makikitang ibang iba ang itsura ng ikaapat na palapag kumpara sa mga naunang palapag.
masasabing ang mga taong naririto ay masyadong malimit lamang kadalasang makikita rito ay mga nasa kalagitnaang edad na.
ang buong west province kasi ay binubuo lamang ng mga pamilyang nakaabot sa ranggong silver badge madalas ang mga gold badge family ay makikita sa kapitolyo ng kaharian ng netopia.
madalang lang din sa silver badge family na umabot sa cultivation base sa ranggong ikalimang profesion.
kaya masasabing ang ikaapat na palapag ang halos pinagmamalaking napasok ng mga mayayamang pamilya sa west province.
ang alak at putahe ring inihahanda rito ay hindi matatawaran ang presyo, ang ilan pang pagkain at inumin ay hindi rin basta basta benebenta sa mga hindi angkop na cultivation base dahil baka hindi nila makayanan ang enerhiyang dadaloy sa kanilang mga ugat at maging dahilan pa ito ng hindi magandang aksidente na maaaring makapag pabago ng takbo ng kanilang buhay.
ang grupo nila zenon ay mabilis lang din naman nakahanap ng mauupuan dahil ang tao sa ikaapat na palapag ay hindi naman lalagpas ng sampung katao kung dadagdag pa sila at ang grupo ni reo shaun ay malamang na aabot din sa hindi lalagpas dalawangpu.
"napaka ganda rito zenon walang ganito sa ating bayan!! yung pinaka mahal na resto saatin ay malamang ay mas maganda pa rin ito!" masayang pagkakasambit ni meyer habang tinitignan ang kanyang paligid.
si zenon din ay namangha ngunit wala syang sinabi nakahit ano ng mapatingin sya kay troy ay napansin nyang parang hindi ito interesado sa lugar na kanilang pinuntahan o mas madaling sabihin na sanay na sya sa ganito hanggang ngayun ay misteryoso pa rin ang pagkatao ni troy para sa kanya ang pagkakaroon ng multi job neto ay hindi nagpamisteryoso sa kanya.
tinignan nya rin si alexa na nakasimangot malamang na isa rin ito sa napahiya kanina ng akalain nyang hindi sila makakaakyat dito dahil wala silang ikaapat naprofesion sa kanilang grupo hindi nya akalaing magagawa ni zenon na punan ang kinakailangang enerhiyang energy ball.
sanay na rin si alexa ditodahil ilang beses na rin syang nakapunta kasama ang kanyang ama.
"bakit pala walang lumalapit upang tanungin ang ating mga kakainin?" pagtataka ni meyer ang napansin lamang nya ay ang kaherang nasa gilid.
"hahahaaha mga basura nga talaga" sakto lang din kakaakyat nila reo shaun ng marinig nya ang sinabi ni meyer hindi pa rin nawawala ang pinapakawalan nyang killing intent ang pinaka malaki nyang nakalimutan ay kung bakit hindi ito tumatalab kay zenon ang presyong kanyang pinapadama ay ang presyong inilalabas ng isang ikaapat na propesyon na kahit ang mga kaparehas nyang antas ay hindi mapakali kung sakaling puntiryahin sila nito.
napalingon naman ang grupo ni zenon sa pinagmulan ng salitang bumitaw, hindi nila nagustuhan ang pananabat nito pero wala silang lakas ng loob na pagalitan ito.
kahit si alexa na masyadong mapagmataas ay hindi kayang sumagot dito kahit gustohin man yan dahil baka maging isa itong dahilan para bumagsak ang kanyang angkan hindi rin naman kasi biro ang pinagmulan ng anim na kataong ito.
hindi na lang pinansin ng grupo nila zenon ang sinabi ni reo shaun, at tinitigan naman ng maigi ni reo ang mukha ni zenon na para bang kinakabisado nya ito at saka lang sya bumalik sa dati nilang mauupuan kasama ang kanyang grupo.
-----
samantala sa bayan naman ngbrave city kung asaan ang lugar ng alicia ang mga mandirigma ng bawat normal na angkan at mga mas nakakaangat ay naghahanda na para sa isang malawakang digmaan sa kanilang bayan.
binubuo ito ng napakaraming angkan ang alyansang nabuo ay para pabagsakin ang lynxin clan.
maitatayang halos nasa apatnaraang libong katao ang kalahok rito kumpara sa lynxin clan na meron lamang halos isang libong mandirigma.
kasama ang meyer na meron lamang halos limang daang tao at halos lahat ay hindi pa mandirigma.sa pwesto naman ni seresa nakahanda na rin ang kanyang mga mandirigma para sa isang digmaang magaganap walang alam ang linshin at meyer na may ganito silang kakampi.
ang mga ghoul ay kanya kanya ng hukay ng lupa animoy itinanim nila ang kanilang mga sarili.
walang nakapansin sa ng yaring pagtatanim sa sarili sa mismong tarangkahan ng lynxin clan natatayang halos limang libong ghoul na may lakas na maikukumpara sa ikatlong profession.
mabilis ding napansin ni seresa sa kanyang pagmamasid hindi kalayuan papasok sa city of brave ang isang binata, ang binatang ito ay walang iba kundi si renato shin.
dali daling bumalik si rentato shin sa kanilang bayan sa kadahilang natatakot sya sa mga bagay na mangyayaring sa kanilang angkan.
hindi nya rin kasi akalaing ang zenon na kanyang iniinsulto nuon ay magiging pinaka malakas na kabataan na hindi tataas sa dalawangputlimang taong gulang lamang
hindi na rin sya nag abala pang puntahan ang ikalawang patimpalak mas angat sa kanyang puso ang kaligtasan ng kanyang pamilya.
pagnagkataong hindi nya masabi ang mga dapat nyang sabihin ay malamang na magsisimula na ang digmaang kanyang kinakatakutan at duon na rin matatapos ang kanyang angkan.
magiging kaaway sila ng lahat sa talentot lakas na pinakita ni zenon ay magiging balewala na lamang ang maging pinaka maimpluwensya sa city of brave at baka pati ang angkang sumusuporta sa kanila ay hindi sila mailigtas.
magiging kalaban rin sila ng buong west province pag nagkataon at ito ang hindi nya gusto mangyari.
pero papasok palamang sya ng tarangkahan ng city of brave napansin na nya ang napakaraming taong nagmamartya papunta kung asaan ang lupain ng lynxin clan.
"hindi ito maaari asaan si ama kailangan umabot ako at maihinto ito!"
cont.
BINABASA MO ANG
Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]
Actionmagsisimula na ang tournament of power. makikita na ng iba ang tunay na lakas ni zenon. kikilalanin ang apat na kabataan nagmula sa kanilang lugar. magsisimula na ang pag buo ng sariling pwersa ni zenon. makikilala na ang limang grupong nakaabot sa...