halos ilang araw pa bago maganap ang susunod na labanan kung saan ang labanang magaganap ay may
kasangga ka.ipinaliwanag na ng city lord ang mangyayaring labanan ay para lang sa pagkakaroon ng kasanayan sa magaganap na pinaka malaking labanang magaganap sa buong kaharian ng netopia.
para na rin makita kung sino ang may potential para lumahok sa mangyayaring patimpalak mangyari ring hindi naka base dito kung gaano ka ba kalakas, naka base ito kung gaano ka nga ba kapaki pakinabang sainyong team.
sa nakaraang tatlong taong lumipas ang stronghold din ang nag kampion sa 'tag-team rumble' na naganap doon din sumikat ang pangalang saibex ram at orseo dahil sa kanilang husay sa pakikipag tulungan sa isat isa.
natatayang meron lamang sampung katao mapipili para lumahok sa darating na patimpalak laban sa iba pang probinsya.
tinatayang meron lamang anim na probinsya ang buong kaharian ng netopia.
ang west province kung asaan ngayon si zenon ang east province north province at ang south province ang dalawang probinsya naman ay napapagitnaan ng apat kung saan sa labas lang mismo ito ng kapitolyo ng kaharian yun ay ang wolf province at ang eagle wings province.
masasabing ang apat na unang probinsyang nabanggit ay halos may pantay lamang na lakas samantalang ang dalawang huli naman ay naiiba ang lakas gawa ng halos dikit lang neto ang pader kung asaan ang lupain ng kapitolyo ng kaharian.
...
samantala ilang araw bago magsimula ang susunod na torneyo kung saan isang team silang lalahok. sila zenon meyer ay naglibot muna sa bayan kung asan sila ngayon.
hindi mawawala sa kanilang tabi si alexa na palagi ng nakasunod sa kanila masasabi ng iba na ang mga kabataang ito ay my malapit na ugnayan dahil sa dalas nilang magkakasama pero hindi kay alexa na ang tingin kay zenon ay isang malaking karibal pag dating sa palakasan.
"grabe ang mga ng yare anong pakiramdam ng maging pinaka malakas zenon??" masayang pagkakasabi ni meyer, talagang masayang masaya sya kung ano man nakakamit ngayon ng kanyang kaibigan pero isa sya sa mga nagtataka kung bakit ganun na lamang ang lakas nito.
"mag iingat ka zenon sa pinakita mo hindi imposibleng maraming taong magkaroon ng interes sayo" si troy na tahimik lang ding nakasunod sa kanila.
sa ilang araw ring pagsasama nakilala nila si troy isa syang palaboy, ang ibig sabihin walang pamilyang sumusuporta sa kanya mas masahol pa sa kung ano ang meron ang mga nasa normal lang na angkan na katulad nila zenon.
ngumiti na lang si zenon sa dalawa at hindi sinagot ang mga sinabi nito para sa kanya gustohin man nyang magsaya ay hindi nya magawa habang dumadadaan ang araw ang kanyang emotion ay patuloy na nagbabago kinakatakot nyang dumating ang isang araw baka pati ang simpleng pag ngiti ay hindi nya na magawa.
tungkol naman sa pagiging masaya dahil sa pagiging kampion nya ay hindi nya talaga ito nararamdaman sa palagay nya dahil din siguro sa agwat ng lakas ng kanyang mga nakalaban kumpara sa kanya ay masyado ng malayo.
sa tanong naman ni troy hindi rin sya nangangamba, bastat walang nasa ikaanim na profesion ang mag tatangka sa kanya magiging madali lang ang lahat.
sa paglilibot nila sa bayan napadpad sila sa isang kilalang kainan, ang kainang ito ay kinikilalang pinakatanyag sa buong twin lion city dahil sa kinikilala ring pinaka mayamang syudad ang twin lion natural na lang din na dito rin makikita ang mga pinaka tandyag na negosyo sa buong west province.
maski ang shin family ng brave city ay kilala sa bayang to dahil meron silang ilang branches din na napadpad dito dahil sa kanilang kilalang produktong elixir.
sa loob naman sa isang kilalang malaking restaurant meron itong limang palapag at bawat palapag nito ay hindi basta basta pwedeng pasukin dahil meron kang kinakailangang taglay na dami ng enerhiya para mai activate ang pasukan para sa susunod na palapag.
si alexa ay hindi nabago sa patakaran ng restaurant na to dahil sa taglay rin naman nilang yaman kahit pa hindi sila kapantay ng shin family pagdating sa taglay na yaman ay kayang kaya rin naman nilang pumasok sa ganitong karangyang restaurant.
"sigurado ba kayong papasok tayo dyan? dibat napaka mahal ng bayarin para lang makapasok dyan?" patanong ni meyer habang namamangha sa restaurant dahil kung nagkataon ito palamang ang unang beses nyang makakapasok sa ganitong karangyang lugar.
"hindi narin problema ang pera meyer" ngiti ni zenon kay meyer "ako ang kampeon ng solo fight at isa sa benepisyo ko ang makapunta rin dito" habang si troy at alexa naman ay mukha naman walang pakialam.
"ano pang inaantay natin kung ganon pumasok na tayo!!" si meyer na excited ng pumasok.
papasok na sana si meyer ng bigla syang harangan ng dalawang bantay.
"hindi maaring pumasok!"
cont.
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Actionmagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...