21 final match (2)

1.7K 210 24
                                    

maraming nagulat sa pinapakita ni orseo ang unang dalawang binitawan nyang skill ay ang pinaka malakas na skill ng ninja.

"isa palamang syang nasa unang antas pero napadalubhasaan nya na ang skill na yan!"

"isang tunay na henyo!! isang henyo sa lahat ng mga henyo!"

natuwa naman ang head master ng stronghold sa papuri sa kanyang magaaral.

halos manlumo naman si headmaster kreto alam nya ang lakas ng ganung skill hindi basta basta to napag aaralan lang ng nasa unang antas palamang

sabik na sabik ang lahat sa kahihinatnan ni zenon ang mga pumusta kay orseo ay tuwang tuwa lalo na ang isang ginang na pumusta ng halos tatlong million para lamang madagdagan ang kanyang yaman naniniwala kasi sya ns isang daang pursyento ang panalo dito ni orseo kaya baliwala lamang kung ilabas nya ang lahat ng kanyang yaman tatlong libong ginto rin ang tutubuin nito.

sa kasamaang palad mabibigo ang lahat..

"steel body"

sinalo ni zenon ang atake ng shuriken na hugis dragon kasama na ng isang daang clone.

nagkaroon ng makapal na usok dahil sa steel body hindi maaring gumamit si zenon ng kung ano mang skill ang kanyang enerhiya ay nakatuon sa kanyang buong pangangatawan naiwaksi nya agad ang hugis dragon na yun.

dahil sa steel body ang magagawa nya lang ngayun ay labanan ng mano mano ang mga clone.

kung sa pisikal na lakas halos kasing lakas lang din ng bawat isang clone si orseo kasing liksi kasing bilis ang natatangi lang na hindi nila kayang gawin ay gumamit ng skill.

dahil kinilala si zenon bilang isang one punch man natural na magiging madali ang lahat isa pa ring clone ang isang daan na yun.

wala rin alam ang mga manunuod kung ano nga bang ng yayari sa loob dahil sa makapal na usok na pumapalibot sa arena.

saka lang nila natuklasan na hindi tumumba si zenon sa atakeng pinakawalan ni orseo dahil sa mga nilalang na kawangis ni orseo na nagliliparan palabas ng makapal na usok.

"p*tngna may makakapag sabi ba saaking kung ano ang ng yayari??"

"talaga bang hindi sya tumumba sa dalawang pinag samang atakeng yun dapat ay hindi na sya nakakatayo diba?"

"talaga bang kinaya nya ang clone at ang hugis dragon na yun?? kakaiba nga talaga sya!"

usap usapan ng mga manunuod nasorpresa sila na hindi man lamang nagalusan si zenon sa ginawang atake ni orseo.

pawala na ang makapal na usok at makikitang nakatayo pa rin si zenon na wala man lamang na kahit isang gasgas maayos pa rin ang kasuotan nito.

ang mga pumusta kay orseo ay nanlumo kung sa ganung atake ay hindi natumba si zenon sana man lamang ay kahit papaano ay nagalusan ito.

"t*ngna ang pera ko!!! ipanalo mo ang laban orseo!!"

"hindi to maaari ang tatlong million yan ang buong kayamanan meron kami kung sakaling matalo ang pusta ko kasama na rin nito ang pag lubog ng aming pamilya!" kabadong saad ng ginang na pumusta ng tatlong million para lamang makakuha ng tatlong libo kung sakaling manalo si orseo.

sa kasamaang palad hindi pa man natatalo si orseo ay kinakabahan na sya.

sunod sunod na ang sigawan at ang tanging pangalang sinisigaw ng lahat ay orseo.

dahil sa kanilang pusta na maaaring maabo.

ang isang libong ginto ay sobrang laki na para sa isang bronze badge family.

halos ilang kabayo na rin ang mabibili nila para sa kanilang kabuhayan.

kumpara sa mga nasa silver badge family ay wala lamang ito pero ang halagang milliong ginto ay sya na ring mismong pag aari ng isang silver badge.

si zenon na nakatayo pa rin ay tinitigan lang si orseo kung sakaling isa lamang champion si zenon ay malamang kanina pa ito tumumba pero isa syang multi job na merong halos napakaraming profesion.

ang enerhiyang dumadaloy sa kanya ay ang enerhiya ng lahat ng kanyang profesion napakarami nito tila walang hanggan..

si orseo kanina ay nagulat sa mata ay bigla na lang napangiti sa totoo lamang ay inaasahan nya na ito pero hindi nya pa rin napigilang magulat.

sabay ng kanyang ngiti ay sya ring pagsisimula ng paglusob ni zenon.

"finger offensive fist"

ang unang bitaw na skill ni zenon may lumitaw na limang liwanag maihahambing ito sa sword ray ni beam.

pero ang enerhiyang nakapaloob dito ay puro kumpara sa skill ni beam di hamak na mas malakas ang kalidad neto kahit pa ang pakiramdam ng karamihan ay nasa unang antas lang ito.

limang liwanag ang mabilis na lumusob kay orseo.

walang nagawa si orseo kundi ang umiwas hindi sya tanga para saluhin din ang atakeng yun dahil pag tinamaan sya ng lahat ng yun ay malamang na katapusan na rin nya

kilala sya sa kanyang bilis kaya hindi sya basta basta kayang hulihin ng limang liwanag.

saktong naiwasan nya ang limang liwanag ngingisi na sana sya ng may maramdaman syang isang mabigat na aura sa kanyang likuran.

masyado syang nagfocus sa pag iwas sa limang liwanag kaya hindi nya napansin si zenon

"masyado ba ko naging pabaya??"

boom!!! isang suntok!!!, isang suntok ang nag pagulat sa lahat!!


cont.'

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon