23 strongest west province

1.9K 225 24
                                    


walang pinsala! yan ang nakikita ng lahat sa dalawa. ang mga profesion na mas mababa sa ikatlong job ay hindi maunawaan ang pag suko ni orseo.

ang mga my mas matataas na profesion ay nauunawaan ito talagang walang pinasala ang dalawa pero ang enerhiyang nakapaloob kay orseo ay sa tingin nila ay ubus na pero kay zenon malamang ay hindi pa.

maraming tulala ang ilan pa nga ay nag iiyakan hindi dahil sa natalo ang iniidolo nilang si orseo, kundi dahil sa kayamanang pinusta nila ditong nasimut.

si headmaster kreto naman ay tulala hindi sya makapaniwala " talagang sa ilang libong pusta ko lamang ay humigit na ng pinaka mababang yaman ng isang gold badge ang aking napanalunan"

ilang mga pumusta rin kay zenon ay tuwang tuwa sa napakaliit nilang pusta ay tumubo ito ng napakalaki.

natapos na ang laban at naiannounce na ang kampion ng unang patimpalak

kinikilalang si zenon miller ang pinaka malakas na kabataan sa buong west province dahil sa pagtalo sa mga kinikilalang pinaka malalakas sa ibat ibat akademya.

nasa ikalawa naman si orseo kahit natalo sya hindi sya nakakuha ng kahihiyan pinag mamalaki pa rin sya ng stronghold academy isa pa ang strong hold ay may tatlong malalakas na kabataan.

nasa ikatlo si beam ng planteo academy nasa ikaapat naman si saibex at ikalima si ram.

ngayon ang minamaliit na pinaka mahinang akademya sa walong main academy sa west province ay kinoronahan ng pagiging hari nito.

maraming bumilib at humanga sa pinakitang lakas ni zenon kahit pa ilang beses silang pinahiya neto dahil sa mga tinalo nitong akala nilay hindi nya kaya.

...

samantala sa bayan ng alicia ng brave city ilang mamamayan na nakuha ng simpatya ng cruz at shin family para tuligsain at tahasang kalabanin mismo ang lynxin family.

ang pinakapinupunto ng alyansang magaganap ay dahil sa ilang mga myembro ng pamilya ng mga ordinaryo man o mga nasa silver badge ay may namatay ang dahilan ay ang pagkupkop sa miller upang maging kanilang trabahador.

iniisip ng iba dahil ito sa lynxin family dahil sila lamang ang pamilyang wala man lamang nasawi.

naging usap usapan to ng lahat kaya maging ang mga ganid na hindi naman kasali ay hindi ito pinalagpas.

daang daang ordinaryong angkan din ang sumapi sa alyansa para pabasagsakin ang lynxin.

sa totoo lamang ang dalawangpung ordinaryong pamilya ay sapat na para pabagsakin ang lakas ng lynxin.

ang pagsapi lang ng iilang maliliit na ordinaryong angkan ay dahil sa benepisyong kanilang matatanggap.

makikidigma sila dahil sigurado silang mananalo sila sa sobrang dami nila maliit lamang ang magiging danyos malaki naman ang magiging pakinabang sa kanila sa pag sapi sa alyansa.

meron ding tatlong umabot na ng silver badge family ang sumapi sa alyansa hindi ito dahil sa ganid ito ay dahil kalaban nila ang lynxin sa kaparehas nilang negosyo ang pagkawala ng lynxin ay siguradong magiging mas malaki ang pakinabang nila sa hinaharap.

kinikilala ang lynxin family dahil din sa impluwensya nito hindi man sila katapat ng shin clan kung sa impluwensya lang kinikilala naman silang mas malakas dito.

sa totoo lamang ay wala namang galit ang shin clan sa lynxin o kahit sa miller ang dahilan kung bakit sila sumapi sa alyansa ay dahil ito rin ang kahilingan ng paboritong anak ng kanilang family head mabilid naman pumayag ang family head sa isang malakihang alyansa.

sumangayon sya dahil hindi rin naman malaki ang mawawala sa kanila dahil sa totoo lamang para sa kanila ang maki sali ay magdadagdag pa ng kanilang impluwensya sa mamamayan ng alicia .

sa lupain naman ng lynxin nakarating na sa kanila ang balita tungkol sa magaganap na digmaan at ang pagkakaroon ng isang malaking alyansa laban sa kanila.

humingi na rin sila ng tulong sa iba pang dati nilang kaalyado at natulungang angkan ngunit wala silang napala ni isa hindi rin naman kasi nila ito masisisi dahil sa laki ng alyansa ng nabuo sa kabilang panig.

halos lahat ng mamamayan ng lynxin ay kabado pero ni isa sa kanila ay hindi sinisisi sa miller kung ang anong unos ang paparating sa kanila.

kilala ang lynxin clan dahil din sa kanilang mapagmataas dignidad hindi nila ugali manisi ng iba kahit ganun man napakarami na rin nilang natulungang angkan.

ang iilang miller naman ay hiyang hiya sa lynxin sa totoo lamang gustong kausapin ni family head balgo ang pamunuan ng lynxin dahil binabalak nilang lumisan
yun nga lang kasabay din nito ang pagbabago ng kanyang isip.

hindi na laban ito ng miller dahil ang pinaka puntirya ng ibang pamilya ay ang lynxin talaga ginagamit lang dahilang ang miller para pabagsakin ang lynxin.

buo rin ang loob ng mga miller sa kung ano mang dadaanin nilang unos.

sa lupain naman ng miller kung asaan ngayon si seresa walang sinumang nakapasok sa teritoryong kanyang binabantayan magbuhat ng umalis ang mga miller dahil lahat ng nakakapasok ay hindi na nakakalabas pa.

ang mga ghoul na binuhay ni zenon sa forest of life ay nasa lupain na rin ng miller.

ang ilang pa nga sa kanila ay nakapalibot nakabaon lang sa ilalim ng lupa sa lupain ng lynxin family

may kakayahan ang mga to ibaon ang kanilang mga sarili sa lupa at maglakbay sa ilalim nito ng hindi napapansin ng nasa itaas.

sa pinaka mataas naman ng puno sa lupain ng miller tanaw na tanas nya ang kabuuan ng alicia.

"mga tanga kung alam nyo lang ang mangyayari sainyo magiging pataba rin kayo sa lupa katulad ng mga taong nagtangkang pumasok dito" walang emosyon sa isip isip ni seresa.

cont.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon