14 paghahamon kay orseo

1.6K 234 7
                                    


pagtapos ng laban ni burgus kay troy hindi sya bumaba ng entablado at hinamon ang willstone academy.

dalawang tao sa willstone academy ang kanyang hinamon.

at ang dalawang ito ay mabilis nya lang din tinalo isa na rito si renato.

pagtapos ng dalawang laban may lakas pa sya pero hindi na ulit sya humamon pa dahil kakailanganin pa rin nya ng lakas para sa mga taong nais nyang hamunin mamaya pinakalma lamang nya ang kanyang sarili sa pagtalo ng dalawang tao sa willstone academy.

"basura pa rin kayo kumpara sa aming academya tss" pagyayabang neto bago bumaba.

naging sunod sunod rin naman ang mga sunod na tagpo.

si ace na nasa unang ranggo ay malakas na ulit kaya tumapak na ang taong tinitignang pinaka malakas na kabataan sa buong west province umamin naman ng pagkatalo si ace dahil alam nyang hindi nya ito katapat.

hanggang sa sunod sunod na labanan bumagsak sa pang labing limang pwesto ang ranggo ni ace.

halos dalawang oras ang lumipas at lahat ay nakipag laban na tanging sampung tao na lamang ang hindi pa lumalaban isa na rito ang sikat na batang si ram ng stronghold academy.

syempre si zenon na nanunuod pa rin kahit papaano ay nagkaroon na rin sya ng interes yun nga lang nakalimutan nyang isa sya sa mga kalahok.

iilang mga tao ang tumatak sa kanyang isipan kung wala sya sa kanyang sariling lakas ngayun at sya pa rin ang dating zenon noong isang taon malamang ang mga taong to ay sobra sobra nyang hahangaan.

"orseo at ram ang lakas ng dalawang to ay nakakabilib sa tingin mo zenon ano kaya ang hinaharap ng dalawang yan lalo na si ram masyado pa syang bata halos kaedad lang natin sya pero ang antas ng lakas nya ay masyado ng malayo saatin." my paghangang pagkakasabi ni meyer.

"ang ganyang antas na lakas ay maaabot mo din meyer swerte lamang sila dahil pinanganak silang marangya, ang cultivation invronment sa kanila ay iba saatin" saad ni zenon makatotohanan naman ang sinabi nya kadalasan kase kahit na gaano ka katalentado kung nagkukulang ka naman ng benepisyo katulad ng rooth hole at ibat ibang klase ng pag inum ng elixir of energy at ng mga magagandang kagamitan para sa pagsasanay ng sarili mong profesion
ay talagang mapagiiwanan ka.

napatango tango naman si meyer nauunawaan nya ang ibig sabihin ni zenon, si alexa ay nakikinig lang sa dalawa sang ayon sya kaya ss brave city halos iba sya sa mga kabataang kaedad nya dahil di hamak na mas may benepisyo syang nakukuha sa kanyang pamilya kasama na rin dito ang kanyang talento.

pero kumpara kay ram malayong malayo sya kung tutuusin di hamak din na mas angat si zenon sa kanya, yun lang eh dahil sa kanyang pakiramdam kaya gustong gusto nyang makalaban ang binata.

...

isang oras pang nakalipas halos nagiging maayos na ang pag raranggo.

at tanging si zenon na lang ang hindi pa humahamon o umaakyat sa entablado, wala rin naman balak ang ibang kalahok na hamunin sya pakiramdam nila isang pang aapi ang gagawin nila kung hahamunin nila ito.

ang iba ay akala na natakot na si zenon. nauunawaan naman nila ang desisyon ni zenon na huwag na humamon dahil nasa ikalawang profesion palang naman sya.

sa totoo lang ayaw humamon ni zenon hindi dahil sa natatakot sya kundi dahil sa ang gusto nya ay sya mismo ang hahamunin ng mga to ang kaso mukhang walang may balak na humamon sa kanya.

kaya sa huli wala syang nagawa kundi mag desisyong sya na lang ang pupunta sa entablado at hahamon ng iba pang kalahok.

sa totoo lang ayaw talaga makipag laban ni zenon simula ng makapasok kasi sya sa class S ng willstone academy wala pang taong may kakayahan makipag bigay ng sakit ng katawan sa kanya.

ang tanging tao lamang nagpakaba sa kanya ay si dalton.

sa ngayon kahit na ang mga kalahok sa torneyo ay hindi nya senseryoso ang mga kanyang makakalaban.

kaya ang gusto nya lang din ay konting laban.

"maganda na rin siguro to na ako ang hahamon" sabay tingin kay orseo, "para isang laban lang ako kailangan ko lang talunin siguro yun" sabay buntong hininga.

wala ng pakialam ngayun si zenon kung mabigla man nya ang lahat isang buong profesion ang tatalunin nya talagang nakakagulat ang bagay na yun.

inantay lang nya ang ilang sandaling matapos ang labanan sa entablado at bumaba ang mga to saka naman sya aakyat.

ng matapos ang labanan sa entablado dahan dahan syang tumayo sa kanyang pagkaka upo.

ang mga batang cultivator sa ibang academta na malapit sa kanya ay nabigla.

"hahaha mukhang may balak makilahok ang batang yun ah"

"naku naman ang batang yan bakit hindi na lang sya maupo at manuod?'

"hahahaha mukhang may tatawanan nanaman akong isang tanga ang akala ba nyan ay isang biro lang ang taas ng isang ranggo?"

sa bulungan ng mga kalahok ay nakatakaw pansin din ito sa ibang manunuod na malapit sa kanila.

hanggang sa humaba ang usapan umabot sa dulo hanggang sa lahat na ay ito na ang usapan.

si zenon lang kasi ang natatanging cultivator na kalahok na nasa ikalawang profesion pa lamang.

habang bulung bulungan ang lahat naging tampulan nanaman sya ng insulto ang iba naman ay naaawa sa sasapin nya.

ang buong willstone academy naman ay hindi rin nakatakas sa rumaragasang insulto

"ano ba yan willstone academy!! naubusan naba kayo ng mgatalentadong batang cultivator?? hahaha"

"karapat dapat ngang pang huli ang akademyang yan at tawaging pinaka mahinang academya sa ilalim ng pinaka malalakas ns academta sa buong west province."

napabuntong hininga na lang si zenon wala syang balak makipag talo sa libo libong tao dahan dahan syang umakyat sa entablado.

tumayo sya sa gitna nag lahat walang humpay pa rin ang insultong binabato sa kanya.

wala syang pakialam sa sigaw ng mga tao sa kanyang paligid ang tanging mata lang nya ay nakatingin kay orseo.

tinignan rin sya ni orseo at umabot ng halos isang minuto ang kanilang titigan madali naman nakuha ni orseo ang nais sabihin ni zenon.

hinahamon sya neto si orseo ay kaninag seryosong nakatingin sa kanya ay bigla na lang napangisi, hindi na sya nag bagal pa at dali dali syang umakyat sa entablado

"a.. anong??, anong ginagawa ni orseo bakit sya umakyat sa entablado?"kabadong bigkas ni meyer.

cont.

15votes next chapt.

Path Of God [Vol 2 : Tournament Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon