34 ang pagdating ni renato shin

1.6K 201 15
                                    


sa gitna ng pakalawak na lupain malapit sa lynxin clan makikita ang napakaraming patay na tao at iilang mga taong nakikipag laban sa mga kakaibang halimaw na bigla na lamang lumitaw sa kanilang harapan.

hindi kalayuan merong isang binata ang paparating kung saan nagaganap ang digmaan, kabadong kabado ito dahil sa kanyang mga nakikitang sobrang daming patay na tao.

ang binatang ito ay walang iba kundi si renato shin na naglakbay pa pabalik sa kanilang bayan para balaan ang kanyang ama na huwag ng ituloy ang binabalak nitong pakikidigma dahil bukod sa walang magiging benepisyo ito sa kanila maaari pa nilang makalaban ang buong west province.

yun nga lang may pagtataka sa kanyang isip kung bakit hindi tao ang kalaban ng alyansang nabuo kundi mga halimaw.

pero pinag walang bahala nya muna ito at ang tanging kailangan nyang gawin ay mabigyan babala ang kanyang ama na mabilis umalis sa kaguluhan at bumitaw bilang pinuno sa alyansang nabuo kung hindi ay katapusan na nila.

nakakita sya ng isang mandirigma na nanginginig sa takot sa isip isip nya ang mandirigmang ito ay hindi kinaya ang presyon ng digmaan o takot lang mamatay sa kamay ng mga halimaw.

"asaan ang aking ama" sambit ni renato na kinabigla naman ng mandirigma

"n-nandun si pinuno pakiusap maaaring wag mo sabihing hindi ako nakilahok sa digmaan?" pakiusap ng mandirigma.

dali dali namang tumayo si renato at hindi na pinansin ang mandirigma wala na syang panahon makipag usap pa.

mabilis nya lang din nakita ang kanyang ama at dali dali nya tong tinawag "ama!!"

napalingon naman si renz shin sa pinanggalingan ng boses at mabilis nya naman itong nakilaka nakakunot ang kanyang noong sinalubong ang kanyang anak, ang alam nito ang kanyang anak ay isa sa kalahok na labanan ng mga akademya kaya nagtataka sya kung bakit andidito ang kanyang anak.

"anong ginagawa mo rito? dibat kasali ka sa tournament of power? wag mo sabihin sakin naduwag kat umuwi na lamang?" pagtatakang tanong ni renz shin.

"hindi ama! nagpunta ako rito para sabihing huwag na sumama sa digmaang nagaganap!!" hingal na hingal na sabi ni renat

"anong pinag sasabi kanina pa nagsimula ang digmaan!! anong kaduwagan naman ang pumasok sa kokote mo para sabihin saaking ihinto ang laban!!" galit na galit na sinigawan ni renz shin ang kanyang anak.

"ama hindi mo kasi alam ang miller!! sya ang nag kampion sa unang patimpalak!! ama mapapahamak tayo kung sakaling malaman ito ng buong west province!!"

boom!!

bigla na lamang kinabahan si renz shin sa kanyang narinig at biglang pumasok sa isip nya ang sobrang daming nawala sa kanyang mga tauhan sa totoo lamang kung may benepisyo pa man sa digmaang nagaganap yun ay maaari nyang mapasakamay ang mga angkang natitira pa dahil sa kanyang yaman pero kung ititigil nya ang digmaang nasimulan na ay malamang ay sobrang laking yaman ang mawawala sa kanya.

ang gusto nya lang namn ay koneksyon proteksyon na kahit ang city lord ay walang magagawa sa kanya gusto nyang pairalin ang pagiging pinuno nya sa buong brave city.

sa kakaisio ni renz shin ay hindi nya na malaman ang gagawin malapit na syang mabaliw tagaktak na rin ang pawis nya kahit pa simulat sapul ay hindi pa sya lumalaban.

napatingin naman sya sa ng yayaring digmaan di kalayuan sa kanila.

"bahala na kailangan mawala ng lynxin kung hindi ay mawawala rin saakin ang lahat!" sa isip isip nya mas matimbang ang pagkakaroon nya ng benepisyo dito kahit papaano kesa na maging kalaban ang buong west province isa pa meron namang sumusuporta sa kanilang gold badge family

-----

samantala sa ikaapat na palapag ng ruerto-resto mansion ay kasalukuyang kumakain ang magkakaibigang zenon at di kalayuan sa kanila ay may isang binatang may masamang tingin walang iba kundi si reo shaun, simula ng mapahiya sya hindi pa rin nawawala ang masamang tingin nya kay zenon.

"talagang napakasarap nga ng pagkain dito hahaha bumalik tayo dito zenon isama natin minsan ang iyong ina at ang aking ama pati na rin si pinuning balgo siguradong matutuwa sila!" sambit ni meyer na masayang masayang kumakain.

kani-kanina lang ay hindi alam ng dalawang magkaibigan kung papaano makakuha ng kanilang maoorder yun pala ay kailangan munang magpapalit sa kahera ng token.

ang token na kanilang pinapalit ay nagkakahalaga ng halos sampung ginto!! ang ganitong halaga ay umaabot na ng limang libong pilak sa pamumuhay nila zenon ang ganitong halaga ay pang ilang buwan na ng kanilang pamily

sa ngayun walang pakialam si zenon kung tungkol sa pera dahil sya ang kampion natural lamang na may pera sya, bukod sa card meron din syang isang milliong ginto ang ganitong halaga ng pera ay ang mismong pera na ng pinaka mahirap na silver badge clan.

bukod dito marami syang paraan para kumita rin ng mas malaking halaga. isa pa rin syang panday at marunong syang gumawa ng ibat ibang elixir dahil isa rin syang alchemy.

taglay nya rin ang pagiging tycoon kaya normal na lamang ang kahit anong kanyang ibenta ay gawing mas mahal.

di naman kalayuan sa kanila masama pa rin ang tingin ni reo shaun sa grupo, wala pa syang nasisimulan at mukhang napasama pa ang ginawa nya ang gusto lamang nya ay ang nag iisang babae sa grupo nila zenon.

bigla na lang napangisi si reo shaun dahil sa kanyang binabalak "mamaya sa labas aanyayain natin ang binibining nasa kanilang grupo panigurado akong hindi sya makakatanggi saatin!" masayang pagkakasabi nito sa kanyang mga kasamahan.

"panigurado yan reo! sinong babae ba naman ang tatanggi saatin!! napaswerte pa nga nya dahil makakakuha sya ng paanyaya mula sa atin hahaha"sambit ng isa sa kanyang mga kasama.

sa grupo naman nila zenon bigla na lamang hindi mapakali si alexa biglang nag iba ang kanyang pakiramdam hindi sya mapakali pakiramdam nya may mga taong pinapanuod sya.

maski si zenon ay naramdaman ito at walang sabi sabing tumayo sya sa kanyang inuupuan nagulat naman ang kanyang mga kasama..

dire diretso lang si zenon patungo kung saan nakaupo ang grupo ni reo shaun

nagulat naman ng grupo ni reo shaun sa pagpunta ni zenon sa kanilang harapan.

"hindi ko gusto ang mga tingin nyo sa aking kasama kung maaari huwag kayong bastos!" bigkas ni zenon na kinagulat ng lahat lalong lalo na ang grupo nila reo shaun

cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon