25 VVIP CARD

1.6K 191 2
                                    


ang ruerto resto-mansion ay
kinikilalang pinaka malaking kainan at pinaka galanteng restaurant sa kabuuan ng buong west province

meron itong limang palapag at bawat palapag nito ay merong kakaibang straktura at bawat palapag ay may naiibang mga bentahing pagkain at inumin din

sa unang palapag maaaring makapasok lahat ang mga putaheng inihahanda dito ay hindi masyadong kamahalan maaaring kayanin ng mga head master ng isang clan

sa ikalawang palapag maaari lamang makapasok ay yung mga taong nasa ikalawang profesion hindi basta basta nakakapasok ang mga taong wala pa sa ikalawang profesion dipende na lang kung may kasama sila meron kasing mga bentahan ng mga putahe at inumin na hindi maaaring kainin o inumin ng mga taong hindi pa nakakatapak sa ikalawang profesion.

ganun din sa ikatlong palapag maaari lamang pumunta ang mga taong nakatapak na ng ikatlong profesion

sa ikaapat na palapag naman ay yung mga nakatapak na ng ikaapat na profesion madalas andito ang elder ng isang silver badge clan

samantalang ang nasa ikalimang palapag naman ay maari lamang makapsok ang nasa ikalimang profesion

ang batas na ito matagal ng pinapatupad dahil sa kanilang putahe at inuming binebenta na hindi maaaring inumin ng hindi angkop sa taglay nilang enerhiya.

hindi maaring magkamali ang mga tauhan sa ruerto resto-mansion dahil pag may napabalitang merong naaksidente o namatay dahil sa kanilang bentahin maaari nila itong ikapahamak.

nagtataglay din kasi ng kakaibang enerhiya ang mga inumin at putaheng bibenenta nila ang bawat putahe ay galing pa sa karne ng pinaka rare na beast. ganun din ang kanilang mga inumin ay galing sa ibat ibang rare na prutas kaya ang presyo ng mga ito ay hindi rin basta basta

samantala hindi pinapasok sila zenon sa unang palapag palamang hindi dahil bawal silang pumasok talaga.

ang nasa unang batas ng ruerto resto-mansion ay ang pagkakaroon ng access card na nakukuha lamang sa mismong opisina ng city lord ng twin lion city ginawa nila ito para ang ruerto resto-mansion ay hindi basta basta pasukan ng sino sinong tao lamang totoong maaaring makapasok kahit sino sa ika unang palapag ang problema ang maaaring tao lamang sa ika unang palapag ay limitado lamang.

"ginoong bantay totoong wala kaming access card pero pwede ba tong card na bigay saakin ng city lord? para makapasok sa ruerto mansion?" tanong ni zenon sabay pakita nya ng kanyang card.

ng makita ng bantay ang hawak ni zenon sya ay natulala hindi pa masyadong kalat ang balita kung sino ang nanalo sa ng yaring patimpalak maaaring inaasahan ng lahat na makukuha ni orseo ang unang pwesto pero laking gulat ng bantay ng makita nya ang natatanging card na binibigay lamang sa unang pwesto sa ng yaring patimpalak.

ang mga taong mabababang ranggo ay wala ring pahintulot o kayamanan para makapasok at makapanuod sa ng yaring labanan.

mabilis naman binawi ng bantay ang kanyang pagkagulat at ang kaninang taas noo ay bigla na lang yumuko at nag bigay galang.

hindi sya maaaring magkamali ang card na yun ay hindi pwedeng mapeke my seal yun at naglalaman yun ng enerhiyang madaling mararamdaman kung sino man ang makakakita neto ay alam galing ito sa city lord.

"paumanhin sa pag antala sa pagpasok maaari na kayong pumasok" bigkas ng bantay.

si meyer na walang alam sa kung anong ng yayari ay nagulat din pero mabilis din syang nakabawi at naunawaan ang mga bagay bagay tungkol sa kung ano ang naka paloob sa hawak na card ni zenon.

ang hawak ni zenon na card ay isang VVIP CARD na pinasadya pa ng city lord ng twin lion ang access ng card neto ay nag bibigay pahintulot sa kung sino man ang may hawak na makapasok sa kung ano mang merong access card sa loob ng twin lion city.

kaya masasabing ang VVIP CARD ay talaga nga namang nakalaking benepisyo mas pinaprioridad nito ang mga taong may hawak neto higit pa sa kung ano ang kakayahan ng VIP CARD.

ng makapasok sila zenon sa loob ng ruerto resto-mansion ay nakita nila ang napaka aliwalas na paligid pero panandalian lang nila tinignan ito dahil maaari silang makaakyat hanggang ika ikatlong palapag dahil halos lahat silang apat ay nakatungtung na ng ikatlong profesion.

bago makapasok sa ikalawang palapag meron ding bantay dito pero bago makapasok sa loob kailangan malaman muna kung hanggang saan ang kaya ng kanilang enerhiya sa pamamagitan ng isang energy ball may pagkakatulad ito doon sa ikalawang pagsubok ng willstone academy kung saan sinusubok ang kanilang talento sa pamamagitan ng kung ilang bitwin ang kanilang mapapalabas.

ang gamit naman ng energy ball upang malaman kung hanggang saan nga ba ang kanilang lakas.

pero maaari ring isang tao lamang ang may kakayahan at maaari ring pumasok ang iba sa mga sumusunod na palapag babalaan na lamang sila ng mga bantay para maiwasan ang aksidente dahil sa mga putahe at inuming may matataas na kalidad na hindi kakayanin ng isang may mababang antas lang na lakas.

isa isa namang humawak ang mga kaibigan ni zenon at pare parehas silang pumasa sa ikalawang palapag.

bastat mapuno lamang nila ang kinakailangang enerhiya ng energy ball ay makakapasok na sila hindi na inaalam neto kung isa nga bang multi job ang isang tao.

wala rin naman naging problema sa pag tapak nila sa ikatlong palapag.

hindi kalayuan my mga kabataang dayo na nagsasaya sa ikaapat na palapag mapapansin iba ito sa mga kabataang nasa silver badge family dahil sa nagmumulang enerhiya sa kanila ay iba sa mga ordinaryo at ikalawang nakaka angat na angkan masasabi ng karamihan ang mga kabataang ito ay nagmula sa mismong isang 'gold badge family!'

"ang bayang ito ay masyadong mababa kesa na sa huling bayang ating napuntahan! pero ang ruerto resto-mansion talaga ang naiiba sa lahat!" sabi ng isang kabataan sa kanilang grupo.

ang mga kabataang ito ay binubuo ng limang tao at ang may pinaka malakas na enerhiyang nagmumula ay nasa lvl4 4th job na.

masasabing ang ganitong lakas ay normal na lamang para sa mga angkan na may ranggong gold badge dahil sa kanilang yaman at kayang ibigay na penepisyo sa kanilang mga tauhan.

"reo! may nakita akong isang magandang babae bago ako umakyat dito sa ikaapat na palapag!! masasabi ko ang ganda nya ay talaga nga namang pagkakaguluhan pag tumungtung ito sa hustong gulang!! malamang na pag labanan pa ito ng ibang malalakas na angkan!" bigkas ng bagong dating ang pang anim na myembro nila reo na kakarating palamang kinikilalaa sa grupong pinaka mahina sa kanila pero ang kanyang lakas ay umabot na rin sa ikaapat na profesion!

cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon