace at pumangalawa si renzo nasa ikatlo naman si troy at pang apat si burgus..

galit na galit na tinignan ni burgus ang lahat ng myembro ng willstone academy pakiramdam nya ay sobra syang napahiya sa harap ng maraming tao

"ikaw! hinahamon kita!" turo nya sa isa sa mga myembro ng willstone academy.

cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon